CHAPTER 13

234 5 5
                                    

AUTHOR'S NOTE

Hi, sorry if ngayon lang po ako nag update & Guys ang saya ko kasi next week, exams na lang aatupagin 'ko. Tapos ko na mga requirements ko 😭 AND PLEASE ALSO READ MY NEW STORY: THE SINGLE LADY Ang Babaeng Expert sa Love Advice link here: https://my.w.tt/i71fh1pIG6
or you can just visit my account po. Please do read it po! Enjoy! Happy Almost 2k! ❤️ Maraming Salamat.
__________________

KANINA PA- namin hinahanap si Aubrielle at lahat kami ngayon ay nag-aalala. "Ano ba ang sinabi niya sainyo bago siya umalis?"

Pagkatapos na umalis kanina ni Aubrielle ay akala namin ay babalik pa siya. Kaya naman ay naghintay pa kami ng kaunti pero si Poly, kanina pa tarantang-taranta kaya naman ay napagdesisyunan naming hanapin na siya dahil sa kalagayan ni Carallel ngayon.

"Dividee, babe. I'm talking to you? What did she said before she left?" Agad akong napabaling kay Prime at bumuntong hininga. "Diba kanina she wanted to go to her room na kanina? Nahihilo kasi siya." Pagpapaliwanag ko kay Prime "Shit." mura ni Leonard at napahawak sakanyang buhok "Rielle."

I rolled my eyes when I heard him talk "We really need to find her as soon as possible. Mapapagalitan tayo kina Kuya Algeb nito." tumingin ako kina Poly at Lucas "Poly and Lucas hanapin niyo sa may pool area".

"Mixey and Feolios, hanapin niyo sa may mga rooms or sa convention hall."

"And you." Turo ko kay Leonard "Look her sa may beach, alone." Diin ko sa huling sinabi ko "Kami na ni Prime maghahanap kay Aubrielle dito. Now go." Utos ko sakanila

Gusto kong magalit kay Leonard dahil sakanya ay siguro nag walk out si Aubrielle. Bakit kelangan niya pang sabihin ang mga iyon? Kelangan niya ba talagang manakit ng tao? Hindi ba talaga siya nakakahalata? Manhid ba talaga siya?

Oo, pala. Wala siyang alam sa mga nangyari nuon. Nasasaktan ako para kay Aubrielle dahil doble-doble ang sakit na dala dala niya ngayon. Pinagsisihan 'kong pinaglapit sila ulit dahil sakin, dahil sa kagagawan namin ay masasaktan nanaman si Aubrielle at sa tingin ko, hindi ko na kakayanin iyon.

ANG LAMIG NG SIMOY NG HANGIN- ang pag hampas ng bawat alon. Napangiti ako ng mapait
Kelan na nga ba? Kelan na nga ba ang huling beses 'kong naranasan ang ganito? Isang taon na ang nakakalipas pero ramdam ko pa rin ang sakit. Ganito, sa ganitong pagkakataon niya nalaman ang totoong nangyari at sariwa parin sakanya ang sakit. Sariwang-sariwa at mas lumala pa.

Bigla ulit akong napa hawak saaking ulo dahil kanina pa ito pumipintig-pintig at maslalong sumakit ang ulo ko dahil sa bigla kong naalalang pangyayari na pilit kong kinakalimutan.

Hindi makatulog ang dalagang babae dahil iniwan siya ng mga kasama niya at natatakot siya dahil wala siyang kasama ngayon sa tent. Naisipan niya na lang muna na lumabas at pumunta sa dagat na malapit sa kanila. Umupo siya sa may mga buhangin at dahan dahan pinagmamasdan ang mga alon

"Hindi ko pa siya nakikita ngayon, siguro ay busy siya" usap niya sakanyang sarili, nilabas niya ang kanyang cellphone at pinagmasdan ang larawan ng isang batang lalaki at batang babae "Nakakamiss ka, alam mo yun? Ako lang ba talaga ang nakaalala?" Usap niya sa litratong asa cellphone niya

"Paano ka niya napaniwala? Uto-uto ka talaga, ano?" Akmang itatago na niya kanyang cellphone nang biglang may nagsalita sa likuran niya "What are you doing here? It's 12 midnight and you are sitting here? Alone?" Umupo ito sa tabi niya

"Uhm, wala. Nagpapahangin lang, hindi kasi ako makatulog." Pagpapaliwanag ng babae "Ikaw ba?"

Tumingin ang lalaki sa babae "Umihi lang ako pero bigla kitang nakita. So, I assumed baka you need someone to talk to? Any problems in life?" tanong nito at pinaglaruan ang mga buhangin

"Wala naman, I was just thinking of someone." Lingon niya rito "Eh ikaw? Do you need someone to talk to?" bumuntong-hininga naman ang lalaki at may inilabas ang kanyang cellphone.

"There's this girl na gustong-gusto ko lapitan kaso I don't know what to do."

"Tapos? Why? Torpe ka ba?" Diretsang tanong ng babae at dahil doon ay napatawa ang lalaki.

