Chapter 15- Lost

8 0 0
                                    

Sophia's POV

Ito na ang araw na makakabalik ako sa Dream. Ngayon ay naglalakad na ako papuntang Dream ng may narinig akong ingay galing saaking cellphone.

"Hello..." Wala akong marinig na kahit anong tunog sa kabila ng linya.

Tinignan ko kung sino ang tatawag pero unregistered number. Pinatayan ko nalang ito at nag patuloy sa paglalakad.

Pagkababa ko ay nakita ko si Papa na may hawak na isang itim na envelope.
Pagkalapit ko ay binigay niya saakin ito.

Pag katingin ko ay may nakalagay na M...

Isa lang ang alam ko na magbibigay nito na M ang initials... Si Master...

Tick tock my dear
The walls have eyes and ear
I know your every move
And I know you won't dissapoint me
I will give you good luck

M

Napabungtong hinanga na lang ako at tinago sa bag ko ang sulat at nag patuloy na lumabas ng bahay. Alam niya lahat ng gagawin ko, hindi ko pwedeng ipahamak ang mga tao na nasa paligid ko.

***

Nang makarating na ako sa Dream ay nagsisitinginan ang mga estudyante saakin, matagal tagal na rin ako hindi nakakapasok. Naglakad rin pala ako, sayang sa gas eh^ω^

Nakita ko ang isang pamilyar na tao na malungkot na naglalakad. Namiss ko siya, kamusta na kaya siya? Bat ang lungkot ng mukha niya?

Maglalakad na sana ako papunta sa kanya ng tumingin siya sa gawi ko.

Pinuntahan ko siya at niyakap. Namiss ko siya, namiss ko ang best friend ko.

Nang medyo kumalma na itong iyakin na ito ay binato ako ng mga tanong. Sinagot ko lahat simula nung nasa meeting pa ako hanggang sa last mission ko habang naglalakad kami papuntang SSC room pero syempre mahina lang boses namin, baka kasi may makarinig.

"So... Dahil yun sa so called 'Master' mo?" Tanong niya at tumangi nalang ako.

Napahawak siya sa kanyang baba at parang nagiisip. "Hmmm... Parang may nakakalimutan ako sabihin sayo..."

Nang nasa harap na kami ng SSC room ay bigla akong kinabahan. Ano kayang sasabihin ko sakanya? Pagkatapos kong makapunta sa HQ ay hindi ko na masyadong naisip na nalaman ko na taga ibang organisasyon siya.

Ang misyon ko ay bantayan ko siya at si Black Cat. Nalaman ko na habang wala ako ay napunta ang kaso ni Black Cat sa Red ulit. Ngayon nakabalik na ako ay binalik saakin ang kaso at nakita ko na andaming gulo at pagnanakaw ang ginawa nito.

"Hello? Girl? Buhay ka pa ba? Earth to Sophia!!!" Winagayway ni Alice ang kamay niya sa may mukha ko.

"Ay sorry... Ano ulit yung sinabi mo?"
Pagbabalik ko sa topic.

"Ang sabi ko, may dumagdag sa student council. Nung nawala ka kasi ay mas naging hectic ang ginagawa namin para sa Intrams at Exams na paparating na. Don't worry girl hindi ka niya pinalitan bilang VP pero para siyang Teacher's assistant, pero ang pagkakaiba ay tayo ang tinutulungan niya, hindi maganda vibes ko sakanya at alam kong kilala mo siya" Pagkatapos ng introduction niya sa taong ito ay binuksan niya ang pinto at may bakita akong lalaking nakatayo sa tabi ni Ethan.

"Marc?!" Gulat kong sabi.

Si Marc yung cute na nerdy boy na ilang beses ko ng nakakabangga.

Papunta na sana ako ng makakita ako ng lalaking bahid sa kanyang mukha na masaya siyang makita ako. Umiwas ako ng tingin at umupo sa table ko.

Tinitignan ko kung ano ang mga papeles na pwede kong asikasuhin para mawala ang isip ko sa lalaking kanina pang nakatingin saakin.

Lumapit ito at hinawakan ako sa kamay at hinila ako palayo sa SSC.

