-7-

6.4K 259 15
                                    

What we find in a soulmate is not something wild to tame but something wild to run with.- Robert Brault

------------------

Hindi ko na maimagine kung gaano kalawak ang ngiti ko habang magkasama kami ni Thirdy dito sa library. Kami lang dalawa dahil marunong din namang maggive way si Barbie. 


Kahit hindi ko naiintindihan yung mga sinasabi niyang poetry at lines ng mga novels tumatango na lang ako. Paborito niya talaga ang literature. Mahilig siyang magbasa at magsulat. Lagi nga siyang nananalo sa literary contests. Pati sa scrabble national champion siya sa lawak ng vocabulary niya. 


"Are you bored?" He asked. Hindi ko namalayang humihikab na pala ako. 


"Naku! Hindi napuyat lang ako kagabi kasi." I said trying not to offend him. He smiled at me and closed his book. 


"Come on. Maglakad-lakad na lang tayo. I don't wanna bore you." He said. We are still friends, yan muna ang status ng relationship namin. Ayoko namang magkaboyfriend agad ng dahil lang sa bugso ng damdamin. 


"Tara akyatin natin yung puno." Suggest ko ng makarating kami sa park. Umiling siya sakin at umupo sa may lilim ng puno. 


Napanguso na lang ako. "Bahala ka, mukhang hinog pa naman yung mga bunga nitong mangga." I mumbled. Inakyat ko yung puno at di naman ako pinigilan ni Third. Umupo ako sa sanga at sumandal sa puno.


  I'm on the top of the world lookin' down on creation
And the only explanation I can find
Is the love that I've found ever since you've been around
Your love's put me at the top of the world  


Kumakanta ako ng with hand gestures pa. Hindi naman ako makasayaw dahil baka mahulog ako. Narinig ko ang paghagikgik ni Thirdy kaya nakanguso akong tumingin sa kanya. 


"You really love singing don't you?" He giggled. 


"Pangit ba?" Nahihiyang tanong ko. Nangingiting umiling siya sakin at pumikit habang nakasandal sa puno. Pumitas ako ng mangga at pinunasan gamit ang panyo ko. Kumakanta ako after kong kumagat sa mangga. 


Kung anu-ano na nakakanta ko mula kay Taylor Swift papunta kay Lady Gaga. Sumilip ako kay Thirdy. Mukhang tulog na siya. Nakakahele pala boses ko. 


Hihihi!


Hinulog ko na lang kung saan yung mga nakain kong mangga at sumandal sa puno. 


"MMMMMPPPP!!!" I gasped. Someone covered my mouth and pulled me down the tree. Buti na lang sinalo niya ko at ibinaba sa lupa.


"Brix!" I exclaimed nung tanggalin niya yung kamay niya sa bibig ko. I was about to call Thirdy ng bigla akong hilahin ni Brix off to somewhere, hindi na nga ko makalingon sa kinaroroonan ni Thirdy sa sobrang paghila sakin ni Brix. 

Torn Between The Bad Boy and The Nice GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon