Chapter Fifteen : Surprise •

24 1 0
                                    

• Shan POV •

Whoa! Sa wakas okay na kami ni Shawn.

Nandito ako ngayon sa hospital na pinagtatrabahuan niya. Iso-surprise visit ko siya.

"Okay na ba ang lahat? .. Oo .. Darating siya anumang oras .. Oo .. Thank you .. Bye! "

Sinong kausap niya? Darating? Hmf! Baka pasyente lang.

I knocked.

"Girlfie, anong ginagawa mo dito? " gulat na tanong niya.

"Sinusurprise visit ka. Ayaw mo ba? " i pouted.

"Syempre gusto. Nasurprise lang talaga ako." Then he hugged me.

"Anong oras ang out mo? "

"Ngayon na."

"Huh? Akala ko may darating kang pasyente? "

"Pasyente? " kumunot naman ang noo niya.

"Oo. I heard kanina habang may kausap ka sa phone."

"Ahh .. iyon ba? Don't mind it." Umakbay siya saken. "Let's go? "

"Saan? "

"Basta."

"Okie."

Nagpunta kami sa bandang likuran ng hospital. Ngayon ko lang nakita na may isang malaking garden pala dito. Andaming bulaklak at  .. Balloons?

Ang cool naman dito.

"Close your eyes." Bulong niya.

"Huh? Bakit? "

"Just close your eyes okay? "

Pumikit naman ako.
Ano na naman kalokohan ang gagawin ng lalaking to?

Parang may weird na nangyayare sa paligid. Parang andaming kaluskos.

"Shawn? "

"Open your eyes honey."

Dahan-dahan ko namang minulat ang mata ako.

Halos malaglag ang mata at panga ko sa nakikita ko. Bakit andaming tao?

Mga doctors, nurses, patients, may mga tao din na hindi ko kilala. Pero, nandito din ang pamilya namen, at ang buong barkada.

Ano bang nangyayare?

"Shannon Zamora .." lumuhod siya. "Marry me. That's an statement, at bawal tumanggi." Inilabas niya ang singsing.

"May magagawa pa ba ako? At sino ba ako para tumanggi sa isang Shawn Sarmiento?  I will marry you."

"Yes! Yes! Thank you!  I love you! " niyakap niya ako.

"Teka, isuot mo muna yung singsing baka mawala pa."

Isinuot naman niya saken. Napuno ng palakpakan, at hiyawan ang paligid.

"Narinig nyo yun ah? Magpapakasal na kami ng babaeng minahal,minamahal, at mamahalin ko. I love you so much Shannon Zamora."  Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan.

"Ehem! Paano naman tong bulaklak? " singit ni Louis.

"Sorry,  i forget. Thanks bro." Kinuha niya yun at binalik saken.

"Thank you."

"O panu ba yan guys, kailangan na namen umalis dahil may date pa kami ng aking soon-to-be-wife. Salamat sa lahat ng nanuod, sumaksi, at tumulong. I owe you a lot."

Pagkatapos ay hinila na niya ako paalis at isinakay sa kotse niya.

"Saan naman tayo pupunta aber? "

"Secret."

"Ehh? Daya."

"Siguradong magugustuhan mo yun."

"Dapat lang. By the way, paano mo nagawa yung kanina? I never expecting na gagawin mo yun."

"Syempre, it's a surprise. Thanks sa tulong ng barkada. Honestly, alam kong bibisitahin mo ko ngayon dahil sinabi ni Kyla. At yung kausap ko sa phone kanina ay si Louis at Jaren yun."

"Ahh .. So, planado na pala lahat ng to? "

"Ahuh. Ayoko na kasing pakawalan ka pa."

"Tch. Thank you sa lahat Shawn. I love you so much."

"I love you more wifey."

Natawa nalang ako sa tinawag niya saken.

Ansarap isipin na magiging Mrs. Sarmiento na ako. I can't wait.

"We're here."

Bumaba naman kami.
Kaninong bahay to? Ang ganda!

"Kaninong bahay to? " tanong ko.

"Saten."

"Huh? Paanong magiging saten to?"

"I bought it, 3 years ago. Binili ko para saten."

"Huh? Bumili ka na, kahit hindi mo alam kung babalik pa ako?"

"Yeah. Pero, sigurado naman ako na babalik ka at hindi ako nabigo."

"Thank you talaga." Hindi ko mapigilan maiyak.

Bakit ba ang perpekto na ng lalaking to? Sa pisikal at ugali man.
I'm so lucky to have him.

"No need to be thanked. Handa kong gawin at ibigay ang lahat para sayo. Ganon kita kamahal."

Niyakap ko lang siya. Wala na akong masabi pa. Masyado na akong masaya.

Nag-stay muna kami sa bahay. Kumpleto na ang lahat ng gamit sa bahay. Kami at ang magiging pamilya nalang namen ang kulang.

At malapit na yun mangyare.

AUTHOR'S NOTE : Paano ba yan mga besh, matatapos na ang kwento ng Shawnnon? Hehehe .. Hope naenjoy nyo kahit papano ang story. Wait nyo yung epilogue.

My Biggest ENEMY Is My BOYFRIENDWhere stories live. Discover now