Tumagal ng tumagal ang pag-uusap natin sa internet. Hanggang sa dumating na tayo sa puntong sa tingin ko'y magkaibigan na tayo? Hindi ko alam, hindi ako sigurado. Akalain mo yun? Kinaiinisan kita pero naging kaibigan kita, para saakin kaibigan na kita, naging malapit na din saakin ang mga tao sa eskuwelahan, masaya. Oo, masaya kasi kasali na ako sa grupo nila. Pero mas masaya siguro sana kung malaya nating naipapakita ang pagkakaibigan natin.
Nagkaroon ng patimpalak sa labas ng paaralan natin, at kita mo nga naman. Kasali ako, at kasali ka din. Ang nakakalungkot lang, magkaiba tayo ng kategoryang sinalihan. Ngiti dito, ngiti dyan. Yan ang ginagawa mo. Bilang isang kaibigan mo, ngiti din ang ipinapalit ko. Marami tayo, kasama natin don ang kaklase kong kapatid mo pala. Isa siya sa mga kaibigan ko Nif. Masaya at kauna-unahang beses kong sumali sa patimpalak na ito. Nung oras na ng tanghalian, sa sasakyan tayong lahat kumain. Habang ikaw naman ay tapos na, nakapwesto ako sa bandang pintuan habang kumakain ng bigla mo itong alugin. Nako Nif, nagpapapansin ka nanaman saakin. Tumawa ako sa kabaliwang' ginagawa mo. Hindi ko maisip na ganyan pala ang mga trip mo. 3 araw nagtagal ang patimpalak. Kahit papaano'y nagpapansinan naman na tayo. Natalo ako, pero ikaw ay nanalo, hindi ko alam kung anong pwesto ang napanalunan mo. Masayang-masayang nagdidiwang ang punong guro natin dahil marami sainyo ang nanalo. Habang nagbabyahe tayo pauwi, tumigil tayo sa isang kainan. Halos lahat kayo bumili, habang ako naman ay hindi. Napaiyak ako, hindi dahil sa natalo ako, kundi dahil sa katotohanang' paborito ko ang binibili nyo ngunit hindi ako makabili dahil kulang na ang pera ko. Nakakalungkot na halos lahat kayo ay kumakain habang ako ay hindi. Ang hirap pigilan kaya napaiyak na ako.
Pag dating sa school, nakakatawang isipin na niyakap ako ng punong guro natin at sinabi niyang "okay lang yan Yanna, unang pagsali mo palang naman ito. Wala kang dapat ikalungkot dahil marami pang pagkakataon. At alam kong ginawa mo ang best mo. " Bagay na ikinatuwa at ikinatawa ko dahil hindi naman talaga yon ang iniyak ko, pero nakakataba ng puso na kahit natalo ako, masaya parin siya sa naging resulta nito.
Ang ganda ng naging resulta ng patimpalak na iyon sa buhay ko, ng dahil dyan natuto akong magpursigi at magpahalaga para matuto.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sayo (will undergo edit)
RomanceProbably would edit this but not delete it. First ever published story, mga panahong bata pa ako.