Nang makararing na kami sa likod ng school bago pa siya makaharap saakin ay natutukan ko na siya ng baril na kanina ko pa hinahanda para sakanya.

"Sophia I can explain..." sabi nito sa malumay na tono pero lalo ko pang tinutok sa kanya ang baril.

"Na ano? Isa kang agent sa kabilang organization? Na kalaban ka lang? O na niloloko mo lang ako!?" Hindi ko na napigilan na mapasigaw sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Alam kong nararamdaman mo para saakin pero..." Pinutol ko na ang sinasabi niya at pinalitan ng mga kasinungalingan...

"Anong nararamdaman? Wala akong gusto sayo, ginagamit rin kita kasi ikaw ang presidente ng SSC yun lang..." Sabi ko habang binababa ang baril na hawak ko "Wag kang mag assume kasi wala akong gusto sayo" Pinipigilan ko ang mga luha na nagbabadya ng tumulo.

Napansin kong nasaktan siya at biglang nabago ang kanyang aura.
"Wala? Wala ba talaga?..." hindi na ako sumagot at tinignan ko lang siya.

"Panindigan mo yang mga sinasabi mo" Galit nitong saad at umalis.

Naglakad na rin ako papuntang canteen dahil ayaw ko munang makita ang mukha niya. Nagtext na rin ako kay Alice na magkita kami sa Canteen.

"Sophia!" Sigaw ni Alice sa kabilang dulo ng Canteen. Ang bilis naman nitong mag order at may 2 fries at burger na siya na nasa lamesa.

Pagkaupo ko ay may napansin akong bag na malapit kay Alice. Hindi naman to yung klase ng bag na gusto ni Alice

Wala pang ilang minuto ay tumabi saamin si Jason na may dalang tray.

"Paano kayo naging close?" tanong ko na nagresulta na pamumula ni Alice.

"Hindi kaya!"  Depensa nito.

Nafeel ko na parang third wheel na ako kaya patayo na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko at may nakalagay na code green.

Nakita ko rin na nakatanggap si Jason nun kaya sabay na kami umalis sa canteen at pumunta sa parking lot.

"Hindi ko nadala kotse ko!" Naglakad nga lang pala ako kanina!

"Get in" Matigas na sabi ni Jason habang binubuksan ang kotse niya. Pumasok ako at nagseatbelt na. Opcors safety first>_<

Habang papunta kami sa HQ eexplain ko muna sainyo kung anong meaning ng codes.

Ang unang code is Code Yellow. Ang Code Yellow ay nagsasaad na may traydor sa HQ. Syempre sa 10 knights lang ang may codes. Mga trusted agent kami kaya kami lang meron nun.

Ang sunod is Code Green, meaning may new recruits na agent at kailangan namin sila itest para tunay na karapatdapat sila.

Ang pinaka malala is Code Black. Ito ay underattack code. Pag may sumuggod sa HQ ay papadalahan kami ng code na to para protektahan sila.

Itong code lang to ang pwede sa lahat.

***

Pagkarating namin sa HQ ay nakita na agad namin ang mga new recruits. Naka itim na damit at hood sila, syempre being an agent means mystery.

"Andito ka na my dear" May nagsalita sa likod ko. Pagkatingin ko ay si master na hanggang tenga ang ngiti. Umupo ito sa pinaka taas at sinenyasan akong umupo sa tabi niya.

Lumapit nalang ako at umupo katabi niya. "This year's recruits are interesting..."  rining kong bulong niya.

"Take of the hoods!" Utos ni Master, bigla naman nila tinanggal ang hood nila.

Nilibot ko ang mata ko at may isang pamilyar na pigura akong nakita.

"Bakit ka nandito?" Hindi ko mapigilan na mapatayo sa sobrang gulat.

"Sit down dear... You don't want to alarm the 9 knights..." Mahinahon na tugon ni master.

Napaupo nalang ako at pinanood na nagsimula na ang laban.

Sino nagdala sayo dito? Bakit Alice?

***********************************

TIME! DONE!

PLEASE VOTE AND COMMENT

AIKAMIHARU0827

Secretly In Love With The EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon