Chapter Twelve :Revelation

25 1 0
                                    

Chapter Twelve : Revelation

• Shannon POV •

Yay! Back to manila na ulit. Tapos na kasi ang aming 3 days vacation sa batangas.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, kasama ang dalawang bruha. Magpatutulong kasi ako sa pag-aayos ko, para sa dinner mamaya.

Mamayang gabi ko na kasi mami-meet ang parents ni Shawn, and i'm so nervous. Baka kasi hindi ako magustuhan ng parents nya. Waa .. Kaya nga, kailangan mukha akong dyosa mamaya.

"Ano sa tingin nyong bagay saken? " tanong ko sa dalawa.

Mukha naman nag-iisip ang dalawa.

"Try this." Inabot saken ni Ericka ang isang light blue off-shoulder-above-the-knee-dress.

Actually, that's one of my favourite. Hehehe .. Ancute kasi.

Kinuha ko yun at sinukat. Pagkatapos ay lumabas na.

"Nah. Masyadong inosente tingnan." Ericka.

"This one." Abot naman saken ni Kyla ang isang black long sleeve mini dress.

Sinukat ko din yun.

"Ekk. Masyadong daring. Panget." Komento nila.

"Here." Inabot nila saken ang isang simple colored cream dress.

Sinukat ko yun. Bale, kita ang kalahati ng hita ko.

"Perfect! " Ericka

"Simple but elegant." Kyla.

"Mas maganda kung simple ka lang sa ayos mo." Puri ni Ericka. "Partneran mo nalang neto." Sabay abot saken ng isang flat shoes na color cream na may gold glitters.

Well, simple lang yung suot ko, pero ang ganda pa din tingnan.

"Pasalamat ka at maganda ka, di kami nahirapan pgandahin ka." Komento ni Kyla.

"Hahaha .. Then, thank you." I mocked.

"Galingan mo ah? Kailangan makapoints ka sa future-parents mo." Ericka.

"Syempre naman."

6pm na nang matapos akong ayusan nung dalawa. 6:30 daw kasi ako susunduin ni Shawn, kaya may oras pa akong magrelax. Kinakabahan kasi talaga ako.

"O Shan, tawagan mo lang kami kapag may problema okay? " paalala ni Ericka.

"I will."

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating si Shawn.

"Bye girls! See yah."

Nagwave lang sila saken bago ako sumakay sa kotse ni Shawn.

"Ready? " tanong ni Shawn.

"Yeah. Always." I smile.

"Don't worry, siguradong magugustuhan ka nila." He held my hand.

"I hope so."

"Just relax, okay? "

Nagnod nalang ako bago isinandal ang ulo sa headrest.

Hayst! Di ako dapat kabahan. Kaya ko to! Ako yata si Shannon Zamora.

After a minutes ay nakarating na kami sa restau na kakainan daw namen. Lumapit kami sa table kung saan may dalawang tao na nakatalikod. Sila na ang magulang ni Shawn.

Nagcling ako sa braso ni Shawn, para mabawasan ang kaba ko.

"Hi mom! Hi dad! " bati niya sa dalawa.

Parang nawalan naman ng lakas ang tuhod ko, nang humarap ang babaeng tinawag niyang 'mom'.

No! This can't be. Hindi pwede.

Halatang nagulat naman ang babae ng makita ako. Tumayo siya at gulat na tinitigan ako.

No! Hindi! Hindi to pwede! Imposible!

"Shan are you okay? " tanong saken ni Shawn ng maramdaman ang panginginig ko.

"Imposible." Hindi ko alam kung narinig yun ni Shawn.

"S-shannon .. A-anak?" Naluluhang wika niya.

Nabakas naman ang pagkagulat sa mukha ni Shawn at sa dad niya.

Bumitaw ako kay Shawn at tumakbo. Narinig ko pa ang pagtawag nila ngunit hindi ko sila pinansin.

Buti nalang at nakaflat lang ako, atleast mabilis akong makakalayo sa lugar na yun.

