Akala ko tapos na, akala ko lang pala. Habang tumatagal, sumosobra na yung pinag gagawa nila saakin. Paninira dito, paninira doon. Kalat na kalat na sa buong eskuwelahan namin na MALANDI ako. Oo, ganyan ang tingin nila saakin.
Nagmahal lang ako, malandi na agad?
Takip-tenga ko lang silang pinakikitunguhan. Kunyare hindi ako apektado kasi alam ko naman na hindi totoo eh. Desente akong tao. Hindi ako lumalaban at sumasagot sakanila kasi pinalaki akong may dilekadesa ng magulang ko.
Hindi ako makapaniwala na isa sa mga guro ko ganon din ang tingin saakin kasi nga kamag-anak niya si Nif, ang sarap tumawa. Pati ba naman sa loob ng klase pinepersonal niya ako. Hindi na niya ako tinatawag sa mga alituntunin na ipinapagawa niya.
Edi wag. Tiniis ko lahat. Nagtiis ako kasi wala naman akong pake sa mga sinasabi nila saakin.
Ang masaklap pa don, ung lalaking dahilan kung bakit ako nasira ay wala man lang kaaksyon aksyon. Pero hindi ko pinansin, hindi ko inisip na tumigil. Kasi hindi lang naman ganyang bagay ang makakasira saakin eh.
Matatag ako. Si ako magiging si Yanna kung matatalo agad ako ng mga mapanirang tao.
Alam ko namang darating yung panahong magiging okay ang lahat.
Pero hindi. Habang tumatagal lalo silang lumalala. Dumating na sa puntong isinumbong kami sa punong guro at gumawa ng kwentong kami raw ay gumagawa ng mga bagay na hindi dapat. Pero alam kong sa loob ko'y hindi yon totoo. Umiyak ako sa panahong yan dahil sobra na at hindi ko na kaya. Anong karapatan nilang saktan ako?
Nakakawindang. Napaka sakit. Akala ko magiging okay din ang lahat pero mukhang imposible. Buong buhay ko. Ngayon lang ako nasabihan ng 'MAKATI', hindi ung lugar ah. Ang masakit don. Nanggaling yon sa nanay mismo ng taong ipinaglalaban ko. Sobrang nakakamuhi. Pero tikom lang ako. Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. Hindi rin ako galit. Nasasaktan ako. Yun ang nararamdaman ko ngayon.
Dahil sa nararamdaman kong ito para sakanya. Natuto akong magtiis.
Wala akong pake sa mga sasabihin pa nila. Kakayanin ko to.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sayo (will undergo edit)
RomanceProbably would edit this but not delete it. First ever published story, mga panahong bata pa ako.