Nadine Hernandez
"Uy, Nads" kinalabit ako ni Becs tumingin ako sa kanya na nagtatago pa rin sa likod ng menu
"Bakit" sagot ko
"hindi ka pa ba kakain? Sa kakatago mo diyan mauubusan ka na" saad ni France
"Wala na akong ganang kumain" pagtanggi ko
"Sus...masama tanggihan ang grasya, Nadine. Kumain ka na nga" suway sa akin ni Rebecca, sabay abot sa akin ng plato.
Inayos ko yung menu sa gilid ko para nakatago pa rin ako sa lalaking kumakain sa di kalayuan sa amin. Nag simula na akong maghain ng sarili kong pagkain.
"Nakuuu! Nakakainis yung babaeng iyon" sabi ni France "sarap tapunan ng asido yung mukha"
"Tama ka dyan France" pag-sang-ayon ni Becs "Biruin mo tapunan ba naman ng tubig sa mukha"
"Naku! Naku! Naku! Pagnakita ko ulit ang babaeng iyon, lagot siya sa akin" sabi ni France
"Manahimik na nga kayong dalawa diyan"pag-suway ko sa kanila "Kumain na lang kayo para makaalis na din tayo dito"
"Oh, dahan-dahan lang Nads mabilaukan ka" – Becs
Pagkasabi na pagkasabi niya nun nabilaukan na nga ako. Kinuha ko yung tubig ko at ininum ko. Nakahinga din ako ng maigi at sinamaan ng tingin si Rebecca. Umiwas sya ng tingin at nag-tuloy kumain ng pagkain niya.
"Oo nga pala," panimula ko "bakit ninyo binigyan ng pagkain yung lalaki na yun?" tanong ko kay France
Tumawag kasi si France ng waiter at may binulong sa tenga nito. Well, actually hindi siya bulong kasi narinig pa rin namin ni Becs ang sinabi niya; tapos pinaabot pa yung panyo niya dun sa lalaki
"Eh sa naawa ako sa sitwasyon niya" sabi ni France "at hindi pa siya kumakain. Hindi ba iyon nakakaawa?"
"Walang kaawa-awa sa pagmumukha ng lalaking yun" casual kong sabi between bites
"Ay nagsalita ang babae na kahalikan ni papa yummy kamakailan lang" gatol niya sa akin
"Just shut up, and finish your food" inis kong sabi
"Opo, nanay" biro niya sa akin
"At sino naman ang magbabayad ng pagkain ng mokong na iyon?" tanong ko sa kanila
"Sino pa nga ba? Eh di ikaw" sabi ni Becs
"Ha? Ako?" turo ko sa sarili gamit ang tinidor na hawak ko
"Oo naman" sabi niya habang puno pa bibig niya "mauubos na yung weekly allowance ko, noh. Nag-iipon pa ako kaya bawal ako"
"Eh bakit hindi na lang si France?" suggestion ko "siya din ang nakaisip na gawin yun"
"Uh-uh" pakanta niyang sabi habang umiiling "bawal ako, sakto lang ang perang dala ko kasama na yung pang-gas ng sasakyan ko"
"Eh naman eh..." pagmamaktol ko
"We love you, Nads" Sabi nila ng sabay
"Aish..." inis ko saad, at tinuloy na ang pagkain ko
Katahimikan na ang sumunod nun, tahimik lang kaming tatlo habang kumakain. Pagkalipas ng ilang oras sumilip ako sa lalaking binigyan nila France ng pagkain na ako din naman ang magbabayad, tapos na siya kumain at mukhang papaalis na din. Hay, salamat sa diyos. Tumayo na siya at paalis na din, pero imbis palabas tungo ng pinto ang tahakin niyang daan papunta siya sa table namin.
Bakit siya papunto dito? Bumilis ang tibok ng puso ko at dahilan para magtago ako muli sa likod ng menu. Narinig na papalait na papalapit ang mga yabag niya habang palakas ng palakas ang kaba sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Et Statis - ON HOLD
Novela JuvenilShe's a nobody to him and his a nobody to her. They're both strangers to one another who is just in the mode to have fun, and if ever something might happend and turns out to be something more. Well that's there problem. But what if it turns out to...