My princess

2 0 0
                                    

Clark Espinonza

Nandito ako ngayon nakaupo sa sofa niya at nasa paanan ko naman si Cassie. Na nonood lang ako ng TV, medyo feel at home lang ako noh? Simple lang yung unit niya, kulay puti ang mga dingding niya tapos naghahalo yung kulay blue, gold at puti sa mga gamit niya sa living room. Napaka-classy at elegant ng unit niya, aakalain mo na galing siya sa isang prestigious na pamilya. Nagkakalat yung mga gamit ng alaga niyang si Cassie na kulay blue at orange naman ang mga kulay niya.

Umakyat si Nadine kanina pa para magbanlaw at magpalit ng damit, medyo matagal na nga siya taas eh. Pinatay ko na ang TV dahil nabored na kasi ako. Tumayo na ako naglakad patungong veranda niya. Ang sarap ng hangin dito kahit naghahalo yung usok galing sa mga kotche sa baba at fresh air. Palubog na rin yung araw at ang gandang pag-masdan lang. Tumingin ako sa wrist watch ko, ang tagal naman mag-banlaw ang babae na yun. Medyo nag-woworry na ako.

"Mukhang sarap na sarap ka diyan ah?" napitlag ako ng may magsalita sa likuran ko. Tumalikod ako at nakita ko si Nadine nakasandal sa may glass door and her arms are crossed against her chest. Nakasuot siya ng sandong kulay light pink at short na kulay blue. Nakangiti din siya sa akin. Ang ganda niya talaga pagnakangiti

"Um...pwede bang magtanong Clark?"

"Shoot, ano ba yun?" sabi ko habang papalapit sa kanya

"Um...marunong ka ba magluto?" Lumaki yung mata ko sa tinanong niya

"Bakit mo naman natanong?" kunot-noo kong tanong sa kanya, napanguso siya sa akin

"Ksi...um..." parang naiilang siya hindi din siya makatingin ng derecho sa akin "pwede bang magluto ka ng hapunan ntin?" hiya niyang tanong habang nakanguso

Pwede bang tumigil ka nga sa pag ngunguso mo natetemp ako eh. Ngumiti ako at ginulo yung buhok niya, at pumasok sa loob

"I know we just met and I barely know you, pero luto ka naman ng pagkain please" pagmamakaawa niya, napabuga ako ng hininga

"Pasalamat ka magaling ako magluto" sabi ko at dumerecho na sa kitchen niya

"Yehey! Magluluto ng hapunan si Clark?" masaya niyang sbi

Umupo siya sa may stool malapit sa may island counter at pinapanood ako mag luto.

"Okay lang ba sa iyo itong ginagawa ko?"

"Oo naman go lang noh" sabi niya "ay wait may nakalimutan akong ibigay sa iyo" sinundan ko siya ng tingin may kinuha siya sa loob ng cabinet at yun pala ay isang black na apron. Lumapit siya sa akin at sinuot sa akin. Pumunta siya sa likuran ko at tinali ang apron. Tapos hinarap niya ako sa kanya

"Ayan mukhang chef kana" ngiti niyang sabi, nag-init bigla yung pisngi ko

"Ayieeeeee, nagbublush si Clark oh" asar niya sa akin umiwas ako ng tingin bigla

"Hindi noh, asa ka naman"

"Ay indenial pa siya" asar niya pa, tinalikod ko na siya sa akin at tinulak paalis

"Maupo ka nga dun, at wag kang makulit"

"Okay"

"Pansin ko lang ang bilis lang ng mood swings mo noh"

"Wala kang paki sa mood swings ko, Hmp" inis na naman siya niyan "Bilisan mo nga diyan nagugutom na ksi ako"

"Opo mahal na prinsesa" asar ko

Maya-maya lang ay natapus na ang niluto kong chicken adobo, gutom na kasi yung prinsesa di ba? Inihain ko na ito sa dining table. Kumuha na ng plato at kutsara't tinidor si Nadine para sa aming dalawa. Binigyan niya na rin si Cassie ng dog food at iyon kumakain sa tabi namin.

"Amoy masarap yang luto mo ah, pero bakit adobo?"

"Akala ko nagugutom ka na" taas kilay kong saad "Kaya iyan na ang niluto ko para madali lang"

"Ahh, okay" at nagsandok na siya ng sarili niya "kuha ka na rin Clark. Wag kang mahihiya" Nagsandok na rin ako ng sarili ko sabi niya eh

"WOW! Ang sarap ng luto mo Clark, pwede ka ng chef niyan"

"hahaha, salamat, actually HRM nga ang course kinukuha ko ngayon, plano ko kasi magtayo ng sarili kong restaurant"

"Magandang plano yan, Clark, todo supporta ako sa'yo" Sabi niya "fighting lang" at nag-fist pump sya

"Um, Clark pwede mag-ask pa ng isa pang favor" sabi niya habang sumusubo ng adobo't kanin, bigla siyang tumayo at kumuha ng mga sili na malapit sa stove. Bumalik siya sa pagkakaupo at pinag pirapiraso niya ito at hinalo sa kanin niya. Namilog mata ko kasi halos limang buong sili labuyo yun.

"Hoy, ang anghang na n'yan, okay lang yan sa iyo?"

"Oo, naman noh" sabay subo niya ng kanin hanaluan niya ng sili, na may laman sa gilid "mash shumharhap ngah ehh"

Napailing na lang ako at sabay subo, "Ano nga pala yung favor mo, Princess"

"Please stop calling me 'Princess'"

"Whatever you say my princess" asar kong saad, kaya ngumuso naman siya "so ano na nga ang favor mo sa akin"

"Um, kung pupwede dito ka muna matulog natatakot kasi ako eh" she said slowly sabay subo, parang wala lang sa kanya na lalaki ako.

"Ilang taon ka na bang nakatira dito?"

"Um..." inilagay niya ang dalawang hintuturo niya sa sentido niya, pinipigilan ko uyng tawa ko kasi ba naman may kutsara pa siya sa bunganga niya, PFT!

"Matagal-tagal na rin, mga 4 years na" sabi niya at nagsimulang magsandok ng kanin at ulam

"Oh 4 years ka na pa lang nakatira dito na mag-isa. What's the difference of spending it alone tonight?"

"Eh sige naman Clark, dito ka na muna matulog ngayong gabi. Hindi ko kasi mapaliwanag parang paki ramdam kong may masamang mangyayari kapag mag-isa lang ako dito" paliwanag niya sabay subo, tuloy pa rin siya sa pagkain ah

"Kasama mo naman si Cassie ah"

"That's not the point, come on Clark pleeeeease" sabi niya sabay tumingin sa akin na may puppy dog eyes. nag titigan lang kaming dalawa. Matignan kung hanggang saan aabot yang puppy eyes niya.

"Hay..." paglabas ko ng hininga "sige na nga, hindi kita matiis eh" sabi ko, bumigay na nga ako. Iba rin ang tama ko sa babae na ito

"Yehey!Thank you, Clark!" palakpak niyang sabi, tumayo siya at nabigla ako sa sunod nyangginawa.

~~~~
Second update today

Hope you enjoy reading

See you guy next week

😁😁

Et Statis - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon