oo nga pala, 'di nga pala tayo

2.2K 58 7
                                    

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?
Nahihilo, nalilito

Napasubsob ang mukha 'ko sa table. Hindi ko alam kung anong oras na o kung asan ba ako ngayon.

Basta ang gusto ko lang mangyari ngayon ay makalimot.

To forget the pain that I am feeling right now.
Akmang itutuga 'ko na sana ang alak na hawak hawak nang pigilan ako ni Dividee.

"Auby, alam mong hindi ka puwedeng uminom ng alak diba? Hindi pwede 'to sayo. Gusto mo na bang mamatay ha!?" pilit 'ko namang inaagaw ang alak 'ko sakanya.

"Eh dun rin naman ang bagsak ko eh! Huwag mo nga akong pakealamanan! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman 'ko ngayon! Hindi niyo alam ang pinagdadaanan 'ko!" sigaw ko sakanya

Itinapon ni Dividee ang bote ng alak at nabigla ako sa ginawa niya. "Sa tingin mo, Aubrielle!? Pag uminom ka ng alak! Makakalimutan mo na siya ha!? Kung inaakala mo, makakatulong para maibsan ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Hindi!"

"Kaibigan mo ako, kami. Alam namin kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon Auby! Alam namin kung gaano ka nasasaktan ngayon! Kaya nga andito kami ngayon oh! Pero anong ginagawa mo!? Pinagtatabuyan mo kami! Hindi ikaw 'yung Auby na naging kaibigan nuon! You've changed a lot! Sa tingin mo madali para saamin ngayon ang pinagdadaanan mo!? Hindi auby! Dahil pati kami ay nasasaktan! Kaya itigil mo na ang pagiging bulag-bulagan mo sa pag mamahal mo kay Leonardo, Auby! " napailing ako sa sinabi niya.

"Hindi! Mahal ko si Leonardo kaya gagawin 'ko ang lahat para sakanya! Putangina! Babalik rin siya babalik rin siya! Hindi mo alam ang nangyayari kaya tangina! Huwag na huwag mo akong sesermonan!" sigaw ko sakanya at nakita ko ang pagkagulat sakanyang mga mata.

"Sige! Sa tingin mo babalik siya sayo? Sa tingin mo mamahalin ka niya? Tangina, hindi Auby! Walang kayo Auby! At walang naging kayo! Naging desperada ka lang! Nag assume ka lang! Wala kaming alam sa nangyayari? Are you even hearing what you are saying! We witnessed everything! Kung paano ka mag effort sakanya, kung paano ka mag tiis. Kung paano mo pinaglaban ang pagmamahal mo sakanya! Kung paano ka nasaktan at kung paano ka nagsakripisyo, Auby! Kaibigan mo kami pero tangina pero bakit feeling ko, binabalewala mo na lang kami? Gusto mong huwag ka naming pakialamanan? Fine! Do whatever the fuck you want!" and she walk out.

Napangiti ako ng mapait at ipinikit ko ang aking mga mata hindi ko man lang namalayan na nag uunahan na pala ang aking mga luha.

"Walang kayo! "
"Hindi naging kayo"
"Naging desperada ka lang, nag assume ka lang!"

Ang sakit sakit. Ang sakit sakit na sa mismong kaibigan mo nang galing ang mga masasakit na salitang 'yan.

Pero mas masakit ang nagawa 'ko sakanila dahil tangina maski ang mga kaibigan ko ay nadamay 'ko sa katangahan 'ko.
Maski ang kaibigan 'ko ay nasaktan ako.
At maski ang kaibigan 'ko ay napagod na rin sa kakaintindi sakin.

Lumabas ako ng kwarto 'ko at nakita ko sa sala ang mga kaibigan 'ko.

"San ka pupunta, Auby?" Nag aalalang tanong saakin ni Mixey.

"Don't mind her. She doesn't give a fuck anyway." Wika ni Dividee

"Auby!" Rinig 'kong sigaw ni Mixey nang tuluyan na akong nakalabas sa condo namin.

Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse ko.

Gusto ko ng umuwi. Gusto kong mayakap ang aking ina.

Gusto kong umiyak sa aking tatay at gusto kong magsumbong sa aking Kuya.

Pero paano ako uuwi? Kung pati sila mismo ay nakalimutan na ako?
They are too busy.
Too busy with the company, Too busy on working.

Hininto ko ang aking sasakyan at bumaba ako. Tinanggal ako ang aking mga sapatos at inilagay ito sa loob ng aking kotse.

Pagkatapos iyon ay naglakad ako patungo sa dagat.. Umupo ako sa buhangin at tumingin sa kalangitan.. The sound of the waves makes me calm. Ipinikit ko ang aking mga mata

"Bakit ganon? Lagi na lang akong nakakalimutan, Lagi na lang akong nasasaktan, Lagi na lang akong mag isa. Am I that bad? All I wish is to be happy." at iminulat ko ulit ang aking mga mata. Tumayo ako at lumapit pa lalo sa dagat.

Inilublob ko ang aking mga paa and it makes me relax. "Pag stress ka o may problema ka, Dito ka pumunta ha? Tapos ilublob mo ang iyong mga paa" napatawa ako sa sinabi niya.

"stop joking, Leonard! Malamig kaya!" I giggled and hugged him.

"It's cold right? Yang lamig na yan. Yan lang ang magpapamulat sayo sa katototoohanan" agad akong napatingin sakanya.

"What do you mean Leonardo Christian?" agad niyang hinawakan ang aking mata

"Wala, wala. Let's enjoy this moment" and he kissed me on my forehead. At ayun pala iiwan niya rin ako.

Pagkatapos iyon ay umalis na rin ako ng dagat. Umupo ako sa bench malapit roon.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ko at nagpatugtog. I immediately click Spotify at lumabas agad ang kantang "Migraine"

"Ang lupit naman ni Tadhana! Timing na timing!" ani ko saking sarili. Inilapag ko ang aking phone sa tabi ko at sinabayan ang kantang iyon. Kahit na nagmumukha na akong baliw ay ipinagpatuloy ko parin iyon.

"Oo nga pala hindi nga pala tayo!" pagsasabay ko sa kanta. Inulit ko nanaman ulit iyon hanggang sa may sumabay saking kumanta "Oo nga pala hindi nga pala tayo" at doon nagtama ang aming mga mata.

Napatigil ako sa pagkanta at napatingin na lang ako sakanya. Biglang nanubig ang aking mga ata nang ituloy niya pa ang kanta

"Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?"

Napaiyak ako ng kantahin niya ang linyang iyon. Nahanap niya ako. Nahanap niya ang lugar 'ko. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, basta ang alam ko ay hindi ako naging iyo. Wala ako saiyo, Wala ako sa aking sarili dahil nawawala ako. Nawawala ang aking puso. Hindi ko mahanap. Dahil labis akong nasaktan.

"Oo nga pala hindi nga pala tayo" tuloy ko sa kanta kasabay nun ang paghila ko sakanya at paghalik sakanyang mga mata. Nakita ko ang pagkagulat sakanyang mga mata.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inen'joy ang moment na iyon.

"last na 'to at pagkatapos nito.. aalis na ako" Wika ko saaking sarili.

Mahirap magmahal nang taong hindi pa tapos magmahal nang iba.
Pero mas mahirap magmahal nang taong walang kasiguraduhang mamahalin ka rin pabalik.

OO NGA PALA 'DI NGA PALA TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon