(Dryan's POV)
Grabe, busy na naman kami hectic na hectic ang schedule naming SSC officers, hindi narin kami makakain sa oras sa dami ng ginagawa namin, may katungkulan kami sa school tapos may academics pa.
"Mr President?"
Lahat kami napalingon sa pinto, si Val? Kasama niya si Lester at Joseph.
"May pinabibigay si Professor Mendoza"
Val said at inilapag ang envelope, seryoso siya, ano na naman kayang trip nito? Bakit kaya ganyan ang mga babae?
"saka, sabi nung babae kanina na nakasalubong namin kumain ka daw, pinabibigay niya yan"
Nag-abot pa siya ng paper bag, ngumiti lang si Kuya. Nagkatuksuhan na, ayan na naman po sila. Nag-abot din ng paper bag si kuya kay Val.
"Pinabibigay nung Presidente niya yan, pakisabi kumain narin siya"
Nakangiting sabi ni Kuya pero casual lang naman si Val.
"sige, Tara na nga kilig na kilig na naman kayo"
Biglang sabi ni Val sa mga kasama niya. We all laugh. Umalis na agad silang tatlo, binuklat naman agad ni kuya ang bigay ni Val hindi yung bigay nung prof langya.
Towel, apples, tapos lunch box ang laman non.
"Ano President? Kikiligin ka na lang ba? Langya trabaho muna"
Nagtawanan kami sa sinabi ni Marcus.
"humanap ka ng kausap mo Marcus, break muna bahala kayo kung san kayo kakain basta kakain na ako"
Nagtawanan kami sa sinabi ni Kuya, Parang kaylan lang galit na galit pa siya kapag tinutukso kay Val.
"break agad? wala ngang girlfriend break agad? Langya"
Nagtawanan kami sa sinabi ni Marcus. Nakakawala ng pagod kapag ganito ang mga kasama mo. Nagkainan na lang kami sa office, bumili na lang yung iba ng pagkain sa cafeteria, marami pa kaming gagawin mamaya kaya kaylangan na naming bilisan.
(Val's POV)
Busy ang SSC, hindi ko nga sila masiyadong nakita ngayung araw eh, Sa dorm lang kami nagkita-kita kaninang umaga, tapos nung inutusan kami, sabagay mamaya makikita ko din naman sila.
"Bakit ba busy ang SSC?"
Tanong ko sa mga kasama ko, sila lagi ang mga kasama ko ilang araw na kaming ganito.
"malapit na kasi ang valentines ball at graduation"
Sagot ni Jonas sa akin.
"talaga? Nauusuhan pala ang school na to ng ganun?"
Takang tanong ko na ikinatawa nila.
"oo naman Val"
Tumuloy na lang kami sa ginagawa namin, kaya siguro may mga inaayos na ang mga school clubs.
BINABASA MO ANG
Black versus White - Completed
Roman pour AdolescentsPrologue Bastard, Bitch, Idiot, Slut, Whore, Shit, Asshole. Name it. If I didn't know my name? I'm sure, even me I will think that it was all my name. Is there anything new about that? Everyone was busy calling me anything they want, without even kn...