(Dryan's POV)
After ng masaya sanang party, ngayon ay para naman kaming namatayan sa nangyare.
When the party was over, parang bula na lang na nawala si Val at ang iniwan lang na bakas ng pagkawala niya ay isang liham na nakasulat sa isang gusot na papel na nakita namin sa may girls comfort room saying: 'find her or let her die'
Walang nakakita ng lahat ng nangyari, sira din ang CCTV camera sa lugar na iyon noong mga panahon na iyon, hindi namin alam kung papaano nailabas si Val ng school at kung saan siya dinala, kung buhay pa ba siya o kung nasaan na ba siya.
Magmula ng araw na iyon hanggang ngayon ay parang kahapon lang nangyari ang lahat, isang linggo na pero ganon parin ang pakiramdam.
Araw araw tulala si Kuya, umiiyak siya, si Marcus muna ang pumalit sa kanya dahil narin sa pakiusap ko. Ultimo buong school nakikidalamhati sa pagkawala ni Val nag-o-offer din sila ng tulong. Ang iba sa kanila ay ginamit narin ang kanilang mga resources para makatulong sa amin.
Lahat kami balisa at nag-aalala na, matagal na siyang wala, hindi ito biro lang, hindi ito dahil sa naglayas siya.
Sila Ven at Van ay hindi rin pumapasok at madalas ay nasa kanila din kami, madalas ding may sakit ang Lolo at Lola nila dahil sa pag-aalala kay Val. Gusto naming manatili na lang sa kanila at tumulong pero may responsibilidad din kami sa ibang bagay.
This time nasa bahay na naman nila kami, even Mom and Dad was always here. Maya maya dumating narin sila Lester dito.
"Nakita namin ito sa may Room namin ng Remedial, hindi pa namin ito natitingnan dinala namin dito kasi kahina-hinala"
Lester said at inabot ang isang ballpen at flash drive na may kasama pang papel, binuklat agad ni Ven ang sulat, naipon na naman kami sa sala.
"Naiinip na ko, bibigyan ko muna kayo ng clue"
Kumuha ng laptop si kuya at isinalpak ang flash drive, naka-timbre narin sa mga pulis ang nangyari kay Val at dahil may pinsan si Joseph na pulis andito rin siya, sila din ang nilapitan ni Val noon para ma-trace yung caller niya.
Kinalkal na agad ni Kuya ang flash drive na ibinigay ni Lester, wala itong laman maliban sa isang folder na sa loob ay may video clip, binuksan agad iyon ni kuya.
"Hi Honey? How are you, did you miss me?"
Bungad ng pamilyar na babae sa video.
"Veronica"
Tito yelled, then he started crying, recorded video na ang isang to.
"Halika dito Velinda, ipakita mo sa ama niya ang kapalit ng pangiiwan niya sa atin"
Sumunod ang nag-vi-video sa naglalakad na si Veronica, hanggang sa makarating sila sa babaeng nakatali sa edge ng rooftop. Nakatungo siya, mukang tulog medyo madungis pero maganda parin.
Mababakas ang kagandahan sa babaeng iyon kahit na puno siya ng sugat.
"Raven? Honey ang anak natin"
BINABASA MO ANG
Black versus White - Completed
Teen FictionPrologue Bastard, Bitch, Idiot, Slut, Whore, Shit, Asshole. Name it. If I didn't know my name? I'm sure, even me I will think that it was all my name. Is there anything new about that? Everyone was busy calling me anything they want, without even kn...