Akala ko kapag pumasok ka sa isang relasyon. Parang nasa hardin ka na puno ng mga rosas. Napaka luwag sa dibdib. Pero hindi pala.
Wala talagang sikretong hindi nabubunyag. Ang sakit lang na imbes na maging masaya sila para sayo. Yon pala tututulan lang nila kami. Ang sama na agad ng tingin nila saamin. Lalong lalo na saakin. Nag iba ang pakikitungo nila saakin sa loob ng paaralan, pinag-uusapan na nila ako. Pakiramdam ko, pinagtutulungan na ako. At nag iisa na lang ako. Hindi nila iniisip ang nararamdaman ko. Sobrang sakit ng mga salitang ibinabato nila saakin.
Hindi sila boto sayo Yanna. Ayaw nila sa kung anung meron sa inyo ni Nif.
Pati si Nen na dating nagtutulak saakin kay Nif, ngayon sinisiraan niya na ung tao saakin. Na kesyo ganito, ganyan yan.
Naguguluhan ako. Bakit sila ganyan?
Pati ung matalik kong kaibigan na si Ann, sinisiraan ako sa lahat. Pati sa magulang ni Nif, na kesyo gala daw ako at palaging ginagabi sa daan. Ang sakit. Yung taong inaasahan kong dadamay at makakaintindi saakin ay siya pang naninira saakin.
Dapat siya yung nagtatanggol saakin dahil matalik kaming magkaibigan. Pero hindi, sinisiraan niya pa ako.
Tapos ano? Nagulat nalang ako na sakanya na pala boto yung pamilya ng kasintahan ko. Nakakatawa, bakit? Dahil ba mayaman siya? Habang ako, may kaya lang? Oo, hindi kami mayaman. Mama ko lang ang nagtatrabaho para lang mapag-aral kami at mapakain kami ng kapatid ko. Wala sa tabi ko ang papa ko. Pero hadlang ba yon para maipakita ko kung sino talaga ako?
Napaka mapanghusga talaga ng mga tao ngayon sa mundo. Hindi pa nga nila kilala yung tao. Hinuhusgahan na nila.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sayo (will undergo edit)
RomanceProbably would edit this but not delete it. First ever published story, mga panahong bata pa ako.