"Sino ang pipiliin ko, ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko!! Ohhh!"
Siguro yan na nga ang theme song ng lovelife ko. Okay na ko eh. Okay na kong hanggang tanaw lang. Hanggang sa mapansin niya ko. Tuwang-tuwa na nga ko dun eh...
And yeah, maybe he's bad, but when he smiles I only see the good in him.
--------------------
Halos hindi ako makatingin sa kanya ng diretso pagkababa namin sa bike. Nakarating kami sa lugar kung saan lagi akong pumupunta kapag nalulungkot ako.
"Ito ang Safe Haven ko." I dared to initiate the talk. Nasa tuktok kami ng burol at may mga Christmas Lights na nakalagay sa mga puno sa paligid. Kitang-kita mula dito ang buong kaMaynila.an..
At kitang-kita mula dito ang mga bituing mahirap hagilapin sa Maynila.
"Yeah, it's beautiful." He said. Tumingin ako sa kanya at nagulat pa ko ng nakatingin pala siya sakin.
"Ah oo, maganda talaga dito." I smiled at him.
"Pero mas maganda ka." Mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa narinig. Napaiwas ako ng tingin bakit ba siya ganyan sakin.
-------------
Lutang akong nakauwi sa bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Ni hindi na nga ko makatili dahil naninikip ang dibdib ko sa sobrang saya.
"Aish Thirdy labs talaga kitaaaa!!!!!" I squealed and drift off to sleep. Inaantok na ko at lahat-lahat na pero ayaw tumugil sa kakavibrate nung phone ko.
"Ugh!!!!" I groaned and grab my phone. Pikit mata ko yung sinagot dahil sobrang antok na ko.
"Nasa labas ako ng bahay niyo. Come out." Lahat ng hibla ng antok ko nawala ng marinig ang boses niya. Agad akong bumangon at dumungaw sa bintana.
Andun nga siya sa baba, waving my diary.
"Ala una na ng madaling araw! Tulog na kaluluwa ko Brix!" Dabog ko.
"Bahala ka. Never mo ng makikita diary mo." I can see his smirking face right now. Antok na antok na kasi ako. Buti na lang sabado bukas. Bangag akong lumabas ng bahay buti na lang tulog na sina Mommy.
I was yawning when I reach the gate. Nakatshirt at sweat pants lang ako.
"What are you wearing? Lalabas tayo." He said. Napakusot ako sa mata ko.
"Hindi ako pwedeng lumabas. Mapapagalitan ako ni Mommy." I said. Naramdaman ko na lang na isinuot niya sakin yung black na leather jacket niya. Isinuot niya talaga sakin. Sinuot niya rin yung helmet sakin and I was just staring at his face.
Gwapo si Brix. Marami ngang nagkakagusto sa kanya kahit masama ugali niya.
Napakurap-kurap ako ng bigla niyang hihipan ang mukha ko. Napatakip agad ako ng mukha ko. Ang bango ng hininga niya.
"Halika na nga." Hindi ko alam kung bakit sumama ako sa kanya kahit antok na antok na ko. Nakabigbike siya. Well, lagi naman siyang nakabigbike. "Yumakap ka sakin." He said. Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit nagwawala ang puso ko ngayon.
I did what he said bago niya paharurutin ang motor niya. He was going faster kaya mas humigpit yung yakap ko sa kanya. The wind feels cold. Pero inaantok na talaga ako.
"Whoah! Ah! Aray!" Napaiyak ko ng maramdaman kong bumagsak ako sa sahig. I immediately removed my helmet and glared at Brix na ngayo'y tatawa-tawa lang sa harap ko.
Hindi ko naman kasi namalayang huminto na pala kami at tinulak pa niya ko pababa.
"Awwww!!! Yung siko ko." I sniffed. Bumaba siya ng motor niya at hinila ako patayo. He removed his jacket on me. Napatingin ako sa braso ko na buti na lang walang sugat. Agad akong napayakap sa sarili ko ng maramdaman ang lamig ng hangin.
I was awed by the beauty of the moon na nagbibigay liwanag sa tubig at sa buong paligid.
Full moon pala ngayon.
I was just shivering. Pumunta sa may buhangin si Brix at umupo doon. Lumapit ako sa kanya and sat besides him. He's just watching the moon.
"Brix, mapapagalitan ako..." Yugyog ko sa balikat niya. Hindi siya umimik habang nakatingin sa buwan. Inaantok na talaga ako.
----------
I didn't know kung paano ako nakauwi at kung panong maayos na maayos ang pagkakahiga ko. I rubbed my face at napatingin sa digital clock sa tabi ko. It's 8 in the morning.
Well, whatever happened last night, bahala na baka masira pa araw ko kakaisip. Kinuha ko yung phone ko sa tabi ko and again I received a multimedia message from Brix. Hindi siguro uso sa kanya ang messenger. Tsk.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Brix: Tulo laway diba? *smirk*
AISHHHH!!!! Waahhhhhh!!! Bwisit! Bwisit! Bwisit ka talagang Brix ka!!
He was here in my room last night?! May lahi siguro yung akyat bahay. Tsk.
Maluha-luha akong lumabas ng kwarto at bumaba para magbreakfast. As usual, wala na naman si Mommy dahil lagi siyang nasa hospital. It's hard for her to run the hospital herself.
Kahit may sarili kaming hospital, hindi ko masasabing marangya ang buhay namin. May mga utang pa rin na dapat bayaran si Mommy.
"Good Morning baby." Bati ko sa kapatid kong mag-isang kumakain. Lumapit ako sa kanya at hinalikan niya ang pisngi ko. Buti talaga hindi ganun kahirap alagaan si Meinard.
Umupo ako sa tabi niya and eat.
"Ate, family day namin. Friday next week." He said. I pressed my lips firmly. Dahil na rin sa sitwasyon namin kaya never pang nakaattend ng family day si Mommy. Naawa na rin ako sa kapatid ko dahil lagi na lang ako kasama niya.
"Sige, gagawa na ko ng excuse letter para makapag-absent." I winked at him.
He smiled widely at me as I patted his head. I'm hope he's happy and contented of our family.