~PROLOGUE~

3.2K 148 41
                                    

WARNING!!!!!⚠️ ang storyang ito as ginawa ko pa noong ako'y 14. Yung mga panahon na ISIP BATA pa ako haha😂😂 at yung panahon na ang DAMI KONG ALAM. Paniguradong marami kayong mababasang mali at sobrang lakas sa imaginations.

Sinasabi ko lang na hindi ito EDITED.

SHARE KO LANG naman pero kayo na bahala kung babasahin niyo parin.😆😳

PROLOGUE

Nakita ko kung paano tumulo ang dugo mula sa kanyang mga kamay. Nakita ko kung paano siya naghihirap dahil sa sugat na natamo niya. Hindi ko alam kung bakit pero may humihila sa akin at naguutos na tulungan siya. Kahit na alam ko na may posibilidad na mapahamak ako..

Nakatayo lamang ako sa kanyang harapan at walang ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang dugong dumadaloy mula sa sugat nito.

Sa isang pitik lang nasa harapan ko na siya agad. Tinignan ko ang mga mata niya na tila uhaw sa isang bagay. Nakakatakot siyang pagmasdan pero bakit tila hindi ko maiwas ang mga tingin ko sa kanya.

Nang Dahil sa liwanag ng buwan, na aninag ko ang mga mata niyang tila nagiiba ng kulay...

Agad na kumabog ang dibdib ko na tila walang bukas dahil unti unti siyang lumalapit sa akin.. 

Tinignan niya ako sa aking mga mata na tila naaawa siya sa akin. 

Nabigla ako ng pinunasan niya ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Dahil sa mga nangyari, hindi ko na naramdaman ang buong katawan ko na tila is na lang akong bloke ng yelo sa sobrang lamig. 

Niyakap niya ako at nagulat ako sa ginawa niya. Pero bigla akong nakaramdam ng init sa aking katawan. Mas bumilis ang tibok ng dibdib ko. 

Ibinaba niya ang kanyang ulo patungo sa aking leeg. Ramdam ko ang malamig niyang hininga.

Teka??

malamig??

Hindi ko alam kung bakit di gumalaw ang katawan ko. Bigla akong nakaramdam ng takot sa inasal niya. 

Hanggang sa naramdaman kong hinalikan niya ako sa leeg na nagpanginig ng buong katawan ko. 

Pero.. 

pagkatapos ng halik, nakaramdam ako ng sakit mula doon.

"AHHH!!" napasigaw ako sa sobrang sakit. Pinipilit kong makawala sa kanya pero mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit.

Naramdaman Kong parang hinihigop niya ang dugo mula sa leeg ko.

Unti unting nawawala ang lakas ko na tila nagiging malabot ang mga binti ko. 

hanggang sa bumigay ang buong katawan ko ngunit hawak hawak niya parin ako. 

Dahan dahan niya akong inihiga sa lupa .Nakita ko ang labi niya na may bakas ng dugo. Mukang iyon ang bakas ng dugo ko mula sa kanyang kagat.

Tumalikod siya at sinira ang pangitaas niya. Mula sa likod niya nakita ko ang dumudugo niya sugat na nakuha niya sa baril.

Kitang kita ko kung paano unti unting naghihilom ang sugat niya. Nakita ko kung paano nalaglag ang bala mula doon . 

Wala akong magawa kundi ang humiga at pagmasdan ang isang halimaw na nakatingin mula sa itaas. 

Humarap siya sa akin at binuhat niya ako na may pagiingat at pagaalaga. 

Bakit ganito??

dapat ko siyang kamuhian pero hindi ko kaya, lalo na sa tuwing nasa mga bisig niya ako.

Ramdam kong ligtas ako sa tuwing katabi ko siya

Bakit ganito?? 

Dapat ko siyang kamuhiian dahil pumatay siya ng tao pero iba ang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya sa akin..

May kakaiba sa kanya.. 

Na hindi ko kayang tiisin.. 

"You're mine now... My ..princess" Agad akong nawalan ng malay sa kanyang mga bisig. 

.
.
.
.
.

Isa lang naman akong simpleng babae. Isang babae na may mataas na pangarap. Kuntento na ako sa kung anong meron ako at kahit na ganito ako, proud ako. Wala akong pake sa sinasabi ng iba basta matulungan ko si mama at makamit ang inaasam kong pangarap..

pero...

Nasira lang ang lahat ng dahil sa pangingialam ko sa buhay ng ibang tao..

Nasira ang buhay ko ng dahil sa kanya...

and it's all because of that ...

VAMPIRE...

*****************
Hello guys currently editing na tong story ..

I hope na basahin niyo.. Medyo may dinagdag ako :)

The VAMPIRE PRINCE and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon