Ikasampung Yugto

102 6 0
                                    

Lahat pala ng bagay sa mundo ay may hanggan, parang relasyon natin.

Umabot tayo ng tatlong taon.

Tatlong taon' puno ng tawa, kilig, iyak, away at ilang beses na paghihiwalay.

May hanggan din pala ang paninira nila. Sa wakas, tapos na din. Tumigil na ang mga bunganga nila sa paninira saakin. Kahit papaano nagiging civil na kaming lahat sa isa't isa. Andito pa ung sakit pero kaya ko pa naman silang pakisamahan.

Patawad? Salitang napakahirap sabihin. Naghihintay akong makatanggap nyan mula sa mga taong nanakit saakin. Pero hanggang ngayon. Wala pa rin. As in wala. Parang ibinaon na lamang nila ang lahat sa limot. Parang walang alitan ang nangyari. Nagpatawad na ako. Pero yung sakit. Paulit-ulit kong mababalikan. Hindi ako tumatagal sa pag-iisip ng masaklap na yugto ng buhay ko ng hindi umiiyak sa huli.

Darating pala tayo sa puntong mauubos na ang pasenya natin.

Masisirang tiwala.
Paulit-ulit na dahilan ng pinag-aawayan.
Hindi pagkakaintindihan.
At marami pang iba.

Lahat ng yan, naranasan namin sa relasyon namin. Pero hindi naging dahilan ng tuluyan naming paghihiwalay. Paulit-ulit akong nagbibigay ng tyansa para ayusin niya ang pagkakamali niya.

Hindi na nasusunod ang kasabihang,
"Once is enough, twice is too much"

Basta pala mahal mo, kahit paulit ulit ka ng nasasaktan at nagpapakatanga go pa din ng go.

Pero dumating talaga sa puntong, isang linggong nawala si Nif para sa isang programa sa labas ng paaralan, nakatagpo ng mga bagong kaibigan. Nagkalabuan kami kasi nawawalan na siya ng oras saakin, pero inintindi ko yon, pero yung hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan niya pang makipag harutan sa mga babaeng bagong kaibigan niya? Iba ang pakikipagkaibigan sa pakikipagharutan hindi ba?

Mga bagay na ayaw talaga ng mga babae. Kasi panloloko na yon. Paglilike ng mga litrato ay nakakainis kasi kaya mo nga nilike dahil gusto mo ang nakikita mo.

Nag-away kami. Masyadong immature ng pinag-awayan namin. Oo, Pero ung pag eexplain na lagi niyang ginagawa noon. Hindi niya ginawa ngayon. Sobrang sakit, kasi nakakita lang ng iba, kinalimutan ka na. Asan na yung mga pangakong sinabi niya saakin?

Dahil lang dito. Nagbago na siya. Ni paghingi ng tawad sa mga pagkukulang niya, wala. Nakalimutan ka na Yanna.

Just give me one day please.

Salitang nagpagulo ng isip ko. Akala ko, kaya siya humihingi ng isang araw kasi tatapusin niya na ung mga ginagawa niya. Yun pala hindi. Marami talagang namamatay sa maling akala.

Kinabukasan.

Nakipaghiwalay siya saakin. ☺

Matapos lahat ng ginawa ko para sakanya, sa huli. Iiwan niya lang rin pala ako. Sana noon palang niya ginawa yon. Hindi yung pinaabot niya pa sa tatlong taon ang relasyong meron kami. Binalewala niya lahat ng sakripisyo ko para sakanya, nagkalabuan kami ng matalik kong kaibigan kasi siya ang naging payoridad ko. Mga bagay na dapat pala hindi ko ginawa kasi iiwan din ako.

Kailangan daw namin mag focus sa pag-aaral namin. Nakakatawa. Ang dami kong tawa. Mga isang milyon. Ang sakit isipin na sa haba ng panahon sagabal lang pala ako sa pag-aaral niya.

Nakesyo, tinatanggalan ko siya ng karapatan para sumaya at magkaroon ng buhay sa social world. Bagay na kailanman hindi ko ipinagkait sakanya, mga bagay na ipinagkait niya mismo saakin. Sa bawat gala ng mga kaklase at kaibigan ko hindi ako sumasama para sakanya kasi ayokong pag-awayan namin yon. Mga bagay na ginawa kong hindi niya naappreciate.

Nakipaghiwalay siya. Ang sakit sakit sobra. Sobrang dami ng luha ang naubos ko para sakanya. Pati ang pamilya kong tinanggap siya ng buong buo, sinaktan niya sa huli.

Nagmakaawa akong wag niya akong iwan tulad ng hindi ko pag iwan sakanya kahit na nakakapagod na. At marami na siyang kasalanang ginawa.

Ng dahil lang sa mga bago niyang kakilala.

Iniwan niya ako.

Ang taong umintindi at tumanggap sakanya sa kabila man ng mga pagsubok na dinanas ko para lang sakanya.

Tiwalang paulit-ulit kong binuo para sakanya.

Pag-iintinding paulit-ulit kong ibinibigay sakanya.

Ng dahil sayo. Umiiyak ako

Ng dahil sa kagaguhan mo. Nasasaktan ako.

Tatlong taon. Sinayang ko para sayo.

Nang Dahil Sayo (will undergo edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon