Chapter Seven : Maling akala

38 0 0
                                    

Chapter Seven : Maling akala

• Shannon POV •

Pusang laboy naman oh! Saan lupalop na naman ng mundo nagsusuot si Shawn? Ilang araw ko na kasi hindi nakikita ang lalaking yun. May importanteng mahalaga pa naman akong sasabihin bago ang cultural fest bukas.

"Huy! " panggugulat ni Kyla.

"Anyare sayo? Hinahanap mo si Jaren? " Ericka.

"Nakita nyo ba si Shawn? "

"Ayun yun eh. Si Shawn naman pala ang hinahanap." Pang-aasar ni Kyla.

"Tigilan nyo nga muna ako, kailangan kasi namen mag-usap."

"Parang napansin ko kanina na pumasok sa arts room." Ericka.

"Okay, salamat."

Tumayo na ako para puntahan si Shawn. Wala naman kaming klase ngayon dahil naghahanda para bukas.

Agad akong pumasok sa A.R dahil medyo nakabukas yung pintuan.

"Mahal kita Shawn." Teka. Boses ng isang babae?

Napansin ko ang dalawang tao na nakatalikod saken. Babae ang isa at hindi ako pwedeng magkamali na si Shawn ang lalaking kausap nito.

"Alam ko." Malamig na sabi ni Shawn.

Ano bang pinag-uusapan nila? Nagcoconfess ba yung babae?

"Pero bakit ginaganito mo ko? " narinig kong humikbi yung babae. Umiiyak siguro siya.

"Mahal kita Xheila, pero alam mo naman na ---- "

Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan nila. Agad akong tumakbo palabas, at umakyat sa rooftop.

Akala ko ba mahal ako ni Shawn? Pero bakit sinabi niyang mahal niya yung babaeng yun? Ansaket. Potek!

• Shawn POV •

Nandito ako ngayon sa A.R para magpinta. Bukas na kasi ang CF kaya gusto kong magpraktis.

"Ang ganda." Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa likuran ko. Si Xheila pala.

"Bess? Anong ginagawa mo dito? " tanong ko na muling ibinalik ang tingin sa ginagawa ko.

"Nothing. Alam ko kasi na nandito ka, kaya tambay nalang ako dito." Umupo naman siya sa tabi ko.

Binalot kami ng katahimikan, dahil mas nakafocus ako sa pagpipinta ko at naglalaro naman siya ng daliri niya.

"Mahal kita Shawn." Nagulat ako ng magsalita siya.

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Alam ko na ang tungkol sa nararamdaman nya. Hindi naman ako kasing manhid ni Shan. Psh! I missed her.

"Alam ko." Yun lang ang tanging nasagot ko.

"Pero bakit ginaganito mo ko? " humikbi siya. Umiiyak na siya. Sheyt!

"Mahal kita Xheila, pero alam mo naman na hanggang kaibigan lang yung kaya kong ibigay. Alam mo naman na may mahal akong iba diba? " i hugged her.

Nagulat ako ng biglang sumara ang pinto at parang may babaeng tumakbo palabas. Sheyt! Baka si Shan yun.

"I'll be back, let's talk about this later."

Tumayo ako at tumakbo palabas. Nakita kong tumakbo sa rooftop yung babae, at hindi ako pwedeng magkamali na si Shan yun. Kilala ko siya kahit anino lang niya makita ko.

"Epal ka talaga Shawn! Sinungaling ka! " sabi niya na sapat lang para marinig ko.

Nakatalikod kasi siya mula saken.

"Akala ko ba mahal mo ako?! Sinungaling ka! "

"Oo, mahal kita." Lumingon siya saken.

Taeness! Umiiyak siya. Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang mga luhang umaagos sa pisngi niya.

I hate to see her crying.

"Anong ginagawa mo dito? " tanong niya sabay tulak saken ng bahagya.

"Nakita kasi kitang tumakbo. Narinig mo ba yung usapan namen?"

"Don't worry, iisipin ko nalang na wala akong narinig."

"Walang ibig sabihin yung narinig mo. Alam kong narinig mo yung sinabi ko kay Xheila. Believe me Shan, mahal ko siya --- "

"Alam ko na, wag mo ng paulit-ulitin."

"Haha.. Patapusin mo kaya muna ako? Mahal ko siya pero bilang kaibigan lang. Syempre, ikaw lang naman ang mahal ko, kahit hindi ako ang pinili mo."

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Tongaks ka! Bigla ka kasing nagwowalk out kaya hindi mo narinig yung sinabi ko."

"Huh? Ano bang sinabi mo? Akala ko kasi .."

"Hindi si Jaren ang pinili ko."

"Pero diba...? "

"I gave him a chance, pero bilang magkaibigan nalang. Mahal na yata kasi kita."

"Yata? "

"Wag ka na nga maarte! Nalilito pa din ako sa nararamdaman ko noh! " sabay irap saken.

Tingnan mo tong babaeng to. Ang baliw lang eh. Pero mahal ko yan.

"Handa akong maghintay hanggang maging sigurado ka."

"Thank you. Pero, ang epic lang ng nangyare saten."

"Yeah. Parehong maling akala."

"Oo nga eh."

Nagtagal pa kami sa rooftop bago nagdesisyon na bumaba na. Bumalik ako sa A.R at si Shan naman ay pumunta sa classroom namen.

Magpapraktis daw siya para sa pagkanta niya bukas.

Whoa! Ansaya lang ng araw na to. Kumpleto na ang araw ko ngayon.
~~~~~~~~~
Dont forget to vote

My Biggest ENEMY Is My BOYFRIENDWhere stories live. Discover now