NAKASAKAY— na kami sa sasakyan, mas pinili kong sumabay kay Leonard para na rin may kasama ito habang nag drdrive siya.
Nung una ay ayaw akong payagan ni Kuya Algeb at sinabing sakanila na lang ako sumabay pero si Ate Chis ang nagsabing hayaan na lang daw kami. Wala naman nang nagawa si Kuya Algeb dahil si Ate Chis na ang nag salita.
It is so awkward no one's talking and the only noise that you can hear is the radio. I really wanted to talk to him, ask him if he is fine or what is he feeling pero nahihiya ako.
My phone rang kaya naman sinagot ko ito "Aubrielle, mag lunch muna tayo. Medyo mahaba haba pa ang byahe natin. Where do you wanna eat?"
Napatingin naman ako kay Leonard na ngayong seryoso pa rin sa pag drdrive. "Uhm Leonard? May malapit bang fast food chain na madadaanan natin? Stop over daw muna tayo. Kakain daw muna sabi nila kuya."
Tumango naman ito hindi pa rin inaalis ang titig sa daan "May jollibee tayong madadaanan mamaya maybe dun na lang tayo mag lunch. Is it fine with you?"
"Kuya, jollibee na lang. I'll just contact Dividee to inform them." Pag katapos kong kausapin si Kuya Zeta ay naging busy rin naman ako na kausapin ang iba naming kaibigan.
Ang mga members nang clubs namin ay mas nauna nang umuwi kanina. Nahuli kami dahil na-huli ako ng gising kaya naman hinintay nila ako. Sabi nila kanina when Leonard woke up, tipid daw kung makipag usap si Leonard kanina sakanila at sabi naman daw ni Ate Chis ay maayos na ang kalagayan ni Leoanard.
Pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa rason kung ba't siya nahimatay. Hindi pa kami nakakapag usap ni Leonard at kanina rin pa ito tahimik. Nakarating na kami sa Jollibee kaya naman nag kanya-kanya na kami ng order.
To break the awkwardness between me and Leonard. I volunteered na ako na ang mag oorder ng pagkain namin but he declined. Sabi niya kaya naman raw niya, nanlumo naman ako sa sinabi niya at parang nawalan pa ng gana na kumain.
"Baby, ako na bibili ng pagkain mo. Hanap ka na lang ng mauupuan natin. Poly, samahan mo si Auby." Dahil sunday ngayon, medyo maraming tao.
Puno na ang 1st floor kaya naman napilitan na silang mag hanap ng mauupuan sa second floor. Nang may nakita silang bakante ay nilapitan nila ito at pinalinis agad. "Oh, kumusta na kayo ni Leo? Nag talk na ba kayo? You look bothered eh."
I sighed. Bothered na talaga ako kasi parang iniiwasan nanaman ako ni Leonard. Kakabati lang namin kagabi o kaninang umaga? Iiwasan nanaman niya ako? Ano nanaman ba ang nasabi ko sakanya kaya ayaw niya akong pansinin?
"Hindi pa. Ang awkward nga kanina. We were both silent and I don't know how to start the conversation kanina. He even declined when I offered na ako na ang mag oorder sa pagkain naming dalawa." Saad ko kay Poly.
Si Poly naman ay abala sa pag aayos ng mga upuan at pinagdidikit pa ang mga tables "Is it okay kung ganito? Want ko lang naman na mag eat tayo na sabay sabay." Tumango naman at naupo na rin si Poly sa tabi ko
"Alam mo, Isla baby. Kung want mo talaga malaman ang totoo, 'yang shyness na nararamdaman mo kelangan mawala yan para maging strong ka. If nag decline siya kanina, hindi naman ibig sabihin nun na he is avoiding you na. Wait mo lang, baka shock pa rin siya hanggang ngayon dahil sa nangyari kagabi. Sabi sayong huwag ka na mag overthink diba?"
"Sige, mamaya I'll try my best na tanungin siya. "
Tinawagan ko naman si Kuya Zeta upang sabihin na asa second floor kami. Ang iba ay nakapila pa rin kaya naman ay nag hintay na lang kami ni Poly. Nagpatuloy kami sa pag uusap ni Poly tinanong ko siya kung may manliligaw na ba siya pero paano daw siya magkakaroon ng manliligaw eh umaaligid aligid sakanya si Lucas at sinabi niya pang peste ito sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
OO NGA PALA 'DI NGA PALA TAYO
RomansaAubrielle Isla Allard, she can't still move on from her past. Para sakanya, iyon ang ala-alang hinding-hindi niya makakalimutan kahit gaano pa ito kasakit dahil kahit papaano ay naging masaya siya. Pero paano kung bumalik siya? Paano 'kung bumalik...