Yes, I'm fine

2 0 0
                                        

Nadine Hernandez

Nandito kami ngayon ng dalawa kong best friends sa buong mundo sa Star City. Nakakailang rides na kami pero wala talaga akong gana ngayon parang may kulang. Nasa may foodcourt kami kumakain ng lunch, yung nasa labas malapit sa malaking pirate ship. Sila France at Becs ayon masayang nagkwekwentuhan na hindi ko naman pinapakingan habang ako nakabusangot lsng sa harap nila habang umiinom ng strawberry-apple fruit smootie.

"Hoy, babae! Kanina ka pa dyan nakasimangot na kakabagot na ha! Ano bang problema?" tanong sa akin ni Becs

"Wala lang, nahihilo lang ako" walang gana kong sagot

"Eh kaya mo pa ba?" tanong naman ni France

"Kakayanin naman" wala talaga akong gana ngayon, parang kasi there's something missing, ay ewan ko!

Biglang ngumiti si Becs na parang aso, nagkatinginan silang dalawa ni France at parang na intindihan kaagad ni France at ngumiti na nanakakaloko, parang kinilibutan ako sa mga ngiti nilang yan.

"Huy, ano ba kayong dalawa? Nakakakilabot yang ngiti niyo tigilan niyo nga" suway ko sa kanila, both of them leaned closer at sineyasan akong lumapit din sa kanila ni Becs. Lumapit naman din ako

"Nads, namimiss mo na ba si Clark?"

"What?!" napaupo ako ng tuwad sa hindi ineexpect na tanong ni Becs, biglang nag-init yang pisngi ko at tumingin sa baba para umiwas sa mga paasar nilang tingin sa akin

"Awww...namimiss ni Nads ang papa yummy niya, Hahaha" rinig kong biro ni France

Inangat ko ang ulo ko at sumigaw ng "Hindi noh" tapos tumawa lang ulit sila

"UUUUYYY! Miss niya na" asar ni Becs

"Bakit hindi mo tawagan at sabihin na pumunta dito para Makita mo na siya?" – France

"TSS...Kaasar naman kayo oh, tigil-tigilan niyo yan kundi kurot ang abot niyo sa akin" panakot ko sa kanila

"AYY! O syia, sige na stop na kami, takot pa nsmin sa'yo noh?" – France

"Hmph!" I crossed my arms across my chest, at inirap silang dalawa

"Okay tama na halika na sakay na tayo dun sa star Flyer dali!" excited na sabi ni Becs

Tumayo na kami at nag simula nang maglakad patungo sa ride na 'Star Flyer', roller coaster siya na patang may kaunting American style na ride. Pumila agad kami at wala pang isang minuto ay nakasakay na kami at nagsimula na ang ride. Nang matapos ay bigla akong nahilo as in sobra talaga akong nahilo. Ilang beses ko na ito sinasakyan ngayon pa lang ako nahilo ng ganito.

"Uy Nadine, okay ka lang ba diyan?" Tanong ni Becs na katabi ko, tinignan ko ang mukha niya worry written in her eyes.

I nodded, "Yes, I'm fine"

"Okay" sabi ni Becs pero nag-aalala pa rin ang tingin niya sa akin

Bumaba na kami habang at naglakad na habang nakaalalay si Becs sa akin. Sobra na talaga ang sakit ng ulo ko hindi ko na kaya, bigla ko naramdaman na sumakit ang tiyan ko. Tinakpan ko ang bibig ko at madaling tumakbo sa malapit na CR. Mabuti may isang kakalabas lang at pumasok ako kaagad leaving the door open, tapos dumuwal na naman muli. Naramdaman kong may humawak ng buhok at hinihimas ang likod ko.

"My gahd, Nadine, anong nangyayari ba sa iyo?" alalang-alala tanong ni Becs, hindi ko siya masagot kasi dumuduwal pa ako. Ng matapos akong dumuwal finulush ko na ang toilet at pagkatpos nun biglang dumilim ang paningin ko. Ang huli kong naring ay yung pagsigaw-sigaw ni Rebecca sa akin. 

~~~~

Update No. 2

Hehehehe :)

Et Statis - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon