Chapter Five : The Present and the Past •

49 1 0
                                    

• Shannon POV •

"Kyaaaa!!! Shannon tara na dali!! Pumasok na tayo." Hila saken ni Ericka.

Weird. Anyare sa dalawang to?

"Teka nga! Bakit ba kayo excited pumasok? Can't you see, 7am palang. "

"Kasi .. Ano .. Uhmm .." Kyla.

"What? "

"Kasi .. Shannon.."

"Hey honey! " napatingin naman kami sa aking dearest boyfriend. "Ako ba pinag-uusapan nyo? " sabay akbay saken.

"Ekk. In your dreams. Lumayo-layo ka nga saken."

"LQ? " Kyla.

"No, we're not. Ganto lang talaga kami maglambingan."

I just rolled my eyes.

"Girls, ang gwapo niya noh! "
"Mukhang transferee."
"Oo nga. "
"Sana sa section naten mapunta, mukhang 4th year na eh."

Napakadami talagang chismosang bubuyog dito sa school na to. psh! Walang maga-----

"Hey Shannon! Ikaw nga." Hindi ako agad nakapagreact sa ginawa niya.

Sheyt! I missed him. I damn missed his hugs.

"Ehem! " humiwalay naman siya ng tumikhim si Shawn.

"Who are you? " tanong ni Shawn na seryoso ang mukha.

"And you? Sino ka? " tanong naman niya.

"Shawn Sarmiento, boyfriend ng niyakap mo."

"Mukhang may bago na si Sha ah? Well, let me introduce myself. I'm Jaren Suarez, Shannon's first love."

Pusang laboy naman oh! Kailangan ipangalandakan pa talaga niya na siya ang first love ko? Sura.

"So, you're the present? " tanong ni Kyla kay Shawn.

"And you're the past? " si Ericka naman na nakatingin kay Jaren.

"Haba ng hair mo teh, abot hanggang edsa." Asar ni Kyla.

"Nahiya naman si Rapunzel sa buhok mo teh." Ericka.

"Psh! Tigilan nyo nga ako. Tara na! " sabay hila sa dalwang bruha.

Bahala ng magpatayan sa tingin yung dalawa. Bakit ba kasi bumalik pa siya? Ano na naman gusto nya?

_________________________

Taeness naman oh! Kapag sinuswerte ka ng naman. Bakit ba kailangan maging kaklase ko pa ang tukmol na to?

"Shan, tingnan mo yung dalawa oh. Parang may electricity sa mga tingin nila." Kyla.

"Mukhang magkakaroon ng laban between the present and the past." Ericka.

"Hayaan nyo na yang dalawang yan. Bahala silang magpatayan sa tingin."

"Oh? Di ka manlang papanig kay boyfie? " Kyla.

"Wala akong papanigan sa kanila. KAya na nila yan."

"Sabagay. Mahirap mamili, lalo na kung parehong yummy, hot and handsome." Ericka.

Well, wala naman talaga akong dapat piliin diba? Si Shawn, isang laro lang yung meron sa pagitan namen. Si Jaren, isa nalang siyang parte ng nakaraan na pilit bumabalik sa kasalukuyan.

"I have an announcement class." Napatingin naman kami kay Ms. Chua.

"We have our cultural fest next week, at kailangan namen ng participants in every year and section. Kaya kailangan ko ng representative sa section nyo, para sa singing, dancing, and arts painting. Sinong pwede? "

Bigla naman nagtaas ng kamay si Kyla ng kamay. Don't tell me sasali ang bruha?

"Yes, Ms. Pascual? "

"Si Shannon daw po para sa singing."

Whaaaaatttt?!

"Okay, si Ms. Zamora na ang sa singing. How about arts painting? "

Tumaas na naman ng kamay si Ericka.

"Si Shawn daw po at saka si Jaren."

"Huh? Dapat isa lang Ms. Moran."

"Edi paglabanin po naten sila." Ericka.

"Hmm .. Good idea. Okay, Mr. Sarmiento at Mr. Suarez pumunta kayo sa arts room mamayang 3pm."

Yung dalawang ugok, napapakamot nalang sa ulo. At yung dalawang bruha naman ay ngiting tagumpay.

Siopao talaga ang araw na to. Kasura!

"Goodluck sa inyo guys! " asar ng dalawa.
~~~~~~~~~~~~
Picture on the side is Jaren Suarez

My Biggest ENEMY Is My BOYFRIENDWhere stories live. Discover now