Putaena! Hindi pwede ..
Hindi pwedeng maging magkapatid kami ni Shawn. Nyemas!

Bakit siya pa? Bakit?

Mahal ko si Shawn, pero isa tong malaking pagkakamali. Bakit kailangan si Shawn pa ang maging kapatid ko? Bakit?

Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit malabo na ang paningin ko dahil sa luhang walang humpay na umaagos.

Nadapa ako, at mas lalong napaiyak. Ansakit lang. Sobra.

"Shan? Anong ginawa mo dito? "

"Kuya .." napayakap ako kay kuya habang umiiyak.

"What happened? " worried na  tanong ni kuya.

"I *sniff* want *sniff* to go home *sniff*".

Inalalayan ako ni kuyang tumayo at sumakay sa kotse niya. Hindi naman nagtanong si kuya. Alam nya siguro na wala kong balak mag-open ngayon.

Sasabihin ko ba kay kuya? Paano kung magalit siya? Paano kung paghiwalayin niya kami ni Shawn? Di ko kaya.

Wake up Shannon! Magkapatid kayo ni Shawn. Anu ba?!

Si Mama, never ko pa siyang nakita, nahawakan, at nakausap. Pero, laging pinapakita ni dad saken ang pictures niya.

Kanina, yung mukha niya.. hindi pa din nagbabago. Maganda pa rin siya. Masakit lang isipin na nagkaroon na siya ng sariling pamilya, at si Shawn pa ang naging anak nila.

Tahimik akong pumasok sa kwarto ko, pagkababa ko sa kotse ni kuya. Alam kong gusto ng magtanong ni kuya, pero mukhang gusto niya muna akong mapag-isa.

Ibinuhos ko lahat ng pag-iyak ko ng makapasok ako.

Ano ng mangyayare samen ni Shawn? HAnggang dito nalang ba kami? Wala na bang chance na magkasama kami hanggang wakas?

Hindi ko kaya.

• Shawn POV •

Tumakbo si Shan, at hindi ko manlang siya nahabol. Masyado akong naguguluhan sa nangyayare.
Nakauwi na kami at magkakaharap kami ngayon.

"Mom, ano bang nangyayare? " naguguluhang tanong ko.

"I'm so sorry Shawn. I'm so sorry if i lied." She's now crying.

"Pwede bang ipaliwanag nyo saken kung bakit nyo tinawag na anak si Shan? Naguguluhan na kasi ako mom! "

Ayokong isipin na tama ang hinala ko. Hindi pwede. Kailangan ko ng paliwanag.

"Anak .. Totoong anak ko si Shan. "

"What?! Hindi pwede! Hindi! " my tears started to drop.

Hindi to pwede! Hindi pwedeng maging kapatid ko si Shan.

"Bago kami nagpakasal ulit ng daddy mo ay mayroon na akong pamilya, at yun ay ang pamilya ni Shannon. Iniwan ko sila dahil sobrang mahal ko ang daddy mo. Pagkapanganak ko kay Shannon ay iniwan ko sila, at sumama na sa daddy mo. Naghiwalay kami ng daddy mo kaya nagkaroon ako ng ibang pamilya, ngunit sa kanya din naman ako bumalik sa huli. Patawarin mo ako anak, hindi ko alam na magkukrus ang landas nyo ni Shannon. Patawad! " pilit niya akong niyayakap pero lumalayo ako.

Hindi to pwede. Hindi talaga.

"Damn it! "

Lumabas ako. Kailangan namen mag-usap ni Shan. Kailangan namen ayusin to. Hindi siya pwedeng mawala saken. Hindi.

Nadrive ako papunta sa kanila. Aayusin namen to. Kami lang hanggang dulo.
****************
AUTHOR'S NOTE : Sarrie, ngayon lang ang UD. Medyo naging busy kasi.

My Biggest ENEMY Is My BOYFRIENDWhere stories live. Discover now