"No, silly. Super special niya kasi sakin and finally nahanap ko na siya." Dahil sa sinabi ng lalaki ay napalapit ang babae sakanya "Huh? Sino 'to?" Binuksan ng lalaki ang kanyang cellphone at may ipinakitang litrato.

Biglang lumaki ang mga mata ng babae sa kanyang nakita at dahil na rin sa gulat "Pp-paano mo 'to nakuha? San mo iyan nakunan? Ka-kanino?" tuloy tuloy niyang tanong.

Hindi niya alam ang kanyang gagawin hindi siya makapakali, kinakabahan siya at gulong-gulo. Pero paano? Paano niya iyon nakuha? Paano?

"Nagpalit kasi muna kami ng room ng section b, nakita 'kong may nakalapag na picture sa may upuan na pinag upuan 'ko and that girl, in the picture is really familiar at mas nagulat ako kasi andon rin ang mukha 'ko. Turns out siya pala iyong babaeng nakilala ko noon and that moment, i've taken that advantage to take a picture of it. Bumalik ulit ako doon to see if sino yung babaeng naka-upo doon, at nakita ko siya bigla kaya naman gusto ko sanang mapalapit sakanya. Na-mimiss ko na sya."

Naguguluhan man ay pinili parin niyang mag tanong "Pa-paano mo nakilala 'yung batang babae sa litrato?" ibinulsa niya muna ang kanyang cellphone bago ito nag salita

"Anim na siguro ako nun nung nagkakilala kami. My grand mother was diagnosed with cancer ay masaya parin siya. Lola was so sad before because she doesn't want being hospitalised pero bigla yun nagbago dahil sa isang batang babae. Every day, lagi siya noong pumupunta sa room ni Lola. May grandmother introduced me to her, at first. I don't really want her. I'm jealous to her before kasi siya lang lagi ang binibigyan ng atensyon ni Lola. Naasar ako sa batang babae nuon kaya naman inaway ko siya pero si Lola nagalit siya sakin nuon at pilit na ipinaiintindi ang sitwasyon ng batang babae sakin."
Malungkot niyang kwento.

"Bakit? Anong meron?" inosenteng tanong nito.

Bumuntong hininga muna ito "May leukaemia rin siya. Masiyahin siyang bata kaya naman hindi ko nahahalata nuon na may sakit siya. Simula nuon naging close kami, every after class ay lagi akong pumupunta roon. Hindi lang para kay Lola pero para na rin sakanya. Kelangan niyang huminto sa pag aaral nuon kaya naman pag may bago kaming lesson nuon, tinuro ko rin sakanya. Dalawang taon naging ganun ang routine 'ko. Hanggang sa tuluyan nang nawala si Lola. Nuong namatay si Lola bigla na rin siyang nawala. Bigla na lang nawala si Rie. Hindi ko man lang nalaman ang apilyedo niya. Ang pamilya nito, ay hindi ko pa nakikita. Pag meron kasi ang pamilya nuon, bawal akong pumasok sa kwarto niya o di kaya hindi siya makakapunta ng kwarto ni Lola. "

Binuksan niya ulit ang hawak niyang phone "Ito na lang ang natitirang ala-ala niya sakin at ngayon, nakita ko na siya ay gusto ko ng magpakilala sakanya at tuparin ang pangako ko."

Gusto man niyang umiyak ay pinigilan niya ang luhang nag babadya na sanang tumulo "Na aalagan ko siya at hindi papabayaan." wika nito ng buong sinseridad.

Isa lang ang kilala niyang pupwedeng may alam sa nangyari nuon.
At iyon ay ang kaniyang kaibigan.

"PLEASE TAMA NA! TAMA NA!" hiyaw ko.
Ang malas malas ko dahil hindi ko man lang nakuha ang mga gamot ko at ngayon wala pang may alam kung nasasaan ako. Panigurado ay nag aalala na sakin si Dividee

Bigla akong kinapos ng hininga dahil sa kakaiyak "Ang arte arte mo Isla! Mag kaibigan lang naman kayo eh! Huwag ka ng maarte tama na nga! Pinapahamak mo lang ang sarili mo!" Pagpapakalma ko sa sarili ko.

Tumayo ako humiyaw-hiyaw "Putang inang buhay 'to! Tang ina! Bakit pa ba ako nabuhuhay kung ganito lang rin naman nangyayari sakin! Bakit ang unfair unfair! Bakit?" Sigaw ko at patuloy parin sa kakaiyak.

Gusto ko lang naman maging masaya
Kelangan ba ganito dapat kalungkot?

Gusto ko lang naman na maalala niya
Pero bakit maslalong lumalala?

Gusto ko na lang mawala
Para ang lungkot at pighati ay tuluyan ng mawala

At biglang napatigil si Aubrielle sakanyang pagsisigaw dahil naramdaman niyang may yumakap sakanyang likuran. "Rielle, fuck. You made me worried!"

And for sure, magiging marupok nanaman ito.

OO NGA PALA 'DI NGA PALA TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon