• Shawn POV •
Badtrip! Galit yata saken si Shan. Kasalanan ko bang mayroon siyang gwapong boyfriend? Just kiddin'
Kasalanan kasi to si Lexie eh. Kung makalingkis, akala mo siya yung girlfriend ko. Ayoko kasing mapahiya siya kaya hinahayaan ko lang siya. Psh! Si Shan tuloy ang galit saken.
"Oh anyare sa inyo ni Shan? Akala ko ba may date kayo? " tanong ni Louis.
Nandito kasi ang gago, para makitambay. Bored daw ang tukmol eh.
"Wag mo ng ipaalala. Nakakabadtrip lang! "
"Bakit? Nag-away kayo? First date tapos away na agad."
"Kasalanan kasi ni Lexie, kaya nasira ang date namen. At kaya galit saken si Shan."
"Oh? Paano nasama si Lexie sa date nyo? At saka ang hot kaya ni Lexie."
Tch. Lumalabas na naman ang kamanyakan ng lalaking to.
"Sumbong kita kay Ericka." Pananakot ko.
Balita ko kasi na nanliligaw ang gago kay Ericka. Gudluck nalang sa kanya.
"Wag naman. Di pa ng nagiging kami eh. Kwento mo nalang nga yung date nyo."
Hahahaha .. Natakot ang tukmol.
"Manunuod sana kami ng sine ni Shan, tapos nakita namen si Jaren. Edi nilapitan namen, tapos kasama daw niya si Lexie .. May date daw sila. At ayun na, nagkaroon kami ng double date."
"Baka magshota na si Jaren at Lexie. Oh tapos? "
"Tapos, buong araw lang naman nakalingkis saken si Lexie. Kaya ngayon galit saken si Shan. Pistea! "
"Psh! Kawawa ka naman bro. Hirap talaga kapag gwapo, dama kita wag kang mag-alala." Habang hinihimas pa ang baba niya.
"Lul! "
Wala manlang maitulong ang lalaking to eh.
"Magsorry ka kaya."
"Hindi naman siya nakikinig eh."
"Hmm .. Aha! Alam ko na.. "
Lumapit siya saken at bumulong. Sheyt! Ambaklang tingnan.
Pero, mukhang okay yung naiisip niya.
• Shannon POV •
Argh!
Ang aga-aga, nababadtrip ako.
Nakita ko kasi ang ahas na nakalingkis kay Jaren. Naku ~Kung hindi lang siya gusto ni Jaren ay baka naibalik ko na yun sa gubat. Gusto ko kasing sumaya si Jaren, at magkaroon ng panibagong lablayp. Hahaha ..
"Zaoshang Shan! " bati ni Kyla.
"Kelan ka pa natutong magchinese aber? "
"Kanina lang .. Hehehe." Kyla.
"Bakit nakasimangot ka? " Ericka.
"Wala." Ayokong ikwento ang worst date namen ni Shawn.
"Anyare sa date nyo ni Shawn." Kyla.
"Wag nyo ng alamin." Naglakad na ako papunta sa classroom.
Nakasunod naman yung dalawa habang kinukulit ako.
"Shannon, pinapapunta ka sa open field." Tawag saken ni Maricar.
"Huh? Bakit daw? "
"Basta. Tara na! "
Hinila na ako ni Maricar, at syempre kasunod yung dalawa.
Ano bang meron?
Andaming estudyante na nasa OF at mukhang may pinapanuod."Nandyan na po ba si Shannon Zamora? " teka ..
Bigla naman nahawi ang mga estudyante kaya nakita ko ang taong nagsasalita sa gitna.
Ano na naman palabas to? At talagang nagsama pa siya ng banda ah?"Girlfie, sorry kung nagalit ka. Sorry kung nasira yung first date naten. Sorry kung hindi naten nasulit yung moment na magkasama. Sorry talaga."
Nag-strum siya ng gitara niya.
[ np : Sorry na by : Parokya ni Edgar ] (a/n : paplay nalang if meron kayo niyan sa playlist nyo. Sensya na tinatamad magtype eh. Hehehe )
Kumakanta lang siya habang nakatitig saken. Wala naman siyang kasalanan eh, si snake ang may kasalanan.
Napuno ng sigawan, tilian, kiligan, at kung ano-ano pang reaksyon ang mga estudyante.
"Sorry na Girlfie." Naglakad siya palapit saken sabay abot ng isang lifesize blue bear, at bouquet of red roses.
"Thank you."
"Am i forgiven? "
"Hmm .. Yes."
He hugged me infront of all of students.
Answerte ko naman na magkaroon ng ganto kasweet na boyfriend. I wish he's the right one for me.
Pumasok na kami sa classroom. Buong araw lang naman akong inaasar ng mga classmates at teachers namen.
Nekekehiye ene be.
Hahaha .. Nagiging alien na ako sa kilig. Pagbigyan na. Hahaha
"Huy! Anyare sayo?" Tanong ni Ericka.
"Huh? Bakit? "
"Duh! Nakatulala ka lang naman habang parang baliw na nakangiti." Kyla.
"Kilig ang bruha." Ericka
"Inggit ako." Kyla.
"Bakit di ba sweet sayo si Karlo? " pang-aasar ni Ericka.
Sila na nga pala nung kras niyang si Karlo, natakot yatang maagaw pa ng iba. Haha
"Sweet naman, kaso hindi kasing tamis ni Shawn. Arnibal na kasi si Shawn, eh si Karlo candy palang. Hahaha" Kyla.
"Atleast ikaw may nagiging sweet na sayo, eh sayo Ericka? " pang-aasar ko naman kay Ericka.
Tumingin siya kay Louis bago nagblush. Ang loka, napaghahalata.
"Kelan mo kasi sasagutin?" Tanong ko.
"Ewan. Change topic na nga." Ericka.
Awtsu! Makalusot lang eh.
"Okie. Tambay kayo samen mamaya." Yaya ko sa kanila.
"Okie. " Kyla.
Naglakad na ako palabas ng gate. Susunod nalang daw yung dalawa, at nauna ng umalis si Shawn dahil may emergency daw sa bahay nila.
Ano kaya yun?
Bahala na nga! Hihi.
AUTHORS NOTE : Napaghahalataan ang katamaran ako aba. Hihi... Guys, super duper mega ultr thankie sa inyo. Naiinspire akong magUD .. Hehehw
YOU ARE READING
My Biggest ENEMY Is My BOYFRIEND
TienerfictieWhat would u choose Game over Love Or Love or Game Sino unang mahuhulog sa Laro