Hindi pala porket napasaya ka niya. Siya na talaga.
Lahat ng mga taong dumadating sa buhay natin ay may rason at misyon.
Dumating sila sa bahay natin dahil pwedeng sila na talaga or isang aral na dapat natin matutunan.
Nasaktan nila tayo, hindi upang matalo. Kundi matuto mula sa mga karanasang ibinahagi nila.
May mga taong umaalis sa buhay natin kasi may panibagong darating.
Hindi porket iniwan tayo, katapusan na ng happy ever after natin.
Dumating sila sa buhay natin upang maging experience at maging leksyon para sa susunod na sumubok ulit tayo. Alam na natin ang mga bagay na dapat gawin.
Sa relasyon, hindi mawawala ang pagsubok. Mahirap man o madali may rason yan kung bakit natin nararanasan.
Masaya ako kasi naging parte siya ng buhay ko. Kahit na nasaktan ako alam kong naging masaya ako kahit sa kaunting panahon na magkasama kami marami akong natutunan. Naipadama namin sa isa't isa ung pagmamahal namin.
Hindi porket iniwan niya ako hindi na ako babangon muli.
Mahalin mo ang sarili mo bago mo mahalin ang ibang tao.
Andyan pa naman ang pamilya at mga kaibigan ko eh. Higit sa lahat si God, sila ang naging lakas ko para tumayo ulit at maging masaya matapos ang heartbreak ko.
Move forward , move on at forgive.
Walang mangyayari sayo kung paulit-ulit mong babalikan ang mga pangyayaring yon ng may galit ka sa puso mo.
Dadating din si "The One" , yung talagang para sayo.
Love, understanding at trust ang puhunan ng relasyong nagtatagal.
Pag uunawa sa bawat isa. Pagmamahal na paulit-ulit ipinaparamdam at ipinapakita.
At higit sa lahat tiwala sa isa't isa.Walang mangyayari ung galit, sakit at pag ganti ang pinapairal mo sa puso mo. Walang magandang idudulot yan kundi puro masasama lang na pwedeng ikapahamak ng mga tao sa paligid mo.
Sana nagustuhan niyo ang kwento ko.
Hanggang sa muli!Paalam!
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sayo (will undergo edit)
RomanceProbably would edit this but not delete it. First ever published story, mga panahong bata pa ako.