Nagkagalit tayo. Nagtampo ako. Nakakainis din kasi yang mga pang-aasar mo. Hindi kita kinausap ng ilang araw. Bakit ba? Ganoon kasi talaga ako kapag naiinis ako. Akala ko nga okay lang sayo, kasi mas lalo ka pang nang-aasar.
Pero kinilig talaga ako Nif, hindi ko inakalang kakantahan mo ako. Oo, kinantahan mo ako tru voice message nga lang. Pero kahit na, sobrang natuwa talaga ako. "Sorry na pwede ba" yan yung kantang kinanta mo saakin. Ang ganda ng boses mo. Pati yung kaklase kong si Phie kinilig nung narinig niya yon. Kase naman eh, nung isinend mo yon saakin magkasama kami. Akala ko kasi kung ano yon. Yun pala kinantahan mo ako.
' hindi ko nais na magkalayo tayo
nagselos ka't nilayuan mo 'ko
buhay nga naman, tunay bang ganyan
bumalik ka naman,
Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okay lang basta't magkatabi tayo
Minamahal kita, hihintayin kita.
Sorry na pwede ba? 🎶🎶
Buhay ko'y nasayo. Matitiis mo ba ako oohh, baby.
Wag sanang magtampo.
Sorry pwede ba? 🎤
Ihhh, nakakataba ng puso, unang beses tong may taong kinantahan ako.
Nahuhulog na ata ako sayo. Sasaluhin mo ba ako? Baka semento ang sumalo saakin.Baka sa huli iiyak lang din pala ako.
Iiyak ako dahil sayo.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sayo (will undergo edit)
RomanceProbably would edit this but not delete it. First ever published story, mga panahong bata pa ako.