ANDITO— kami ngayon sa may Stilts Resort sa may Calatagan, Batangas ng Sports Club Organization at Theatre Club. Kami ang may pinaka malaking pera na nalikom at nuong last day ng foundatin namin ay pumunta kami sa Charity na pagbibigyan namin ng pera.
Ang awkward nuon dahil kailangan namin mag panggap ni Serena na okay kami. Mayroon rin kasi ang film club doon para mag docu.
Dalawang buwan na ang nakakalipas nuon at araw-araw ay mas napapalapit ako kay Leonard. Ngayon rin ang election para sa mga bagong set of SCO. Pinipilit nila akong sumali kaso tinanggihan ko iyon dahil mas mahal ko ang Theatre Club at mahal ko ang ginagawa ko roon.
"Prime! Can you just help us? Huwag ka ng pabebe diyan. Kung galit sakin, I don't care. " Dalawang buwan na ang nakakaraan at itong dalawang 'to. Hindi mo alam kung mag jowa ba talaga sila o nag gagaguhan lang sila.
Nag away nanaman kasi sila kanina, simple lang naman iyong pinag awayan nila pero eto. Biglang lumala. "Dividee, what did I told you? Stop being like that. " Tawag ko sa atensyon niya.
Nakita ko naman na napadaan si Lucas kaya siya na ang tinawag ko "Lucas, can you carry those foods? Ilagay mo muna sa may table natin. "
Kinuha naman ni Lucas ang mga pagkain "I'm sorry for being a bitch, Isla. Si Prime kasi. " lumapit naman ako Kay Dividee at niyakap siya
"Dividee, hindi naman tama na lagi na lang kayong mag away. It's not healthy. Okay? Kelangan niyong unawaan ang isa't isa. Stop fighting because of petty reason. Andito tayo para mag enjoy, kaya makipag ayos ka na. "
Kanina ko pa hinahanap kung saan nag punta si Leonard simula nuong dumating kami ay hindi ko pa siya nakikita. "Prime, asan pala si Leonard? Akala ko ba ay mag kasabay kayo? Ayun kasi ang sinabi niya kanina sa text message. "
Nag aalala lang ako kung nasaan niya. Magii-start na kasi ang team building namin at hanggang ngayon ay wala parin siya."
"Ah e, sabi niya kasi sakin kanina may pupuntahan lang daw siya saglit. " I know that he is lying. Base palang sa tingin at sinabi niya ay hindi na ako naniniwala.
Naging masaya ang team building namin dumating na rin kanina si Leonard, ang sabi niya ay bumisita lang daw siya sa kamag-anak niya.
Ang sabi saamin ay hanggang bukas daw kami dito. Buong araw ang naging team building namin at hindi kami nagkaroon ng pagkakataon ni Leonard na makapag-usap.
Ngayon ay nag bobonfire kami. Katabi ko ngayon sina Dividee, Mixey at Poly. Kaharap namin sina Leonard
Hindi ko alam pero parang kanina niya pa ako iniiwasan. Parang ayaw niya akong makausap, kanina sinusubukan ko siyang lapitan pero pag malapit na ako sakanya ay hihilahin na lang siya bigla ni Prime.
Nakakasama ng loob, gusto ko magtampo pero bakit naman sana? Mag kaibigan lang naman kami.
"Isla, you are spacing out again, sunog na ang marshmallows mo. " saka na lang ako napatigil sa kakaisip ng malalim dahil bigla akong kinausap ni Mixecy.
Kumuha siya ulit ng panibagong set mg mallows at binigay sakin. "Here. " umusog pa siya papalapit sakin "Are you okay? May problema ka ba? "
Umiling naman ako bilang sagot.Kanina pa ako nahihilo dahil hindi ako nakakain ng dinner, wala kasi akong gana at ang masama pa ay nakalimutan ko ang aking gamot. Lagot na lagot ako sa mga kuya ko nito.
Napansin naman agad ni Dividee ang pamumutla ko. "Auby, where's your medicine? " Nakita ko ang pag-aalala sakanyang mga mata.
"I forgot to bring it. I'm sorry. " paumahin ko sakanila "Hindi ka ba kumain kanina?" Bigla namang nilabas ni Dividee ang phone niya.
"Divi, don't call kuya Algeb please? Ayaw kong mag alala siya sakin." pagpipigil ko kay Dividee dahil alam kong kahit asa Batangas pa kami ay pupuntahan at pupuntahan niya parin ako.
"Here, yummy belt. Paborito mo ito diba? Buti na lang at nakadala ako ng ganyan. " Ibinigay sakin ni Poly ang isang pack ng yummy belt na dala dala niya.
"Thank you, wala kasi talaga akong gana at ayaw ko ang pagkain na sinerve kanina kaya hindi na ako kumain. " Bigla naman kaming nakarinig ng tawanan sa aming harapan at nakita namin na sina Leonard pala ang nag tatawanan kasama ang mga officers nito at pati na rin ang mga officers ko.
"Laro tayo Truth or Leave!" Mag papaalam na sana ako kina Poly na kung pupwede ay ihatid na nila ako sa kwarto ko dahil gustong gusto ko na mag pahinga.
"Ms. P, sali ka ha? " wika ni Gillian "Ah eh, hindi na sasali si Isla. Ihahatid na namin—" hindi naituloy ni Poly ang sinabi niya dahil biglang sumigi ti Alleis, ang officer nila Leonard.
"This early? Let's enjoy the moment po! Ngayon lang po tayo nagkaroon ng chance na ganito kaya naman pagbigyan niyo na kami. " Tinignan ko si Poly assuring her that I'm fine at pag bigyan na lamang ito.
Ang truth or leave ay parang truth or dare lang rin. Ang kaso pag pinili mo ang leave ay aalis ka at pag pinili mo naman ang truth ay kailangan mong sugutin ang tatlong tanong na ibabato saiyo.
"Mahal mo ba si Dividee? Kayo na ba? Seryoso ka ba sakanya? Dire-diretsong tanong ni Mixcey kay Prime.
"Oo. Oo at Oo" walang alin-langan na sagot ni Prime
Marami na rin ang umalis dahil pinili nila ang leave at kanina pa ako bagot na bagot dahil naboboringan na ako.
"Leonard! Whoo! Sabi kasi eh! Ang galing ko talaga. " nang marinig ko ang pangalan ni Leonard ay napaangat agad ang aking mga ulo
"Truth or Leave? " tanong sakanya ni Lucas
"Truth. "
"Namimiss mo na ba si Selena? " Nagulat naman ako sa tinanong ni Lucas
"Oo, araw-araw namimiss ko siya. Pero anong magagawa ng pagkamiss ko sakanya, eh asa langit na siya " Nasaktan ako sa sagot ni Leonard at ramdam ko ang pangungulila sa kanyang boses.
"Mayroon na bang nagpapatibok ulit sa puso mo? " pangalawang tanong ni Lucas sakanya.
"No one can make my heart beat. Si Selena lang ang makakapagpatibok ng puso ko and it fucking hurts. It still hurts kasi ako ang may kasalanan kung bakit nawala siya." tumulo naman ang luha na kanina ko pa pilit na tinatago.
"Last, saan ka nag punta kanina? " pang huling tanong ni Lucas.
"Pumunta ako sa puntod niya, namimiss ko na siya at ang sakit sakit dahil ito ang unang pagkakataon na hindi ko siya nakasama sa kaarawan niya. " At mas masaktan ako dahil sa luhang tumulo sa kanyang mga mata.
Hindi naman niya kasalanan kung bakit naging ganito.
Wala siyang kasalanan.Nakita ko ang pag suntok ni Prime sa balikat ni Lucas "What did you do, asshole! Umalis lang ako kung anu-ano na ang tinatanong mo sakanya! And you! Ba't mo naman sinagot! Buti na lang tayo tayo na lang nila Aubrielle ang andito. You moron! " Dala na rin siguro sa kalasingan ay kung anu-ano na ang tinanong ni Lucas at pati matapang rin naman itong sinagot ni Leonard dahil rin sa nakainom siya.
"Aubrielle, bakit pag naririnig ko ang pangalan niya. Nasasaktan ako? "
At doon na ako napatayo sa sinabi niya dali dali akong nag lakad at pumunta malapit sa may dagat. Rinig ko ang sigawan nila at ang pag tawag nila sa pangalan ko.
Bakit? Bakit sa tuwing naririnig ko rin ang pangalan ni Selena ay nasasaktan rin ako?
Bakit ba hinahanap parin ni Leonard ang matagal ng wala?
Ano ba ako sakanya? Napatigil ako sa aking mga iniisip dahil lang sa realize ko.
Play time lang ba ako sakanya?
Ginagago?Oo pala, turing niya lang pala saakin ay kaibigan lang.
Oo nga pala, umaasa lang ako.
Oo nga pala, hanggang dito na lang ulit ako sakanya.
BINABASA MO ANG
OO NGA PALA 'DI NGA PALA TAYO
RomanceAubrielle Isla Allard, she can't still move on from her past. Para sakanya, iyon ang ala-alang hinding-hindi niya makakalimutan kahit gaano pa ito kasakit dahil kahit papaano ay naging masaya siya. Pero paano kung bumalik siya? Paano 'kung bumalik...