Bahala na si batman, ito na ata ung pagkakataon na sasagutin na kita. Nahuhulog na ata ako. Pero hindi pa naman ganon katindi. Pero gusto ko lang pagbigyan ung tayo. Mahirap kasing umasa sa isang bagay na walang kayo. "May nabasa kasi ako na kapag andyan na sa harap mo wag mo ng pakawalan, hindi lahat ng bagay parating nandyan." Gusto ko kasing gawin naming inspirasyon ang isa't isa. Alam kong bata pa ako at hindi dapat minamadali ang mga ganitong bagay. Pero alam ko naman sa sarili kong may limitasyon ang lahat ng bagay, at ayaw kong sirain ang tiwalang ibinigay ng pamilya ko saakin. Importante sila kaya lahat ng bagay na gagawin ko ay alam kong hindi makakapag bigay ng sakit sakanila. Bago ako gumawa ng isang desisyong alam kong magbibigay saakin ng responsibilidad, nagsasabi muna ako sa lola at mama ko. Nung una, syempre ayaw nila. Pero nung napag isipan naman nila at alam nilang hindi ako gagawa ng masama.
Pinayagan nila ako.
Ika 21 ng Oktubre, hating gabi. Sinagot ko si Nif, nakaka kaba pero masaya. Kasi naging masaya siya sa sagot ko.
Alam mo yung feeling na para kang lumulutang sa alapaap kasi dahil lang sa salitang Oo, may napasaya kang tao? Ibang klase ang pakiramdam.
Simula nung naging kami. Oo, may tatak na, yong matatawag mo talagang may KAYO na.
Legal kami sa pamilya ko. Pero ang nakakalungkot, illegal kami sa pamilya niya.
Lagi kaming magkatawagan, magkausap. Nagkikita din kami, kumakain sa labas, minsan dumadalaw siya sa bahay. Malugod siyang tinatanggap ng pamilya ko.
Masaya sa pakiramdam, may nadagdag sa pamilya namin. May bagong apo nanaman ang lola ko. Siya.
Sabi niya hindi niya ako sasaktan. Hindi niya ako papaiyakin.
Habang tumatagal na nakikilala ko siya. Mabait si Nif, may takot siya sa pamilya ko at pamilya niya. Higit sa lahat sa Diyos. Magkaiba man kami ng paniniwala at relihiyon. Hindi naging sagabal yon sa relasyong ibinubuo namin. Naging daan pa yon para mas lalo kaming maging malapit sa isa't isa. Itinuturo niya saakin ang mga bagay na pinaniniwalaan nila at ganon din ako sakanya.
'Daisuki Desu'
Mahal pala ang ibig sabihin niyan 😊
Tuwing matutulog na tayo, kakantahan mo muna ako. Saiyo ko nalaman ang kantang "Iris" at ang bandang "Sleeping with Sirens"
Ng dahil sayo, natuto akong magpahalaga ng mga bagay bagay sa paligid ko
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sayo (will undergo edit)
RomanceProbably would edit this but not delete it. First ever published story, mga panahong bata pa ako.