Sophia's POV
Ilang minuto lang lumipas pero malapit na namin maubos ang kalaban.
Ilag dito ilag doon, suntok rito tingin kay Ethan- este suntok doon.
Tapos na ako sa side ko at napag pasiyahan na tulungan sila Alice or Ethan pero nakita ko na may balak na barilin si Ethan sa likod. Bigla nalang gumalaw ang katawan ko at...
Bang Bang....
Nawalan ako ng balanse, pero nasalo ako ni Ethan. Binaril ko naman pabalik yung walang hiya. "Okay ka lang?" tanong niya.
"Oo, nawalan ako ng balanse dahil sa pag-ilag" tugon ko. Tumayo ako ng diretso at pinakita sakanya na okay lang ako.
Nakita ko naman na tapos na ang trabaho namin ni Alice at lalabas na sana kamo pero,
"Why did you help me? I thought..." pinutol ko na ang sasabihin niya bago pa lumalala.
"I didn't helped you because I want to, I helped you because I NEED to." at tuluyan na akong lumabas. Nakita ko na sumusunod sa likod ko si Alice at mukhang inaayos niya ang sarili niya.
Malapit na kami sa parking Lot at medyo malayo na rin sa Diner kaya baka pwede na....
"Grave! Excer– SOPHIA!!!!"
****
Alice's POV"Grave! Excer– SOPHIA!!!!" Bigla ko nalang nakita ang best friend ko na tumumba. Nakita ko na may baril siya sa may bandang kanang bewang at hita niya. Gaga to! Sabi niya wala siyang tama! Loka may TAMA ata to sa ulo.
"Uy besh!!!! Ok ka lang?"
"Ikaw kaya barilin ko tignan natin kung okay ka lang! At hindi ko lang medyo magalaw paa ko" nangigiwi na ito sa sakit.
Buti nalang at malapit na kami sa kotse. Nakeri ko naman siyang kargahin papuntang kotse at madaling nilagay siya sa may passenger seat
"Sa bahay tayo. Wala dapat makaalam nito," Utos niya, Mabilis na rin ako nagmaneho papunta sa bahay niya.
Nakita ko naman na nagdidial siya sa cellphone niya. "M... Yeah, it's me... Kailangan ko lang ng medical treatment... Yeah I know, hindi pa to nangyari... Sa bahay.... Sige kita nalang tayo doon" at binaba niya na ang telepono.Malapit na rin kami sa bahay niya pero andami na rin na dugo ang nawala sa kanya.
Pag dating namin sa bahay nila ay nakita ko na si Kuya Michael nag-aantay. Siya pala ang tinawagan nito akala ko si Kuya M.
Pag-tigil ko ng sasakyan ay dali-dali rin pumunta saamin si Kuya Michael.
"Ano ba naman to Scarly!? Ngayon lang to nangyari ah! Hindi ka naman ganito ka careless." Yan agad narinig namin nang bumukas ang pinto ng kotse.
Binuhat niya si Sophia papasok ng bahay nila. Nagmamadali na rin akong sumunod sakanila. Hindi ko naman alam na marunong pala si Kuya sa medical stuff. Hindi na nga niya kinaylangan yung tulong ko at mabilis niya rin natanggal ang bala sa katawan ni Soph.
Kaya ayaw ko tong trabaho na to para kay Sophia!
Mga 30 minutes na ang nakalipas at lumabas na si kuya sa kwarto. This past 30 minutes all I heard is Sophia's scream.
Mukhang successful naman yung pagtanggal ng bala sa katawan ni Bestie. Pwede naman na daw ako pumasok kaya pumasok ako sa kuwarto, I saw blood and Sophia. May narinig akong bumukas ang pinto at nakita si Kuya Michael.
"I heard na nakita mo na siya,”
My hand turned into fist, "Pano niyo natago to kay Sophia?! Kung hindi lang para kay Sophia to baka napatay ko siya but Sophia's safety is my very top priority."
Tumango nalang siya.
"The bullet wounds wont heal in 2 weeks, kaya bawal siyang gumawa ng mabibigat na bagay in two weeks" Dagdag pa niya
"Pero hindi ba masyadong halata? Sabi ni Sophia dapat walang makakaalam pero kung ganun baka mabilis lang nila malaman na nabaril siya"
"That is why you're here, gumawa ka ng sapat na rason para hindi siya gumawa nun" mahinahong sagot niya. I'm scared, but I'm not scared for my own life I'm scared for Sophia's. Alam ko na nageenjoy rin siya sa trabaho niya but its too dangerous. Wala na rin akong magawa kundi sumunod sa plano niya, I just hope what I'm doing is for the best for Sophia.
Sophia's POV
Pagkamulat ng mata ko nakita ko si Al katabi ko. Anong oras na ba? I tried to sit up without waking up Alice but it did not work. Kitang kita ko sa mata niya na alalang ala ito. I'm so blessed to have a bestfriend like this.
"Are you okay? May masakit pa ba? May kailangan ka ba? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?" Rapper ba to? O pinalitan niya na si Kuya Boy Abunda sa dami niyang tanong.
"Kalma, I'm okay. Wag OA" patawa kong sagot. Bigla niya naman akong sinutok sa balikat pero hindi naman ganun kalakas. Nagulat ako nang makita na umiiyak ito. I dont know what to do. She isn't the girl who cries easily, but I guess she was worried about what happened.
"K-kaloka ka b-besh! Aatakihin ako sa puso nung makita kitang biglang tumumba!" Patuloy pa rin niya akong sinusuntok. I just hugged her, I didnt know what to do. Para kaming mga bata na magkayakap habang umiiyak. It was really uncool but what the hell!
Medyo huminahon na kami kaya humiwalay na rin kami sa isat isa, awkward kaya hahaha.Narinig ko na bumukas ang pinto at nakita ko si papa at si M. My time really stopped, My Dad rushed towards me to hug me. He never did it before, but it felt nice. I feel secured, but I dont know why my tears just showed up.
"It's okay baby girl, Daddy's here. Ok ka na ba? Michael just called me and said you were shot. Please Don't leave me like your mother and your sister did... I would be a good father from now on. I hate to think that one day, I would lose you too. Sorry naging bulag ako sa paghahahanap kung sino talaga pumatay sa ate mo at dinamay ka pa, I will do my best to protect you, Its already too late to pull you out of the team but I will be there for you this time." Nanginginig siya, I think he was really scared to think he would lose his only family. I don't know what to do if Dad die, but he is strong and I know he would not leave me alone.
"I love you Papa," I uttered.
"Pabayaan muna natin mag pahinga si Sophia. Kailangan niya yun, at baka mabinat siya sa sobrang kakaiyak. It would also be much appreciated to not let Master know." Michael explained.
Unti-unti na silang lumabas ng room at unti unti na rin akong dinalaw ng antok, sa sobrang pagod rin ata. I smiled one last time before closing my eyes.
************************************
So ayun na nga! Ngayon lang ulit ako nakaupdate! Writer's block but I guess finally letting Sophia's Dad be a father to Sophia is good thing😀
FantasyPlayer
AikaMiharu~
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With The Enemy
RomanceSi Sophia ay isang agent sa White Knights organization. She is the top agent of their org. but what will happen if she fell in love with her enemy?