Chapter Six : Shawn vs. Jaren 2

39 1 0
                                    

• Shannon POV •

Anong meron? Bat andami yatang estudyante sa tapat ng classroom namen?

"Ms. Shannon Zamora, this is for you." Napahinto ako ng magsalita si Shawn.

Nakaupo siya sa isang monoblock chair habang nag-istrum ng gitara. Nakatingin siya saken ng diretso na parang kinakabisado ang bawat bahagi ng mukha ko.

[ np : Imahinasyon by : TJ Monterde ]

~ Akin ka sa 'king imahinasyon Sana nama'y hindi lang hanggang doon Kailan kaya'ng aking pagkakataon Sa panaginip ko'y mahal mo ko 'ron Akin ka na ~

Sheyt! Ang ganda ng boses niya. Ganito ba talaga siya kaperpekto? Nasa kanya na ang lahat.

~ Ikaw kasi 'tong tipong minimithi Yung sabi nilang 'di ka magsisisi Kaya't tanging hiling ko ay makatabi ka't maging dahilan ng 'yong mga ngiti Gustong gusto kita Ba't ba di mo makita Na iniibig ka Puso, salita't gawa Kailan ba may tayong dalawa (Tayong dalawa) ~

Seryoso ba talaga siya sa nararamdaman niya? Gusto niya ba talaga ako? Baka naguguluhan lang siya? Shawn..

Lumapit ako sa kanya, dahilan para tumigil siya sa pagkanta at pag-strum.

"I hope nagustuhan mo." Nakangiti siya.

Ngumiti ako. Ngayon ko lang kasi naramdaman kung paano haranahin, at sa harap pa ng maraming tao. Oo. Madami akong kaflings pero wala sa kanila ang nangharana saken, even Jaren. Ganito pala yung feeling ng hinaharana. Ang saya.

"Thank you."

Muli siyang ngumiti at inabutan ako ng bouquet of red roses.

"Araw-araw ko tong gagawin hanggang sa maging akin ka na."

Binigyan ko nalang siya ng isang matamis na ngiti. Siya naman ang may gustong ligawan ako, kaya sino ba ako para hindi siya bigyan ng chance to prove his self.

Napuno ng bulungan, tilian, at kung ano-ano pang reaksyon ang buong classroom dahil sa ginawa ni Shawn. Pati ang dalwang bruha ay parang kiti-kiti sa kilig.

"Ikaw naman Jaren, anong magagawa mo para kay Shan? " tanong ni Kyla.

"Secret."

"Whoa! Dapat kabog yan ah? " si Ericka.

"Ofcourse. "

Lunch na namen kaya nandito kami sa cafeteria. Kasama namen sa pagkain si Shawn, pero wala si Jaren. Saan na naman kaya nagsuot ang lalaking yun? Parang kabuting nawawala at sumusulpot.

"Okay ka lang ba Shan? Parang may hinihintay ka? " tanong ni Shawn.

"W-wala naman."

"Yiiee .. akala pa naman namen kayo na talaga ni Shan." Kyla.

Nasabi na kasi namen yung tungkol sa usapan namen, at mukhang disappointed yung dalawa. Pero magkaiba daw sila ng manok. Si Kyla kay Shawn, at si Ericka naman kay Jaren. Hayst!

"Don't worry Ky, magiging kami din ni Shan."

"Eh? Pano kung maging sila ni Jaren? " naisingit pa talaga ni Ericka yun.

"Then, i set her free. Pero bago ko gawin yun, sisiguraduhin ko munang sigurado at masaya siya sa desisyon niya."

Ehh? Bakit ba parang ancheessy ni Shawn ngayon?

"Ancheesy niya oh! " kantyaw ni Kyla.

Napakamot nalang sa batok si Shawn. Nahiya pa . Pero, natouch ako dun sa sinabi niya. Argh! Nagulo na naman ang utak ko. Akala ko ba another chance for Jaren? Pero bakit parang gusto kong ibigay kay Shawn ang chance na yun? Waaa .. Ayoko ng ganito.

"Shannon, pinapapunta ka sa gym." Si Kim.

"Huh? Nino? At bakit? "

"Basta."

Tumayo naman kami at pumunta sa gym. Nadatnan namen na andaming estudyante na mukhang naunuod. Teka ...

Napatingin ako sa malaking projector na nagpeplay ng isang message video, habang background ang mga sweet and happy pictures namen ni Jaren.

Sheyt! Lahat ng happy memories namen ng magkasama nandito din. Yung mga moment na ang sweet at saya pa namen.

Pinapanuod lang namen yung video hanggang sa matapos.

"Gusto kong gawin ulit ang mga bagay na yan ng kasama ka." Nakatingin saken si Jaren habang hawak ang singsing na ibinigay niya saken noon.

Please, wag ngayon Jaren..

"Shannon, can you give me another chance? "

Sheyt! Sheyt! Madaming humiyaw ng another chance.

Nilingon ko si Shawn, pero naglalakad na siya palayo. Nasasaktan siya. Ano bang nangyayare? Argh! Hindi manlang ba niya ko ipaglalaban? Aalis nalang ba siya? Susuko na ba siya?

"Sha? " untag saken ni Jaren ..

"Jaren .. I give you a chance ..."

• Shawn POV •

Potek! Ansaket nun ah! Masaya si Shan habang pinapanuod yung message video ni Jaren para sa kanya, at background yung mga sweet and happy pictures nila together.

Buti pa si Jaren andami na niyang memories with Shan, samantalang ako ni isang picture wala. Tanging ang halik lang niya yung masayang alalang meron ako.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Shan, dahil alam ko naman kung anong magiging sagot niya eh. I'm willing to let her go, para maging masaya siya.

Hayst! Unang beses nalang nga mainlove, palpak pa. Di bale, naibigay ko naman yung effort ko for the whole month na magkasama kami. Ayos na yun.

Masaya pa din naman ako na ako ang lalaban sa cultural fest next week. Atleast, nawala man saken si Shan nagkaroon naman ako ng chance na ipakita yung talento ko.

Hayst! Ang hirap pala icomfort ang sarili. Parang baliw lang. Wag lang siyang sasaktan ni Jaren, babawiin ko siya. Nandito pa din naman ako para sa kanya.

#Shawnnon or #Sharen

My Biggest ENEMY Is My BOYFRIENDWhere stories live. Discover now