I thought you'd be my happily ever after, but you became my once upon a time.
-----
"Oy hindi ka na pumapasok ah! Pasimple cutting ka!" Puna ni Barbie kay Thirdy na naghahanda na naman para sa basketball practice nila.
"I'm not! And besides I'm taking make up examinations! I'm not like you." Thirdy grunted at inayos ang pagkakasirintas ng sapatos.
"Napapadalas atah ang away niyo, iba na yan ha?" Puna ko sa kanilang dalawa. Nanlaki ang mga mata nilang pareho at sabay na napaiwas ng tingin. Parehas pa silang namula. Nalaglag ang panga ko sa inasta nila.
My ghad! What is this?!
"Milleana Lourice! Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Kinikilabutan ako!!" Barbie hissed. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pero inirapan lang niya ko.
"I have to go." Pansin ko ang pagkailang ni Thirdy at nagdadalawang isip pa siya kung hahalikan ako sa pisngi. But he did it anyway. Bahagya akong napasinghap dahil feeling ko may pinagtaksilan ako sa ginawa niya.
"Sige. Text text na lang." I smiled at him. Ngumiti siya sakin at bumaling kay Barbie.
"Call me if anything happens." He said to the both of us. Tumango ako and waved at him. Sinukbit niya sa kanang balikat ang bag niya bago siya nagtatakbo paalis. Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko.
Agad akong napangiti ng makitang si Brix ang nagtext sakin.
"So, si Brix na talaga?" Barbie asked me. Nakagat ko ang ibabang labi ko and nodded at her. Bumuntong hininga siya at bahagyang napailing.
"Bahala ka..." Pagkibit balikat nito. Excited kong binuksan ang message niya. Halos hindi mapilas ang ngiti sa mga labi ko.
Brix:
Rooftop baby. I miss you.
Impit akong napatili sa nabasa at bahagyang tinakpan ang namumula kong mukha. Agad kong inayos ang mga gamit ko.
"Rooftop lang ako." I winked at Barbie. Ngumuso siya sakin habang nakatingin sakin ng masama.
"Iiwan mo na naman ako!"
"Eeehhh sige na please? Babalik din ako agad." Pinagdikit ko pa ang mga palad ko para lang payagan niya ko. Napailing-iling siya at bahagyang tumango.
"K." She grunted. Mabilis kong sinukbit ang bag ko sa balikat ko at nilagay yung cellphone ko sa bulsa. Tumakbo ako paakyat ng rooftop. Halos hingalin ako pagkarating ko doon. Inayos ko muna yung sarili ko bago ko buksan yung pinto.
I felt my cheeks burn when I saw him. Nakasandal siya sa gilid at nakasuot ng headphones habang nakapikit. Naglakad ako papalapit sa kanya, I know he felt my presence kaya siya nagbukas ng mga mata. I smiled at him and he smiled back. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Torn Between The Bad Boy and The Nice Guy
Fiksi Remaja"Sino ang pipiliin ko, ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko!! Ohhh!" Siguro yan na nga ang theme song ng lovelife ko. Okay na ko eh. Okay na kong hanggang tanaw lang. Hanggang sa mapansin niya ko. Tuwang-tuwa na nga ko dun eh...