Chapter Thirteen : Reason and Letting go

22 1 0
                                    

Chapter Thirteen : Reason and Letting go

• Shara POV • (shan's and shawn's mother)

Alam kong nasasaktan ngayon ang dalawa kong anak.

Unang beses palang na sinabi saken ni Shawn ang tungkol kay Shan ay malakas na ang pakiramdam kong ang Shan na tinutukoy niya ay ang Shan na anak ko.

Gusto nyong malaman ang rason kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon?

Robert Sarmiento, ang lalaking una kong minahal. Nagpakasal kami, ngunit sa ilang taon nameng pagsasama ay hindi kami binyayaan ng anak. May problema siya sa pagkakaroon ng anak (baog). Mahal na mahal ko siya, pero gusto ko din magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Nagkipagdivorce ako sa kanya, at dun ko nakilala si Timothy Zamora. Ang lalaking nakapagbigay saken ng buong pamilya.

Masaya naman kami, lalo na nung dumating samen si Shone. Ngunit nagbago ang lahat ng magkrus muli ang landas namen ni Robert, at totoong mahal ko pa din siya. Buntis na ako nun kay Shan.

Hanggang sa dumating ang panganganak ko kay Shan, at nagdesisyong iwan sila. Iniwan ko sila ng walang paalam, at sumama kay Robert.

Nag-ampon pala si Robert, at iyon nga ay si Shawn. Isang taon lang ang tanda niya kay Shan. Tinuring ko siyang parang tunay na anak, at walang ibang nakakaalam na ampon siya bukod samen ni Robert.

Alam kong maiinis kayo saken dahil mas nagawa ko pang alagaan ang isang batang ampon, kesa sa totoong anak ko. Pero, kahit ganun ay patuloy ko pa din binibisita sila ng palihim. Nasa paligid lang nila ako kapag birthday o may mahalagang okasyon sa kanilang buhay, kaya nasusubaybayan ko pa din ang paglaki nila. Kahit palihim.

"Bakit hindi mo sinabi kay Shawn ang totoo? " tanong saken ni Robert.

"Hindi ko din alam. Siguro dahil nabigla lang din ako sa mga nangyare."

"Kakausapin naten si Shawn. Ayokong tutulan ang kasiyahan niya."

"Oo. Aayusin ko ang lahat."

Niyakap lang ako ni Robert. Mabuti na din siguro na si Shawn ang makatuluyan ni Shan, dahil alam kong aalagaan siya nito.

• Shawn POV •

Nandito ako sa tapat ng gate ng bahay nila Shan. Ayaw akong papasukin ng guard nila.

Ilang oras na akong naghihintay at sumisigaw dito. Kailangan namen maayos ni Shan to. Hindi pweden matapos kami sa ganito.

Mahal na mahal ko siya.

"SHAN!! LABASIN MO NAMAN AKO OH!! MAG-USAP TAYO, PARANG AWA MO NA!! " masakit na ang lalamunan ko sa pagsigaw.

Kailangan namen mag-usap.

"Pwede ba Shawn, umalis ka na?! " si kuya Shone ang lumabas.

Nababakas ko ang galit sa kanya. Iba ang aura na nasa kanya.

"Kuya, kailangan namen mag-usap ni Shan. Please naman oh." Pagmamakaawa ko kay Shone.

"Hayaan mo munang magkapag-isip si Shan."

"Kuya, mag-uusap kami." Biglang sumulpot si Shan.

Nakapantulog na siya at namumugto ang mga mata.

"Shan! " i hugged her tightly.

I don't wanna lost her.

"Sige." Iniwan na kami ni kuya Shone.

"Shawn .."

"Shan, aayusin naten to okay? Maayos naten to."

"Shawn .. H-hindi.. malinaw naman ang lahat hindi ba? Hindi na tayo pwede.."

Nagsimula ng pumatak ang nga luha namen.

"Shan .. Aayusin ko to. Please naman oh, wag kang susuko saten."

"ANU BA SHAWN?! HINDI MO BA MAINTINDIHAN NA HINDI TAYO PWEDE, KASI MAGKAPATID TAYO?! MAGKAPATID! " tinulak tulak nya ko habang umiiyak.

"Shan naman .."

"Hanggang dito nalang tayo Shawn. I'm letting you go."

Pagkatapos niyang bitawan ang mga katagang yun ay pumasok na siya sa loob ng bahay nila.

NAiwan akong tulala at patuloy ang pag-agos ng mga luha.

Tapos na ang lahat samen? Bumitaw na siya. Hanggang dito nalang ba talaga kami?

Hindi! Hindi pwede.

"Shan!! "

Napagod na din ako sa kakasigaw at pagmamakaawa na kausapin niya ulit, at sabihin na nagbibiro lang siya. Ngunit walang Shan na lumabas.

Bakit ba nangyayare samen to? Bakit kailangan kami pa? Bakit?

AUTHOR'S NOTE : Ayan na po yung katotohanan.

My Biggest ENEMY Is My BOYFRIENDWhere stories live. Discover now