Sophia's POV
Naglalakad ako papunnta sa school gate namin nang mapansin kong nagtitinginan saakin ang mga kaschoolmate ko
Ano kayang nangyayari?
"Sophia! Bakit ganyan ang suot mo?! At nagsuklay ka ba?!!"
Singhal ni Alice saakin, tinignan ko ang aking suot, anong masama sa damit ko? Naka pants ako at long T-shirt na naka nike na shoes ko."Anong masama sa suot ko? At oo nagsuklay ako" Umiling lamang ito at hinila ako papunta SSC. Ano bang problema nito? Ano bang occasion? Ok, kahapon nag review ako ng kaso sa Eternal Youth, nabugbog ako dahil naging Vice-
Shoot! Ngayon pala iaannounce na VP ako!!! Kaya pala ganito si Alice, baka nasabi na sakanya na Secretary siya
Sa maikling 10 minuto ay naka casual dress na blue ako, naka light make up at naka kulot na buhok. Naka black na heels na binigay kanina ni Alice. Buti nalang at marunong akong maglakad gamit ang heels minsan kasi may misyon ako na kailangan mag heels.
Hinila na ulit ako ni Alice palabas ng SSC at papunta ng Auditorium kung saan gagawin ang announcement.
Nahagip na mata ko ang isang gwapong lalaki na naka poker face parin hanggang ngayon.
Nang makalapit ako sakanya ay tinignan niya lamang ako at tumingin ulit sa principal na nagsasalita ngayon.
"Now let us all welcome our New SSC members, For President or our King's Chair, Ethan Harold Ford" Pagkasabi ng Principal ang pangalan ni Ethan ay biglang lumakas ang palakpakan ng mga tao sa loob ng auditorium
Hindi man lang siya ngumiti at tumayo siya doon sa tabi ng principal habang naka poker face.
"Now our Vice President or so we call the Queen's Chair, let us all welcome Sophia Scarlet R. Carter" Nang tinawag na ako ay biglang natigilan silang lahat at hinahanap ang nerd na VP nila. Well, Irony really does kicks in.
Umakyat na ako ng stageat nginitian lang sila.
"Our secretary or our Ace's Chair Alice Cia Corpuz and our Treasurer or the Jock's Chair Jason Baron Black" Saad ng principal namin at umakyat na rin si la sa Stage at tumabi saakin.
Nagbigay kami ng Introduction sa lahat at umalis na rin.
Maraming lalaki na lumapit saakin at hiningi ang no. ko. Sinagot ko lang sila ng isang matigas na "I'm not interested".
"Sophia! Pinapatawag na tayo ni Ethan sa SSC" Singhal ni Alice na nagbigay ng lagkakataon para tumakas ako sa mga malalanding lalaki na yun.
Naglakad ako kasama ni Ethan paikot ng Campus para magcheck sa mga booth ng ibat ibang klase.
2 more classroom at tapos na ang trabaho namin. Medyo sumasakit na nga rin ang paa ko kakalakad dahil sa heels. "Sorry miss" may nakabangga akong isang cute nerdy boy. Ngayon na medyo nakita ko na ang mukha niya, isa siyang mestizo na lalaki na may glasses at mukhang freshman palang.
"Ok lang, sa sususnod ay magiingat ka" Paalala ko sa lalaki na ngayon ay mapula na ang mga pisngi nito.
"Ano yan? Gusto mo ng overtime o tatapusin mo yang pinaguusapan niyo at icheck ang dalawa pang kwarto" malamig na sabi ni Ethan sa likod ko.
Tumango nalang ako sa cute nerd na yun at sumunod ulit kay Ethan.
"Nasa trabaho tayo at hindi require doon ang makipag landian"sabi ng seryoso ni Ethan, Nga-Nga
"Una sa lahat hindi ako nakikipaglandian , hindi katulad mo. Pangalawa! Wala kang pakealam kung may kinakausap ako" Singhal ko, napatigil siya at lumingon saakin. Bakit? May sinabi ba akong masama?
Wala ng tao sa hallway na dinadaanan namin kaya medyo awkward na nakatitig lang siya saakin. Pagkatapos ng limang sekundong staring contest na ginawa namin ay humakbang siya palapit saakin at nanatili lang ako sa kinaroroonan ko.
Lumapit siya saakin at isang pulgada nalang ay mag tatama ang labi namin.
"Hindi ako nakikipaglandian kung kanikanino lang, pili at may standards ako, at baka pumasa ka na nga dun" Sabi ni Ethan with his sexy voice, naamoy ko ang minty na hininga niya.
Lumayo na siya at naglakad ulit papunta sa classroom na kailangan na icheck namin. Ano daw?! Baka pumasa ako? Bakit? Gusto ko ba siya? Ha! Kapal mo boi!!!!
Pagpasok namin sa classroom ay may nakita akong nagkalat na papeles. Tinignan ko ang papel na nasa pinto na nagsasabing Chemistry Club, may nakita din akong Berdeng likido na may kasama pang 10 pang likido na nasa gilid ng mga papeles na nakatambak.
"What happened here?" ma awtoridad na tanong ni Ethan.
May naglakad saamin na satingin ko ay lider o presidente ng Chemistry Club.
"There is nothing wrong in here, it is just a scientist block" Sagit nito sa matigas na Ingles.
"Just make sure what you are doing will be good for the foundation day" Nag Ingleshan na tong dalawang to.
Lumabas na kami at nag patuloy sa susunod na at panghuling classroom na ichecheck namin.
Pagkapasok namin ay wala ni isang tao sa kwarto. Tinignan ulit ni Ethan ang mapa ng eskwelahan pero parang tama naman ang pinuntahan namin.
Ito ang pinakadulong classroom at dissmissal na kaya wala na medyong tao sa parte na to.
Pabalik na sana kami pero may nakita akong anino ulit at sinarado niya ang pinto. Napamura si Ethan at tumakbo patungo sa pintuan, pero huli na ang lahat. Sarado na ang pinto at nakakandado ito.
Napaupo nalang ako at tinanggal ang heel na kanina ko pang suot.
"Bago to, hindi ka nagpapanic dahil nakakulong tayo" Nakatingin saakin si Ethan na akala mo ay may nakita siyang unggoy na nag sasalita.
"Magpanic ako para sa ano? Wala naman diba? Sisigaw ako kung may tao na alam kong wala naman talaga, para ano? Mapaos at mapagod ako?" Pagod kong sabi, pumikit ako at hinayaan na mag pahinga ang buo kong katawan.
"Tama ka nga" umupo ito sa tabi ko para bang close kami,
"Tulog ka na ba?" Tanong ito pero pagod na ako ng sobra para sagutin ito.
"Tulog ka na nga,hayyy" akala ko ay nakatulog na din yung katabi ko pero biglang nagsalita ito ulit.
" Masyadong delikado ang ginagawa mo, mas maganda kung hindi mo na ituloy ang misyon mo" Ako ba ang kinakausap nito o ang sarili niya?
May unting katahimikan at naramdaman ko na lumapit siya ng unti pero lumayo din ulit siya
"Goodnight nalang Pancake" malambing na saad nito.
Nang naramdaman ko na tulog na si Ethan ay dumilat ako at tinignan siya.
Sino ka ba talaga? Pano mo nalaman yang palayaw na yan?
***********************************
Okay! Hope you like this chapter!!
Please comment and vote, hart hart
AikaMiharu
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With The Enemy
RomanceSi Sophia ay isang agent sa White Knights organization. She is the top agent of their org. but what will happen if she fell in love with her enemy?