• Shannon POV •
One week na simula ng matapos ang cultural fest, at syempre si Shawn mylabs ang nanalo. Galing talaga ng boyfriend ko. Hahaha
"Nervous? " tanong ko sa kanya habang nasa kotse kami.
"Medyo. Ngayon lang kasi ako makakaranas ng ganito."
"Seryoso? Pffft .. Hahahahahaha.." Tae. Hindi ako makapaniwala.
Ngayong araw kasi niya mami-meet ang kuya ko. At sobrang halata na kinakabahan siya, daig pa najejebs eh.
"Stop laughing. Lalo akong kinakabahan eh."
"Hahaha .. Okay. Don't worry, kilala ka naman na ni Kuya. And i'm sure magiging magkasundo kayo." I held his hand.
"I hope so."
Inihinto na niya ang sasakyan. Nandito na pala kami. Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa garden kung nasaan si kuya.
Nakita namen na nakatayo si kuya at nakatalikod samen.
"Hi kuya!" Bati ko.
Lumingon naman siya at ngumiti.
"So, ikaw si Shawn? " Ekk. Bakit ba ang seryoso masyado ni kuya.
Kaya kinakabahan yung isa eh.
"Yeah." Seryosong sagot din ni Shawn.
"Well .." naglakad palapit samen si kuya. "Welcome to the family! Mabuti naman at nagkaroon na ng seryosohang relasyon tong kapatid ko." Ekk? At umakbay pa siya kay Shawn.
Si Shawn naman mukhang nakahinga ng maluwag kaya ngumiti din.
"Thanks bro. Don't worry, I'll take care of her." Sabay kapit sa kamay ko.
"Dapat lang, kundi mananagot ka saken."
"Kuya! Tinatakot mo naman si Shawn eh." Saway ko kay kuya.
"It's okay Shan, responsibilidad ko naman talaga na alagaan ka eh."
"O siya, tayo'y kumain na."
Pumasok na kami sa loob. Dito na kami maglalunch ni Shawn kahit may date pa kami mamaya.
Nagkwentuhan at asaran lang kami habang kumakain. at mukhang magkasundo na din si Kuya at Shawn. Pag-uwi nalang ni dad at saka ko siya papakilala.
"Let's go? "
"Kuya, alis na kami."
"Ingat. Shawn, ingatan mo kapatid ko ah? " bakit ba laging nakabanta si kuya?
"I will."
"O siya, tara na honey para masulit naman naten tong date naten."
"Honey? Pfffttt .. Hahahaha .. Ang corny mo Shan.. Haha" tawa naman ng tawa si kuya
Potek!
"Whatevah." I rolled my eyes sabay hila kay Shawn.
"Panget ba yung honey bilang endearment? " tanong ni Shawn ng makapasok kami sa kotse niya.
"Hmm .. Honestly, medyo corny kasi di pa naman tayo mag-asawa eh."
"Ganun? Edi pakasal na tayo."
"Gagu ~ Di pwede noh."
"Bakit? "
"Bata ko pa noh. Saka na."
"Okay. Girlfie and boyfie nalang endearment naten, para unique." Habang tumataas pa ang kilay.
"Psh! Bahala ka. "
"Ehh? Ayaw mo ba nun? Ayoko kasi ng babe, kasi di naman tayo baboy. Ayoko din ng baby kasi di naman tayo sanggol."
"Okay na nga yun. Pagtyagaan nalang naten."
"Grabe sya oh."
"Joke lang. Kahit ano pang tawagan naten, basta akin ka lang."
Hinawakan naman niya ang kamay ko. "I love you."
"I love you more."
Hayst! Sarap sa feeling ng inlove. Heaven.
Dumiretso muna kami sa mall para manuod ng sine. Simpleng date lang kasi gagawin namen ngayon, para masaya.
"Girlfie, diba si Jaren yun? " turo ni Shawn sa lalaking nakatayo malapit samen.
"Oo nga noh. LApitan naten." Hinila ko si Shawn palapit kay Jaren.
"Jaren! Anong ginagaw mo dito? "
"Ahh .. Kasi kasama ko si Lexie." Jaren.
Kasama niya yung malanding cheerleader na yun?
"Nasan siya?"
"Oh hi Shan, and hi Shawn. Nandito din kayo? " pacute na tanong niya.
Obvious na ng sinasabi pa. Nagcling naman ako sa braso ni Shawn, baka kasi biglang ahasin ng malanding to.
"Yeah." Si Shawn ang sumagot, ng hindi ako sumagot.
"Nice. Nagdedate din kayo? " sabay cling ng bruha kay Jaren.
"Don't state the obvious Lexie." Hindi na talaga ako makapagtimpi sa kalandian netong bruhang to. Pacute ng pacute sa boyfie ko eh.
"Sorry. Then, let's have a double date para masaya."
"Oo nga. " sang-ayon ni Jaren.
"It's fine with me." Shawn
Ano pa bang magagawa ko? No choice na ako kaya..
"Okay."
"Yay! C'mon let's go." Hinila na niya si Jaren.
Nakakaasar talaga ang bruhang yun. Lantod eh.
Alam nyo yung pakiramdam na may ahas kayong katabi na pwedeng tuklawin ang boyfriend nyo? Ako kasi alam na alam ko. Pistea! Parang ahas sa likot tong bruhang to.
Bale, si Jaren, Lexie the snake, Shawn, at ako ang ayos ng upuan. Pusang gala! Makadikit naman tong ahas na to kay Shawn, kulang nalang yakapin sa harap ko.
Grrr .. Si Jaren ang kadate niya, hindi ang boyfie ko. Rawr!
"Waaa .. Oh my god! " tili ni Lexie sabay yakap kay Shawn.
Putaena! Nakakapagmura na talaga ako.
"Ehem! " si Jaren. Kaya humiwalay naman agad si Snake este Lexie kay Shawn at yumakap kay Jaren.
"Sino bang may gustong manuod ng horror? Tapos titili-tili. Pistea! " pagpaparinig ko.
"Nashock lang naman ako." React ni Snake.
"Oo nalang."
Hinawakan naman ni Shawn ang kamay ko. Pistea! Akala ko magandang date ang mangyayare. Eh tokneneng naman oh! Worst date ever.
"Don't mind her, ikaw lang naman eh." He kissed my forehead.
Basta! Tampo pa din ako. Hmf! Busheyt! Isang walang kwentang date. Gusto nyong malaman ang nangyare?
Well, wala lang naman ginawa si Lexie the snake kundi ang yumakap kay Shawn. Kaya ang resulta kami ni Jaren ang naging magkadate. Pisting ahas yun.
"Girlfie!" Tawag ni Shawn.
"I'm tired Shawn, papasok na ako. Thanks for the nonsense date." Isinara ko na ang gate at diretsong pumasok.
Ayokong makipag-usap ka Shawn ngayon, baka kasi mag-away lang kami dahil sa inis ko. Bukas ko nalang siya kakausapin, kapag ok na ako. Papahupain ko muna ang inis ko.
Dumiretso lang ako sa kwarto ko. Naglinis, nagbihis ng pantulog, at humiga. Nakakapagod din ang araw na to. Nakakapagod panuorin ang ahas na si Lexie habang nakalingkis sa boyfriend ko.
Hayst.
Zzzzzzzzz ....
AUTHOR'S NOTE : Sarrie sa UD.
YOU ARE READING
My Biggest ENEMY Is My BOYFRIEND
Teen FictionWhat would u choose Game over Love Or Love or Game Sino unang mahuhulog sa Laro