Sophia's POV
One month na ang nakalipas bago ang incidente na yun. Nainform ko na ang organization at sabi nila hindi daw nila mahanap yung babae na nasa rooftop ng isang building.
Nakamove on na si Alice, masyadong naging weird si Ethan at may bago ako misyon.
Watch Ethan
Sinabi saakin ni Alice na nakita niya ang ID ni Ethan doon sa musuem. Pinaghihinalahan ng organization na si Ethan ang Black Cat pero wala pa akong masyadong matibay na ebidensiya kasi busy si Ethan mag handa para sa upcoming foundation day ng school namin at hindi kami masyadong nagkikita.
"Sophia! Hinahanap ka sa SSC office," hingal na sabi ni Alice, pumapatak pa ang pawis nito.
"Ok thanks Al" Umalis na ako habang iniwan si Alice na umiinom ng tubig niya.
Naglalakad na ako papunta ng SSC office ng may marinig akong bulungan ng tao
"Siya ang bagong VP natin! What a nerd"
"Nabalitaan ko na nilandi niya ang president natin pra makuha ang pwesto na yan"
"Omfg! Kala mo isang nerd lang pero sa loob MALANDI pala"
Wow! Tinigasan pa niya yung word na yun. Pero excuse me! Hindi ako katulad nila na kung mag make up ay parang si McDonald ang idolo!
Hindi ko nalang ulit pinansin yung pinagsasabi ni Mcdonalds at dumiretso na ako sa SSC.
Kumatok ako at pinapasok naman ako ng secretary ni Prezy pero nakamaskara ito.
"Come in Miss Carter" Todong ngiti na sabi ni Prezy.
"Anong kailangan mo?" Madiin kong tanong na nagresulta na mapaseryoso siyang mukha
"I want you to be the next Vice President" Diretso walang patumpik tumpik pa boom karakaraka niyang sabi. Ako?VP? No way!
"AYOKO" tatalikod na sana ako ng makita ko si Ethan na nasa isang pillar na nakasandal. Pag naging VP ako mababantayan ko si Ethan!
"Pero, I love making deals! What is it for me?"
"You will have the entire access of the school, Free Food sa Canteen-" Biglang nagningning ang mga mata ko. Yeah! mahilig ako sa pagkain!
"Deal!" Yes! Magagawa ko na nga yung misyon ko may libreng pagkain pa ako
Hehehe...
"So its already settled, Iaannounce na ang pagiging VP mo sa school tomorrow, You could discuss who will be your secretary and Treasurer, I trust you guys" Nakangiting sabi ni Prezy. Pasalamat siya mahilig ako sa pagkain at may kailangan akong tapusin na misyon.
Umalis na si Prezy kasama ng secretary niyang nakamaskara, habang si Ethan ay nakapoker face parin
"Matakaw ka parin" Bulong ni Ethan. Ano daw?! Kung may sasabihin kasi pakilakasan ang boses.
"Sino ang ma-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang biglang tumayo si Ethan
"Alice Corpuz will be the new secretary and Tyler Black will be the Treasurer" Wika nito at umalis na, Result: Nga-Nga
Bakit naman niya gusto si Alice ang secretary, at Tyler Balck?! Yung kapatid ni Jason Black! Hindi ko pa siya nakikita at nakikilala sa personal pero I know him by name.
Biglang pumasok ulit si Ethan at tinignan ako ulo hanggang paa.
"If you want to be the Vice president, then you need to change your appearance. Ayokong makatrabaho ang isang nerd na kala mo hindi ay hindi alam ang salitang suklay" Umalis nanaman ulit to na iniwan ako ng doble nga-nga
"HOI NAGSUSUKLAY AKO!!" singhal ko ng makarecover ako sa sinabi ng higante na yun
Ethan Ford... Im going to bring you down
***
Someone's POV
Nakita kong palabas si Sophia sa SSC office. Nakabusangot ito at parang zombie na naglalakad.
"Buti ngumingiti ka na ulit" Sabi ni Ex-president Rennier,
"It's a good thing na okay lang siyang namumuhay" Mahinang sagot ko, hindi ko papatawarin ang sumira sa ngiti ni Sophia
"Bakit hindi ka pa nagpapakilala kay Sophia?" Tingnan mo tong presidenteng ito napaka chismoso kaya minsan ang sarap sapakin
"Masyado pang maaga at baka malito lang siya at kailangan ko pang isekreto na nandito ako" Hindi na ulit sumagot si Rennier at pinaharurot nalang ang kotse
I miss you my dear Sophia
***
Alice's POV
Nag lalakad ako ng may nakita akong isang BMW na black sa isang puno at nakakita ako na babae na kala mo angel sa sobrang puti ng kutis nito at sobrang tangos at mapula ang labi niyo. Artista ba siya? Hindi ko nga lang makita ang buong features ng mulha niya dahil nakasalamin to na makapal.
Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko ang zombie like na si Sophia. Haggard si Lola
"Masyado pang maaga at baka malito lang siya at kailangan ko pang isekreto na nandito ako" Wika nito at pinaharutrot na ang kotse nila. Parang narinig ko na yung boses na yun. Oh well,
Hindi ko nalang pinansin at tumakbo na papunta kay Sophia. Napili pala siyang VP ng SSC ibig sabihin hindi na kami mag uusap *pout* sasabuyan ko talaga yang babae na yan ng kumukulong tubig pag hindi niya ako pinansin.
Papasok na sana ako sa classroom ko ng bigla may naramdaman akong pag tapik sa likod ko at may nakita akong lalaking nakapokerface.
"Good afternoon Miss Corpuz we would like you to be the next secretary and Mister Black as the treasurer..." aniya ng bagong presidente ng SSC, AKO BAGONG SECRETARY?!!! OMG, maganda yun magiging malapit parin ako kay Sophia
"Sure" ngiting sagot ko, tumango lang ito at nilagpasan ako. Patili-tili ako sa hallway na parang baliw.
"Sino ka ba at naging Vice president ka agad agad? Isang hamak na nerd ka lang!" Bigla akong napatigil at nakita ang isang grupo na binubogbog si Sophia. Nakikita ko na sa mga mata ni Sophia ang galit at mukhang sasabog na to sa daming pasa nakikita ko sa mukha niya.
Those witches! Hindi na maganda ang mangyayari at mukhang puputok na sa galit. Alam ko ang mga matang yan, yan ang mga mata niya pag malapit na siyang pumatay.
Patakbo na sana ako ng may isang pamilyar na anino ang lumagpas saakin.
Masama to...
***********************************
NAKAUPDATE ULIT AKO!
Kung may suggestion kayo o mga tanong feel free to ask
Miss you guys
Enjoy the chapter!!!!
AikaMiharu
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With The Enemy
RomanceSi Sophia ay isang agent sa White Knights organization. She is the top agent of their org. but what will happen if she fell in love with her enemy?