Chapter 2: The Emperors

485 18 0
                                    

Raven Valerie Krueger above there.


--------------------------------------



(Val's POV)



Sinulatan ko agad ang whiteboard na dala ko habang papunta pa lang ako ng field. Monitored pala ha? Ano kayang pwede kong ilagay dito? Hmm.

Sikat na Sikat pa ang araw, its already 2 in The afternoon, talagang kasikatan ng araw ang ganitong oras.

Pagdating ko sa field natigil ang mga naglalaro dahil sa pagpasok ko basta basta, dire-diretso lang din ako sa gitna ng field.

"Hindi mo ba nakikitang naglalaro kami?"

Hiyaw ng kung sino sa kanila na tinawanan ko lang.

"Sa SSC kayo magreklamo mga hangal"

I said saka ko isinabit sa leeg ko ang whiteboard, lahat naman sila nakatingin lalo sa akin, pero hindi ko lang alam kung sakin nga ba talaga o sa naka-sulat sa whiteboard na nakasabit sa akin.

Hindi ko na sila pinansin, nag-selfie na lang ako para may ebidensya ako na tumayo ako dito sa field.

"i will never be sorry for what I've done fvckers"

Malakas na basa ng isang player, May dirty finger drawing pa yan. Napapailing na lang naman sila saka sila nag-alisan.

Cool! Imagine akin lang ang buong field?

Hawak ko lang ang cellphone ko, dinampot ko naman agad ang bolang iniwan ng mga player saka ako magisang naglaro. Bakit? Wala naman silang sinabi na bawal to di ba?

"Krueger?"

Napatigil ako sa ginagawa ko sabay tingin sa biglang humiyaw. Halatang sobrang galit na galit siya, ano bang problema nya?

"oh kayo pala? Sali kayo?"

Tanong ko sa kanila pagbati ko, required ba na magkakasama palagi silang lahat? Nakakalula kaya ang dami niila. Weird.

"Bakit yan ang nakasulat dyan? At bakit ka naglalaro?"

Hiyaw ng SSC President sa akin saka niya hinablot sa leeg ko ang whiteboard. Natawa ako sa kanya.

"Easy, bakit ba galit na galit ka dyan? Chill ka lang, wala ka naman kasing sinabing kung anong dapat na ilagay ko dyan, saka wala din kayong sinabing bawal maglibang at gumawa ng kung ano ano, hindi naman ako umuupo ah, nakatayo nga lang ako"

Tinawanan nila ang President nila habang nakataas lang ang kilay ko sa kanya, inaantay ko kasi kung anong isasagot nya.

"Tumahimik ka"

Hiyaw niya saka sinamaan ng tingin ang mga kasama niya maging ako, natawa lang lalo ako sa kanya. Pinaltan niya agad ang nakasulat sa whiteboard saka muling isinabit sa akin.

"Tumayo ka lang dyan at wag kang gagalaw babantayan ka namin"

Hindi na ko nagsalita at gumalaw sa kinatatayuan ko habang sila naman ay sumilong sa punong di kalayuan sa field. Habang nakatalikod sila ay binago kong muli yung sulat, mahirapan din sila sa akin, akala ba nila ako lang ang mahihirapan.

Black versus White - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon