Nadine Hernandez
"Gusto mo date tayong dalawa?" alok niya sa akin, ANSABEE? Tama ba ang narinig ko, date daw kami? Biglang nag-init ata ang pakiramdam ko
"H-huy Clark anong s-sinasa-bi mong d-date?" utol kong tanong
Nag kibit-balikat lang siya, "wala lang labas tayo, kahit saan mo gustuhin, ang ganda ng araw ngayon oh"
Umiwas ako ng tingin sa kanya kasi baka hindi ako makapag-concentrate sa mga matang nakatingin sa akin, kung tumitig ako ay parang bumigay ang tuhod ko. Hindi naman sigura masama na lumabas kami di ba? Wala naman din akong gagawin dita at mababagot lang ako kapag dito na naman ako magsastay. Kaya hinarap ko na siya and I've finally came to a decision.
"Okay, game ako" ngumiti siya na napakalawak, WAAAAAAAH gumagwapo siya lalo "Clark sige na, isa lsng" pag mamakaawa ko in my sweetest tone.
"Anong isa p –" bigla namilog ang mata nya "NO! No way, Nadine" sabi niya sabay hawak sa pisngi niya
Napanguso ako "Daya mo, Hmph" mataray kong sabi
"Halika na nga labas na tayo" hinawakan niya na ang kamay ko, ng may naalala ako
"Ayy, Clark wait lang" bumitaw ako sa hawak niya at kinuha ang damit na kinuha ko kanina. Damit ito ng pinsan kong lalaki one time kasi naki tulog siya dito dahil pinalayas siya ng asawa niya sa bahay nila, tapos ang rason kung bakit ay wala lang daw trip lang daw ng asawa niya na hindi papasukin si Kuya Gab sa bahay nila. Hahaha, sobra ako napatawa nun. Topaking buntis pa naman ang asawa nun na si Ate Hannah.
Inabot ko na kay Clark ang isang blue jeans at simpleng dilaw na polo shirt. Tinaasan pa ako ng kilay ng loko, hala baka nagkaroon ito ng hinala sa akin, hinampas ko nga ng mahina sa braso.
"Sa pinsan kong lalaki yan, magkasing laki naman kayo kaya sure ako kasya yan sayo" paliwanag ko
"Okay, shower lang ako" sabi niya sabay lakas patungo sa hagdan nasa taas kasi ang shower, guest toilet lang kasi ang dito sa baba eh.
"Sige bilisan mo" biglang may naramdaman akong kakaiba sa tiyan ko, tinakpan ko bunganga ko at tumakbo na tunga sa guest toilet at dumuwal na naman.
"Uy, Nadine na duduwal ka na naman" na rinig kong sabi ni Clark, na sa likuran ko naramdaman ang paghagod niya sa likod ko
"Oo ng eh-AAACCKKKKKKKK!"
ANUBAYAN! Bakit ba ako naduduwal ngayon?
"Kung pumunta kaya muna tayo ng hospital?" suhestiyon ni Clark
"HMM!" finulush ko na ang toilet at tumayo, nagmumumog na rin ako, "ano Clark pwede wag na lang? Please" pagmamakaawa ko.
"Bahala ka, pero sooner or later pumunta ka" sabi niya
"Okay" ngiti kong sabi "Sige na maligo ka na dun at magpalit na ng damit, para makaalis na tayo" sabi ko habang tinutulak siya paakyat
"Oo na, oo na" at umakyat na siya hawak-hawak ang damit na binigay ko sa kanya
Pagkalipas ng ilang minute narinig kong pababa na ng hagdan si Clark. Tumalikod ako at pinatong ang braso ko sa headrest ng sofa ko. At witwit, is it just me or ang hot tignan ni Clark. Nakadamit na siya at medyo hapit ang polo shirt sa katawan niya kaya makikita mo ang pagka-well-built ng mga muscles niya. May maliit na asul na tuwalya sa ulo niya at mabasa-basa pa rin ang buhok niya.
"Matanong ko lang Clark, naggigym ka ba?" tanong at nangalumbaba sa may headrest, sinundan ko siya ng tingin na patungo ng kitchen at kumuha ng bottled water sa ref, tinaas ko ang kilay ko "Feel at home lang talaga Clark?"

BINABASA MO ANG
Et Statis - ON HOLD
Novela JuvenilShe's a nobody to him and his a nobody to her. They're both strangers to one another who is just in the mode to have fun, and if ever something might happend and turns out to be something more. Well that's there problem. But what if it turns out to...