Special Chapter : Ericka and Louis •

32 1 0
                                    

Special Chapter : Ericka and Louis

• Ericka POV •

Nandito pa ako sa gate ng academy at inaantay si Louis. Nauna na kasing umalis sina Shan at Kyla.

"Tara? " tanong saken ni Louis.

Ihahatid daw kasi niya ako. Sumakay kami sa kotse niya.

"May problema ba Ericka? " worried na tanong niya.

Sheyt! Sasabihin ko na ba? Pero, paano? Bahala na nga.

"Louis .. Kasi .. Ano .."

"Ano? " kunot noong tanong niya.

"Sinasagotnakita! "

"Ano? Dahan-dahan naman sa pagsasalita, di ko naintindihan eh." Napapakamot sa ulong tanong niya.

"Walang ulitan." Nahihiya ako eh.

"Ehh? Ano nga dali."

"Sabi ko sinasagot na kita."

*SCREEEEEEEECCCCHHHH*

"Ouch naman Louis! "

"Seryoso ka talaga dun? Sinasagot mo na ako? Totoo? Tayo na? "

Tch. Baliw talaga.

"Sa lahat ng tinanong mo, isa lang ang sagot .. OO. Okay na? "

"Yes! Thank you." Sabay yakap saken.

"Anung thank you ka dyan, libre mo kong siopao, pambawi sa muntikang pagkasira ng pes ko."

"Yes ma'am! " nagsalute pa talaga ang loko.

Natawa nalang ako sa ginawa niya. Ang kulit lang kasi ng lalaking to.

Kaya naiinlove ako eh. HAhaha

Dumaan kami sa 7Eleven para bumili ng siopao at gulp. Yun lang naman masaya na ako, at syempre kapag kasama siya.

Pagkatapos ay hinatid na din niya ako, dahil pupunta pa pala ako kay Shan.

"Bye, ingat." Paalam ko.

"Bye. I love you MOO."

Yicks! Nikikilig ako.

"I love you too MOO."

Nagwave lang siya at umalis na. MOO ang tawagan namen. Sya nakaisip nyan eh, kahit tunog baka.

HAhaha .. Best day ever.

AUTHOR'S NOTE : Naisipan ko lang isingit ang lablayp ni Ericka. Hahaha

Chapter Eleven : Christmas Break (vacation)

• Shannon POV •

Whoa! Ansaya! Christmas break na namen, at ibig sabihin lang nun ay oras na para sa aming vacation. Hohoho..

Nandito kami ngayon sa resthouse namen sa batangas. Mag-istay kami dito in 3 days. Parang barkada's bonding na namen to. Bale, sampu kaming nandito ngayon.

Ako at si Shawn, Kyla and Karlo, Ericka and Louis, kuya Shone at ang kanyang jowa na si ate Em, kasama din si Jaren at ang ahas na si Lexie (magjowa na kasi yung dalawa).

"Magswimming na tayo, daliiii!! " excited na yaya ni Kyla.

Ang bruha nakatwo piece na agad. Excited much.

"Wag ka ngang excited Ky! Hindi naman aalis ang dagat." Si Ericka.

"Whatevah Eri. Excited na kong makita ang paglaway ni Karlo sa aking sexy body." Kyla.

"Yuck! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Ky." Ericka.

"Wag ka ngang KJ. Hmf! " Kyla.

"Tigilan nyo na nga yan. Tara na at baka maiwan ng dagat si Ky." Pang-aasar ko.

Nagpout lang si Kyla, bago sumunod saken. Nakatwo piece na kaming tatlo, pero si Kyla lang ang lantad na lantad ang katawan. Nakasuot kasi kami Ericka ng damit na parang lambat, kaya kita pa din tung panloob namen.

Nadatnan namen yung iba na nasa kubo, at mukhang nagkakasaya. Si kuya at ate Em ang nag-iihaw, si Jaren at Lexie naman ay naglilingkisan. Wala na yatang ibang alam tong dalawang to kundi maglingkisan.

Yung mga boyfie naman namen ay nagkukwentuhan.

"Hi Baby! " tawag ni Kyla kay Karlo. Halata naman nabigla si Karlo sa kasexyhan ni Kyla. Haha .. Natulala ang mokong.

"Nice one MOO." Si Louis naman na lumapit kay Ericka. Mukhang nahihiya pa ang bruha.

Lumapit naman ako kay Shawn na nakangiti lang saken. Umupo ako sa tabi niya at inagaw yung barbeque na kinakain niya.

"Matunaw ako." Biro ko.

"You're so damn hot and sexy."

"I know right, no need to mention." I smirked.

"Tch. Mukhang kailangan kitang bantayan mabuti ah? Baka may umagaw sayo bigla "

"Baliw. Puro ka kalokohan" i pinched his nose.

Tumambay muna kami ni Shawn, habang nagsuswimming na yung iba. Susulitin ko muna tong moment na to noh.

"Girlfie? "

"Hmm? " busy kasi ako s paglalaro ng games sa cellphone niya.

"Papakilala na kita sa parents ko, pagbalik naten sa manila."

"Really? " nahinto ako sa paglalaro.

"Yeah. 5 months na tayo, pero never ka pang nakikilala ng parents ko."

"Hmm .. Okay sige."

July 15 po naging kami, at december 20 na ngayon. Hehehe ..

"Thanks."

"Para saan? "

"Sa lahat. I love you so much Girlfie."

"I love you more Boyfie."

I kissed him pero smack lang.

"Ehem! Tama na muna ang lambingan, laro tayong volleyball. " istorbo ni Ericka.

Natawa nalang kami ni Shawn. Panira ng moment eh. Hahaha

• Shawn POV •

Naglalaro kami ngayon ng volleyball. Nagpahinga na ang mga girls kaya kami nalang boys ang naglalaro.

"Dude, tingnan mo yun oh! " turo ni Louis sa lugar kung saan nakaupo sila Shan.

Sheyt! May dalawang lalaking kausap si Shan, at nakikipagtawanan pa.

Naglakad ako palapit sa kanila.

"Namiss ka namen negra! " sabi nung lalaking blonde hair.

Negra? Tinawag niyang negra si Shan? Tch. Sa puti ni Shan, tatawagin niyang negra? Aba matindi.

"Ako din." Sabay yakap pa niya sa dalawang tukmol.

"Ehem! " nagfake cough ako.

"Boyfie! " lumapit naman saken si Shan at nagcling sa braso ko.

"Sino siya? Boyfriend mo? " tanong naman nung isa na masasabi kong cute naman.

Actually, pareho naman silang may itsura. Tae ng may itsura eh. De jowk.

"Yup! Si Shawn, my boyfriend. Boyfie si Allen at Ramz, mga kababata ko."

"Ramz pare." Sabi nung blonde hair.

"Allen bro." Yung cute naman.

Nakipagkamay naman ako sa kanila. Mukhang mabait naman tong mga dugyot na to eh.

"Makakasama naten sila dito Boyfie, tinawagan kasi ni kuya."

"Ahh .. Okay." Yun lang sinabi ko. Tinatamad akong makipag-usap eh. Hahaha

Naglakad na kami papasok kasama yung dalawang ugok.

AUTHOR'S NOTE : May part 2 po ang chapter na to .. Hehehe
Ung pic po na nasa side ay si Ericka And Louis..

My Biggest ENEMY Is My BOYFRIENDWhere stories live. Discover now