Ikatlong Yugto

181 3 0
                                    

Agosto na. Ang bilis ng panahon. Maraming mga aktibidad sa eskuwelahan natin, marami akong natututunan at nararamdaman ko ng kabilang na ako sa mga tao sa paligid ko. Heto na tayo, alam ko ng magkaibigan na talaga tayo. May bagong aktibidad na magaganap ngayon, ewan ko ba? Gusto ko palagi akong maganda. Dumating ako sa eskuwelahan kasama ung kaibigan ko, naka pink na filipiniana ako, napakasama mo. Pinagtatawanan mo ako, sabi mo babaeng-babae ang suot ko. Okay lang, bakit ba? Ang ganda ko parin kaya. Hays, dahil sayo, natuto akong magpaganda. Gusto ko maganda ako palagi pag makikita mo ako.

Hindi ko alam kung nililigawan mo na ba ako o hindi pa? Nakakaloka.

Hanggang ngayon, nagjajapanese ka pa din. Nahuhulog na ba ako? Hindi ko alam. Baka kasi trip mo lang pala ako.

'Daisuki Desu'

Ano ba talaga ang ibig sabihin niyan? Hindi ko alam eh. Ayoko naman itanong sa mga kaibigan ko kasi aalaskahin nila ako at baka magtanong din sila kung kanino ko nalaman yan.

Bahala ka. Baka mamaya masamang salita na pala yan. Malay ko ba dyan.

Inaasar na ako ni Nen sayo, sabi niya may gusto ka daw saakin. Malay ko ba don, grabe ang bilis makaamoy. Kaklase mo kasi siya eh, tapos kaibigan ko naman siya. Kilala na ako non kasi dating nagkagusto saakin yung kapatid niya, ang kaso masyado pa kaming bata non.

Pakiramdam ko nga, nakakahalata na ung kapatid mo na malapit na tayo eh. Ewan ko ba, hindi kasi ako matigil eh. Tinatanong ko talaga siya tungkol sayo, gusto pa kasi kita makilala. Masama ba yon?

Nalaman ko din na hindi pala kayo malapit sa isa't isa. Hala, bakit naman? Magkapatid kayo diba? Sa huli, kayo pa din ang magtutulungan.

Magkausap na tayo hanggang gabi.
Hala, nanliligaw ka na pala? Sabi mo simula palang ng nagkausap tayo, nililigawan mo na ako.

Napapangiti mo ako, ang kaso. Mas kikiligin sana ako kung personal mo akong liligawan hindi sa text o chat lang.

Hala? Sinabi ko ba talagang kinikilig ako? Hindi ah.

Nang Dahil Sayo (will undergo edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon