CHAPTER 14

104 2 0
                                    

Ang hirap palang maging masaya, ano?
Para kasing pag nasobrahan mo yung saya,  sobra sobra rin yung kalungkutan na ibabalik sayo.
Para kasing pag naging masaya ka,  magiging handlang ang mundo.

Gusto ko lang naman maging masaya dahil iyon lang ang gusto kong maramdaman habang nabubuhay pa ako,  Lahat naman siguro tayo ay gustong magkaroon nang masaya na buhay habang nabubuhay pa tayo dahil para sa huli ay magiging panatag tayo na nabuhay tayong masaya kahit marami tayong pinagsisisihan sa buhay.

Oo,  alam kong hindi naman pupuwedeng puro saya lang ang maramdaman natin,  kelangan rin nating maging malungkot,  masaktan, madismaya,  at kung anu-ano pa. Ang mga emosyon na yan ang magbibigay aral saatin.

Kaya naman,  kung gusto mong maging masaya. Allow every emotions,  don't restrain them.

MATAPOS— akong yakapin ni Leonardo saaking likuran ay bigla na lang akong hindi makagalaw,  I wanted to push him away.  Hurt him,  shout at him.  But I can't.

Masyado akong malambot pag dating sakanya.  Gusto 'kong ipaintindi sakanya 'tong nararamdaman ko.  Na umaasa ako sakanya,  Na gulong-gulo ako kung ano ba talaga ako sakanya.

I maybe assuming but how can I stop myself from being that assuming kung lagi na lang siyang ganito? For the past three months,  All he did was to spoil me. Lagi niya akong sinusundo sa bahay, hinahatid sa bahay. Lagi kaming magkasama sa school. Naging close ulit kami. Ang mga barkada ko at ang mga barkada niya ay lagi na ring magkasama.

He always takes care of me,  defend me from Selena. Gives me comfort pag sobrang down na ako sa mga ginagawa ko sa school. How can I stop myself from falling again?  Siya parin ang Leonardo na nakilala ko nuon. Walang pinagbago. 

"Please, Let go. I feel uncomfortable that you are hugging me from the back. " pilit ko parin tinatanggal ang mga kamay ni Leonardo na ngayong nakapulupot sa aking tiyan.

Hindi ako makahinga dahil na rin sa sobrang kaba at gulat dahil sa ginawa ni Leonardo. Na-realize siguro ni Leonardo na sobrang higpit na ang pagkakayakap niya sakin kaya tinanggal niya ito.

Napahawak agad ako saaking dibdib "Why did you run away from us? Hindi ka man lang nag paalam? Hindi mo ba naisip kung anong pwedeng mangyari sayo ha?" I rolled my eyes upon hearing him speak, siya na nga itong hindi namamansin kanina. Siya pa itong galit.

Tumingin ako sa direksyon niya and his eyes won't lie. He really look so worried. Now tell me? Paano ako hindi mahuhulog dito eh, pa-fall 'to. "Wow, nag aalala ka talaga? Eh simula nung dumating ka, hindi mo ako pinansin. Para kang invisible lang ako. You won't even come near me, Leonardo and you even have the guts to lie at me!" Sarcastic kong sumbat sakanya

Ayaw kong magalit dahil it's not really good for me, naiinis ako sakanya. "Rielle, I'm sorry okay? I'm just so pre-occupied right now. Andami dami kong iniisip, andami-daming gumu-gulo sa isipan ko. That's why ayaw muna kitang pansinin dahil mahawa ka pa sa problemang dala dala 'ko."

How can I forget this day? Eh birthday ni Serena ngayon at nakuha ko pang mag drama ngayon? Nakuha ka pang masaktan at mag emote emote? Nakuha ko pang magalit kay Leonardo. Eh ako naman ang may kasalanan sa lahat.

That's when I realized na dapat pala ay hindi ko na isinumbat iyon kay Leonardo dahil alam kong mahirap ang pinag dadaanan niya. Halos araw-araw ata kay ikwinekwento niya sakin si Selena at syempre kelangan ko siyang damayan at pakinggan lahat ng sinasabi niya dahil nakukonsensya ako.

"Nevermind. I'm sorry if I acted that way, Sino ba naman ako para mag tanong ng ganyan sayo." Umupo ulit ako at nilaro-laro ang mga buhangin

"Rielle, tara na. Ihahatid na kita sa kwarto mo. It's cold in here baka magkasakit ka pa." Umiling naman ako bilang sagot kay Leonardo "Iwan mo na lang muna ako, I want to be alone."

OO NGA PALA 'DI NGA PALA TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon