Oktubre na, lumipas na ang mga araw, hindi nalang tayo sa internet nagkakausap pati na din sa text. Okay lang, puro biruan tayo. Hanggang ngayon nakakabaliw parin ang pag jajapanese mo.
Dumating yung camping ng eskuwelahan natin, first time ko to kaya medyo nahihiya pa ako, may mga groupings, at ang nakakalungkot don, nahiwalay ako sa mga kaklase ko, may jingle contest pa, sobrang nakakahiya, nanginginig ako habang kumakanta kahit na may mga kasama ako. Pero tumatawa ka pa, napakabait mo talaga.
Natapos na ung mga aktibidad at oras na ng pagtulog. Hindi ako sanay matulog sa ibang lugar, namamahay ba? Kaya lumabas ako sa kwartong nakalaan para saakin at sa mga kasama ko. Paglabas ko andun ka sa may balkonahe kasama ang mga kaibigan mo, kaya nakitambay na din ako. Parehas din pala tayong hindi makatulog.
Napangiti ako ng pinahiram mo ako ng phone at headset mo. Ipinarinig mo saakin ang kantang "Pangarap lang kita" ang galing mo, napangiti mo ako.
Nag-uusap kayo ng mga kaibigan mo, dun ko narinig na may nakilala ka don sa larong nauuso sa kompyuter na nagtagal naging kaibigan mo pero niloko ka lang pala kasi akala mo babae yun pala bakla siya.
Napangiti ako ng mapait. Hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sayo (will undergo edit)
RomanceProbably would edit this but not delete it. First ever published story, mga panahong bata pa ako.