Sophia's POV
May mga bata na kaedad ko na nagsisitakbuhan sa may classroom habang ako ay nakaupo sa aking upuan.
Gusto ko sana sumali pero ayaw ng mga bata saakin kasi nakakatakot daw yung daddy ko at dahil daw saakin namatay si ate at mama. Wala din naman din Alice kasi nasa kabilang section siya.
Nakaramdam ako ng luha sa pisngi ko, umiiyak nanaman ako. 2 taon na ang nakalipas nang mamatay si ate... Isang taon naman para kay mama. Ngayon ay nagtratraning ako para maging agent sa Organization ni Papa. Ang pinaka una na tinuro saakin ay bawal malaman ng iba na agent ako kundi may hahabol sa amin na mga bad guys.
Masyadong malinaw saakin ang pagkamatay ni mama kahit isang taon na ang nakalipas. Sa murang 11 gulang ay tinuro na saakin ang kontrolin ang emosyon ko, pero umaapaw parin ang luha saaking mga mata.
"Tumaha ka nga diyan, nakakaiyak ka eh" Sabi ng batang lalaki na nasa harapan ko ngayon na may hawak na panyo.
"Umalis ka nga! Panira ka ng moment eh" Sigaw ko sakanya, biglang nagbago ang mukha ng bata.
Kinuha niya bigla ang kamay ko at binigay saakin ang panyo na kanina pa niyang hawak.
"Taha na, ang ganda ganda mo pa naman tapos umiiyak ka, Halika libre kita ng pancake kay manang, diba mahilig ka sa pancake na may strawberry syrup. Ngayon pancake na tawag ko sayo. Halika na pancake"
Bigla naman naginit ang mukha ko sa sinabi niya at hinigit ang kamay ko papunta sa canteen namin. Bigla ko naman nakita ng maigi ang mukha niya, kaklase ko siya! Siya si...
Nagising ako at nakita na wala na si Ethan sa tabi ko. Nakita ko rin na bukas na ang pintuan.
Hala?! Anong oras na?! Tumingin ako sa relo ko at nakita na 6:30 na, 7:00 ang pasok ko!!
Nag madali akong lumabas at nakita ko si Alice na naglalakad patungo saakin.
Akala ko kung anong gagawin niyang masama pero niyakap niya lang ako.
"A..akala k...ko napa...hamak ka nanaman, Hindi ka daw m..makontak ni.. M...michael... Kaya N...agalala ako" Umiiyak na sabi nito.
"Shhhh... Taha na, nakatulog lang ako" Pagaamo ko sakanya habang hinihimas ang kanyang likod
" Ang OA mo talaga minsan" natatawang saad ko.
Pumunta kami sa SSC kasi may banyo sa loob nun. Bingyan ako ni Alice nang pangpalit galing sa locker niya. Hinding hindi na daw niya ako papahawak ng mga 'Lolang damit' grave talaga yung babae na yun.
Pagkalabas ko ay inayusan niya agad ako, saktong sakto 7:00 na at nagring na ang bell namin para sa una naming klase.
"So ang sinasabi mo ay kasama mo si Fafa Ethan buong magdamag? AYIEEEE!!!" Asar saakin ni Alice, buti nalang walang pa yung teacher namin kundi detention ang punta namin.
Kwinento ko na sakanya kung anong nangyari kahapon."Ano ba?! Hinaan mo nga yang boses mo, para kang baliw" Bulong ko sakanya nang may mapansin akong mga tao na nagsisitinginan na saamin, scratch that, kay Alice pala.
"Pero buti ka pa naka one step closer ka na kay FaFa, eh ako nga kahit 0.5 na hakbang papunta kay Jason" Nakanguso niyang sabi. Hay naku one sided parin ang pag-ibig ng kaibigan ko
"Oo nga pala, sabi ni Ethan si Tyler daw ang Treasurer, bat naging si Jacob" No offense pero naguguluhan ako.
"Ah yun, hindi tinanggap ni Tyler dahil wala naman siyang pake o balak na sumali, kaya ayun kay Baby Jason nalang binigay" Baby? Ewww, mukha bang baby si Jason? nakakadiri lang. Bago pa ako makadalit para pang kontra ay pumasok na si Sir Ramirez para simulan ang klase.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With The Enemy
RomanceSi Sophia ay isang agent sa White Knights organization. She is the top agent of their org. but what will happen if she fell in love with her enemy?