Chapter 17: False Alarm

227 9 0
                                    

(Van's POV)




Okay naman si Raven kahapon, pero paguwi niya kagabi naging strange at weird na ang mga ikinikilos niya, medyo naging tahimik, seryoso at palaging balisa din siya.

Madalas din na mainit ang ulo niya hinahayaan na lang din namin kasi hindi namin alam ang gagawin. Kahit sino sa amin ay walang makapag-tanong sa kanya kung bakit ang moody niya.

Pero okay naman siya kapag kasama sina Lester at Joseph. Sinubukan na nga rin namin na ipakausap siya kay Mama Rosa pero okay naman sila.

"Hi Valerie? How are you?"

Tanong agad ng mama ni Dray pagpasok nila sa bahay namin, umuuwi kasi kami ng bahay every weekend para makipag-bonding kila mom and dad saka sa grandparents namin.

"Fine"

Tipid na sagot ni Raven saka niya itinuloy ang panonood niya.

"Sounds not, Darling"

Nakangiting sabi ni Tita sa kanya.

"Really?"

Tanging sagot ni Raven kay Tita, ang taray talaga ng gaga na to.

"can we talk? May sasabihin ako"

Tita said to her, sandaling natigilan si Raven at parang napaisip bago tumango.

"okay"

Pagkasabi niya noon ay Lumakad na si Raven papunta sa library malapit sa living room, glass wall ang nakapalibot sa library pero sound proof.

(Val's POV)

"May problema ba ija? Nakakapanibago ka naman"

Tanong agad ni Tita gaya ng inaasahan ko, Naupo na kami pareho.

"i bet they ask you to talk to me"

Sagot ko lang sa kanya.

"Its my decision ija, curious din ako, Doctor ako Raven, you know my specializations remember?"

Hindi na ko sumagot dahil malamang ay sasabihin lang naman niya na normal sa kanya ang curiosity.

"So what now? Hindi na ba kaya ng gamot mo ang nararamdaman mo? Do I need to cooperate to your doctor para -----"

"After the gun shot scene someone called me, binantaan niya ko na papatayin niya ko, si Dray at ang pamilya ko, pati na ang mga kaibigan ko"

Pagkasabi ko non ay hindi na siya nakapag-salita, ilang minuto kaming ganon bago siya muling magtanong.

"nabosesan mo ba?"

Tanong niya, marahil ay kinabahan din siya, kasama sa choices ng sira ulo na yon ang mga anak niya.

"hindi, pero isinama ako ni Joseph sa pinsan niya, pina-trace namin ang location ng caller pero wala pang balita hanggang ngayon"

Napabuntunghininga na naman ako out of frustration.

"pero may pinaghihinalaan ka na?"

Black versus White - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon