-19-

5.2K 190 17
                                    

Philophobia

A condition in which a person fears the idea of falling in love 

and/or becoming too attached.

*****

Tuwang-tuwa si Meinard ng makita si Milo. Hindi niya ito iniwan at halos hindi ko na mahawakan si Milo dahil yakap-yakap niya ito lagi. 


"Mommy, I told you galing yan sa isa kong kaibigan, masyado  na raw silang maraming pets kaya pinamigay na lang nila yung ibang puppies." Pangungumbinsi ko kay Mommy. Ayokong malaman niyang kay Marius galing iyon at baka pag-awayan pa namin. 


"Okay. Sabi mo eh. Pansin ko nga pala Milleana, hindi na napapadaan dito yung boyfriend mo." 


Feeling ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko sa sinambit ni Mommy. Naalala ko na naman yung banat ni Brix kanina. My ghad!


"M-Malay ko Mommy!" Naiirita kong sambit. Tumawa siya ng malakas na para bang natutuwa sa naging reaksyon ko. 


"Ewan ko sayo Milleana, ang gwapo-gwapo nung batang yun pinapakawalan mo pa." She chuckled. 


Sino ba may sabing papakawalan ko? Tsk. 


"Daming drama Mommy, pumasok ka na nga lang sa work. Ako na magluluto ng dinner namin ni Meinard." I pouted. Night shift kasi ngayon si Mommy, maraming aasikasuhin sa hospital. Sinipat muna niya ang sarili sa salamin before checking her bag.


I gazed at my Mom, halos magkasing tangkad lang kami. Pero minsan naiinggit ako sa kanya, dahil kahit tatlo na kami na anak niya at lagi siyang stress sa work ang bata pa rin niyang tignan. Napagkakamalan pa rin siyang ate ko. 


Ang bobo lang ng tatay ko at pinakawalan pa siya. At kahit nasa mid forties na si Mommy andami pa ring nanliligaw diyan, mas marami pa siyang manliligaw kaysa sakin.


"Alis na ko, bye babies." She kissed our cheeks, lalo na kay Meinard na lahat ng atensyon ay na ka'y Milo. 


"Bye Mom, be safe." I told her. Hinaplos niya ang pisngi ko na medyo namamaga pa. Hindi na siya nagtanong kanina kung anong nangyari kahit obvious na kalmot iyon. 


"I will, I love you." She smiled softly and hugged me. Napangiti na lang ako sa kasweet'n ng Nanay ko. Hinatid ko na siya hanggang sa tuluyan na siyang makaalis at hindi ko na matanaw yung sasakyan namin. 


I was about to lock the gate ng biglang may tumigil na motor sa harapan namin. Agad na bumilis ang pintig ng puso ko. Brix removed his helmet, pigil ang hininga ko habang pinagmamasdan siya. 


"Hi." He smiled at me. Parang sumikdo ang puso ko sa ngiti niya and I can't even imagine how red I am now. 


"H-Hi.. Napadalaw ka? Kakaalis lang ni Mommy." I said shyly. Bumaba siya ng motor niya at inayos ang helmet niya doon bago lumapit sakin. Humigpit ang hawak ko sa gate. 

Torn Between The Bad Boy and The Nice GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon