• Shannon POV •
"Ano yang mga dala mo?" Tanong ko kay Shawn na ang tinutukoy ay ang dala niyang basket na ginagamit sa mg picnic.
"Syempre, pagkain."
"Psh! Nandito tayo para maglinis, hindi para magpicnic."
"Syempre naman honey, eto na din ang date naten." He winked.
"Date? Nagpapatawa ka ba? "
"Mukha ba akong tumatawa? "
"Pwede ba! Umalis ka na nga at ng makapagsimula na ako." Sinimulan ko ng walisan ang bawat hallway.
Taeness naman kasing prof yun. Andaming ipaparusa maglinis pa ng campus. Anong silbi ng janitor kung estudyante ang pinaglilinis? Pistea!
"Tutulungan na kita." Nagsimula na din magbunot ng sahig si Shawn.
"Bakit ba mas ginusto mong tulungan ako kesa magpakasarap sa weekend? " bigla ko nalang natanong.
"Hmm .. Let's say na ayokong nahihirapan ang girlfriend ko."
"Correction, fake-girlfriend. Desidido ka bang manalo sa larong to? "
"Yes."
Tch. Mas lalong gusto kong manalo dito noh! One year akong magiging slave? Paano kung gawin niya akong katulong, tagagawa ng kotse, tagalinis ng buong crystal condominium? Oh juice colored. Ayoko!
__________________
2pm na kami natapos maglinis ng mg buildings, at cr nalang ang kailangang linisin.
Nandito kami ni Shawn sa ilalim ng puno ng mangga na may bench. Buti nalang talaga may dala siyang pagkain at akoy nagugutom na talaga. Infairness din, puro masasarap ang dala niya.
"Ansharap naman neto? Sinong nagluto? "
"My mom. Sa bahay kasi umuwi kahapon kaya nagpatulong akong lutuin yan."
"Ahh.. "
"Pwede magtanong? "
"Ano yun? "
"May naging boyfriend ka na ba? I mean, yung seryosohan."
"Oo." At ayoko ng maalala ang tukmol na yun. Baka ng patay na yun eh.
"Really? And who's that lucky guy? "
"I don't want to talk about it Shawn."
"Oh sorry."
"Tanong ka nalang ng ibang tanong."
"Hmm .. Tell me about your family. "
"Ano to interview? "
"Hmm.. Wala akong maisip itanong eh."
"Okay. Yung daddy ko nalang yung bumubuhay samen ng kuya Shone ko, kasi yung malandi kong nanay sumama sa iba. Si daddy, lagi siyang wala dahil sa mga negosyo niya. Kaya kami ni Kuya Shone ang laging magkasama, at super close."
"Hmm .. Nice."
"Ikaw? What about your family? "
"Well, luckily i have a complete family."
"Swerte mo."
__________________________
6:30pm na kami natapos ni Shawn maglinis. Hinatid na rin niya ako sa bahay.
Nandito na ako sa kwarto ko. Enjoy din ang araw na to kahit nakakapagod. Nakakatuw kasi si Shawn, halatang anak mayaman.
Paano ba naman sumusuka habang naglilinis ng mens cr. Nakakatawa talaga.
Hayysh! Tapos tawagin daw ba naman na cleaning date yung nangyare kanina. Ambaliw lang
~~~~~~~~~~~~
AUTHOR'S NOTE : Guys, sorna kung maikli lang tong chapter na to. Bawi nalang ako sa next chapter ..
YOU ARE READING
My Biggest ENEMY Is My BOYFRIEND
Novela JuvenilWhat would u choose Game over Love Or Love or Game Sino unang mahuhulog sa Laro