They told me that to make her fall in love, I had to make her laugh. But every time she laughs, I'm the one who falls in love.
-----------------------
Hindi ko naman kasi talaga kasalanan kung bakit naghiwalay si Angelica at Marius pero kung makairap siya sakin kala mo mang-aagaw talaga ako. Kasalanan ko bang hindi siya sineryoso talaga ni Marius?!
"Bali-balita na ikaw ang dahilan kung bakit naghiwalay sina King Marius at Angelica, may fan war ng nagaganap!" Barbie gasped pagkaupo nito sa harapan ko habang nagmomoment ako dito sa student's park.
"Ewan ko sayo, alam mo namang loyal ako kay Thirdy." I rolled my eyes at her. Kumibot ang mga labi nito na wari'y nag-iisip.
"Pero sa mga past happenings, iisipin ko talagang may something kayo ni King Marius." I looked at her weirdly ng may maramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa pisngi ko. I gasped when I saw Thirdy smiling at me.
At mukhang kinilig pa ang Lola Barbie niyo.
"B-Bakit ka nanggugulat?" Pabebe kong tanong as I touched my cheek. Feeling ko namumula na ko ngayon sa hiya. Dumadalas na ang paghalik niya sakin sa pisngi. Grabe! I cannot breath!
"Anong pinag-uusapan niyo? Mukhang seryoso?" Umupo sa tabi ko si Thirdy at ngumiti sakin. Yung ngiting pangboy next door!
"Etoh kasing si Milleana pinagbibintangan ni Angelica na third party sa relasyon nila ni King Marius." Barbie said. I pressed my lips tightly. Kumunot ang noo ni Thirdy at hinawakan ang kamay ko.
Grabeng lunok ang nagawa ko dahil dun!
"That's not true right?" He asked. Yung mga mata niya na parang nagmamakaawa and I swear pwede na kong magsuka ng rainbows at butterflies!! How can you be this gwapo Thirdy?!
"H-Hindi ah... Loyal ako sayo." I pouted. Lumawak ang ngiti niya na kahit hindi siya chinito ay parang nawala ang mga mata niya dahil sa sobrang pagngiti.
"Good. Kasi akin ka lang." He grinned. Hindi ko na alam kung ganu ako kapula ngayon lalo't grabe pa kung makatukso ni Barbie na tinatawanan lang ni Thirdy.
Tumambay muna kami sa park hanggang matapos ang break. Pansin ko naman ang tingin samin ng ibang mga students pero hindi ko na lang pinapansin dahil nadidistract ako sa mga ngiti ni Thirdy sakin tapos hindi pa niya binibitawan ang kamay ko.
Natigilan kami sa paglalakad ng makasalubong namin si Marius na nakahalukipkip sa gitna ng hallway at nakatingin ng masama samin ni Thirdy. Nailang ako sa klase ng tingin niya kaya napabitaw ako sa kamay ni Thirdy. Mukhang nagtataka naman si Thirdy sa ginawa ko.
"What's this Milleana? I broke up with Angelica para sayo at ito pa ang makikita ko?" Marius said sarcastically. Nanlaki ang mga mata ko at alam kong hindi lang ako ang nagulat sa sinabi niya. He broadcasted it dito sa hallway kung saan maraming students dahil katatapos lang ng break!
BINABASA MO ANG
Torn Between The Bad Boy and The Nice Guy
Teen Fiction"Sino ang pipiliin ko, ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko!! Ohhh!" Siguro yan na nga ang theme song ng lovelife ko. Okay na ko eh. Okay na kong hanggang tanaw lang. Hanggang sa mapansin niya ko. Tuwang-tuwa na nga ko dun eh...