Ika-siyam na Yugto

84 3 0
                                    

Matatag akong klase na babae, hindi lahat ng laban inuurungan. Wala sa bokabularyo ko ang pagpapatalo. Pero sa sitwasyon ko ngayon? Umuuwi ako laging umiiyak kasi ang sakit sakit na ng mga bagay na ipinaparamdam nila saakin. Mga bagay na alam kong hindi ko dapat nararanasan. Napapagod na akong lumaban ng mag-isa, habang napaka dami kong kalaban. Karapatdapat ko bang ipagpatuloy to o dapat sa umpisa palang bumitaw na ako.

Sobrang hirap na ng mga dinadanas ko, dumating ung lakbay aral namin na may sakit ako pero pilit pa din nila akong sinisira, nung mga panahon hindi na kaya ng katawan ko at kailangan ko ng magpahinga sinamahan ako ni Nif sa sasakyan pero anong lumabas? Lumalandi nanaman ako. Lahat nalang ng mga bagay na ginagawa ko mali. Ipinapahiya ako sa harap ng mga magulang na kasama namin sa sasakyan. Sobrang panlulumo na yung nararamdaman ko. Ayoko na. Sobrang pagtitiis na ang ginawa ko, gustong gusto ko ng umuwi at umiyak ng umiyak.

Tumagal ung sakit ko, hanggang sa hindi na ako nakapunta sa seleberasyon ng pasko sa eskuwelahan namin. Tapos anong makikita ko? Litrato ni Nif na kumakanta kaharap si Nen na kumakanta din habang ang isang kamay niya ay nakapatong sa balikat ng taong ipinaglalaban ko.

Sobrang sakit. Yung taong ipinaglalaban mo. Nagpapakasaya sa iba.

Napapangiti mo talaga ako Nif. Isang matamis at mapaklang ngiti.

Balewala lang pala lahat ng ginawa ko para sakanya. Pero ano?

Matapos nito. Hindi kita iniwan.

Hala, sige kapit pa Yanna. Magpaka tanga ka sa taong ipinaglalaban mo. Kahit mahirap. Sige pa. Masaya ka ba?

Relasyong ipinaglalaban ko, tumagal ng mga taon. Kahit napaka hirap mong intindihin, iniintindi kita. Natutunan na kasi kitang mahalin. Pagmamahal na hindi ko alam kung hanggang saan.

Kapag nag-aaway tayo. Sinasaktan mo yung sarili mo. Kapag nagtatangka akong makipaghiwalay sayo tinatakot mo akong magpapakamatay ka. Nagtitiis ako. Ako ung gumagabay sayo, pati si nanay kinakausap ka at ipinapaintindi sayo na mali yang mga ginagawa mo. Lahat ng bagay napag-uusapan Nif, dapat walang sakitan.

Inayos ko ang porma mo, kasi gusto ko presentable ang itsura mo, binibilhan kita ng mga damit at mga tokong kasi gusto ko nasasabay ka sa uso. Hindi ako humihingi ng kapalit, kasi lahat ng mga ibinibigay ko para sayo ay galing sa puso ko.

Pero ang hirap din palang hindi umasa. Naghihintay ako na gumawa ka din ng mga bagay na ikasasaya ko. Ang kasiyahan ko, hindi nagmumula sa mga materyal na bagay. Kahit simpleng liham lang na mula saiyo, masaya na ako. Lahat ng mga bagay na galing saiyo importante sa gaya ko.

Wala tayong pera parehas kasi nag-aaral palang tayo. Effort kasi ang mahalaga sa isang relasyon bukod sa tiwalang iniingat-ingatan.

Daisuki Desu ang lagi mong sinasabi saakin.

Ich Liebidich naman ang akin.

Nang Dahil Sayo (will undergo edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon