For DenissemaeRuedas at Breax_0718
Thank you for supporting my story <3
Sophia's POV
"Hayyy" Nakakapagod na araw na to.
"Bakit ka ba kasi nalate, tignan mo pinagalitan ka tuloy ni FaFa Ethan mo" sabi ni Alice sabay subo ng takoyaki niya. Saan kaya niya to nabili?
Anyway alam kong nalilito kayo...
Ito flashback:
"Why are you late?! Do you know how important this meeting is? Are you that self-involved or are you just plain stupid?" Pag singhal saakin ni Ethan. Nandito pa kami sa Audi pero wala na yung GSC ng Chester naclose na din nila ang plano para next 3 months para sa Sportfest or as we call it Intramurals. Alam kong nalilito kayo kung ano yung deal kwento ko mamaya.
Pagkapasok ko kanina, sumalubong saakin ang lumiliyab na mga mata ni Ethan at umaalingawngaw niyang boses.
"Sorry Ethan may inasikaso lang ako" Pagpapalusot ko
"Just get out of here..."
" Sorr-"
" I SAID GET OUT!!!"
END OF FLASHBACK
Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng Audi. at tatlong oras na hindi ko parin siya makita.
Ang deal na pinaguusapan namin ay yung nangyayari tuwing intrams kung kailan ang Chester at Dream ay ang naglalaban. 1 week sportfes to 3 days para sa sports 1 day para sa Ms. Itrams na Sari-sariling school lang ang magpapasiklaban at 1 more say para sa Awarding.
"Masyadong delikado kung sasabihin ko sayo" tumuon nalang ako sa dinadaanan namin. Medyo madilim na dahil 6:45 na at malapit na ang closing remarks para sa 1st day, 2 days kasi foundation namin.
"Bahala ka diyan!" Sabay pout nang loka.
"All students of Dream University, please go to the Auditorium for the closing remarks"
Ang cold ng boses ni Ethan kahit nasa speaker...
"Halika na at baka pati dito malate ka rin" Tingnan mo tong babaeng to nangasar pa.
Nakadating na kami sa Audi at umupo sa harapan ng stage. May mga upuan doon na mukhang pang royalty at itong g*ga naman to feel na feel ang pagkakaupo niya dahil katabi niya si Jacob.
"Now lets call our queen" sabi ng principal naming pogi,
Tumayo na ako at pumunta sa Headmaster namin.
Nagsabi ako ng unting remarks at si Ethan na nag close ng Day 1. Pababa na kami ng stage nang hawakan ni Ethan ang braso ko.
"Pasensiya na sa nasabi ko..." Mahina niyang saad. Tumango nalang ako kay Alice at umalis na to. Hinarap ko siya at nakita na nakayuko ang ulo niya.
"Ano? Anong sabi mo?" Pang aasar ko sakanya. Hinatak niya ako papuntang parking at pinasakay sa Subaru Forester na black niya.
"S...Saan t..tayo pupunta"
Ngumisi lang ito nang parang aso at pinaandar na ang kotse niya. Mabilis itong magpaandar na ikinasaya ko.
"Whooooooo" Sigaw ko at nilabas ang kamay ko sa bintana niya.
"H...Hoi! Isarado mo nga yan!" Pagsuway nito pero nilabas ko lang ang dila ko at ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko
"Saan ba tayo pupunta?"
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With The Enemy
RomanceSi Sophia ay isang agent sa White Knights organization. She is the top agent of their org. but what will happen if she fell in love with her enemy?