CHAPTER #30- WAKE UP!!!
*ADELINE'S POV*
napayakap ako sa aking sarili ng nakaramdam ako ng lamig. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko ang sarili ko na basang basa.
Biglang lumakas ang hangin na dahilan para mas lalo akong napayakap sa sarili ko. Inilibot ko ang aking paningin at agad akong natakot ng marealize ko na nasa gitna ako ng isang.. gubat??
Maraming nakapaligid na puno sa paligid at sobrang dilim. Tanging ang liwanag lamang ng buwan ang aking ilaw. Kinabahan ako bigla ng may narinig akong kaluskos sa likod ko.
dahan dahan akong lumingon. May isang magandang batang babae ang nagtatago mula sa likod ng isang malaking puno.
"uhh.. uhmm bakit ka nagtatago?? " malambing na sabi ko sa bata.
Hindi ito nagsalita. Tinignan ko siyang maiigi at nakita ko mula sa kanyang mga mata ang takot. Bakit?? takot ba siya?? kanino?? sa akin??? O___O
"Hello.. wag kang matakot sa akin.. hindi ako masamang tao.. " sabi ko dito at ngumiti ng masaya.
Unti unting lumalabas ang bata mula sa likuran ng malaking puno. Agad akong nagandahan sa kanya ng masinigan siya ng liwanag ng buwan. Sobrang ganda niyang bata.
"halika.. hindi kita sasaktan.. " ulit ko itong nginitian.
Dahan dahang lumapit sa akin ang bata. Napakaganda ng mga mata nito, napakapungay nito at itim na itim.
"Ako nga pala si Adeline.. " sabay abot ko ng aking kamay.
imbis na abutin niya ang aking kamay niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko naman siya pabalik. Dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at tinignan akong maigi. Nginitian niya ako ng sobrang tamis. Parang nakita ko na yung ngiting iyon. Parang pamilyar??
"Anong pangalan mo?? ..alam mo parang pamilyar ka sa akin.. " sabi ko sa bata ng may pagtataka.
ngitian ako nito ng ubod ng tamis at lumayo ng ka unti sa akin.
"Adeline..." Bigla siyang tumakbo papalayo .
huh?? Adeline?? Adeline din ang pangalan niya??
Bigla akong tumayo at sinundan ang batang iyon. Nahabol ko ang bata at huminto sa isang bukal. Agad akong namangha ng nakita ko ang tubig mula sa bukal ,sobrang ganda nito at dagdag pa ang liwanag ng buwan.
"Teka... anong sabi mo?? Adeline??? Adeline din ang pangalan mo?? " tuon ko ng pansin sa bata.
Tumango ito at sinundan ng ngiti. Napakaganda niyang bata siguro pag ito nagdalaga sigurado maraming patay na patay sa kanya. Napangiti na lamang ako sa aking naiisip. Ibinalik ko ang tingin sa tubig at tumabi kay Adeline..
Sa sobrang linaw ng tubig para akong nakatingin sa salamin. Dahil sa namangha ako hinawakan ko ang tubig. Agad akong napapunas sa aking mga mata ng may nakita ako sa tubig. Agad akong kinabahan dahil sa nakita ko. Dahan dahan akong umatra mula sa kinauupuan ko.
Ano iyon?? hugis ng mga muka ng tao. Agad akong tumayo at tinignang muli ang tubig.
Napatakip ako ng bibig ng makita ko ang maraming katawan ng tao sa ilalim ng tubig. Hindi nga ako nagkakamali mga patay na katawan ng tao ang nasa tubig.
"Adeline lumayo ka sa tubig! " sabi ko kay Adeline.
Hindi ito nakinig bagkus lumingon lamang siya sa akin. May lungkot sa kanyang mga mata at nakasimangot. Agad akong kinabahan at napaatras ng maalala ko ang mga tingin niya. Alam mo ko na kung bakit pamilyar siya sa akin. Kamukhang kamukha niya ako noong bata pa ako.
Pero.. Adeline??? ang pangalan niya??
bumalik ng tingin ang bata sa tubig. Napahawak ako sa bibig ko ng naalala ko. Ang mga matang punong puno ng kalungkutan at pagiisa. Ang mukhang punong puno ng takot at kalungkutan.
Wag mong sabihin....
wag mong sabihin na...
"Adeline.. patingin ako ng balikat mo" sabi ko dito.
Kung mayroon din siya ibig sabihin tama ang hinala ko.
Dahan dahang ipinakita ni Adeline sa akin ang kanyang balikat. Nanlaki bigla ang aking mga mata ng makita ko ang isang kakaibang palatandaan sa kanyang balikat.
"Wag m-mong sa-sabihing.. ako a-at i-kaw ay i-iisa?? " kinakabahan na sabi ko.
Bigla nitong ipinikit ang kanyang mga mata at dahan dahang binuksan ito. Nakita ko ang isang nanlilisik na mga mata at ang nakakatakot na ngiti mula sa bata. Mula sa noramal na kulay ng mga mata nito nagiging kulay pula ito.
Agad akong napapikit ng bigla itong tumakbo papalapit sa akin. Sobrang bilis nito. Nang wala akong naramdaman na kahit na ano ,dahan dahan akong binuksan ang aking mga mata at wala na sa harapan ko si Adeline.
"Adeline... " Agad namang bumilis ang tibok ng dib dib ko ng may narinig akong bumulong sa likod ko.
Dahan dahan akong lumingon at para akong nakatingin sa salamin. Agad akong napaatras ng paunti unti ng makita ko ang sarili ko na nakatayo sa harap.
Punong puno ng dugo ang buong katawan nito na para bang galing sa pagpatay. Nginitian niya ako na parang isang demonyo na lalong nagpaatras sa akin.
"Hahahaha!!!! " nakakakilabot na tawa nito at tinuro ang likuran ko.
Agad akong tumingin sa likod at agad na nanlambot ang aking mga binti ng makita ko ang isang bangin na mukang walang katapusan.
"Adeline... " may bumulong sa aking harapan .
Dahan dahan akong humarap sa aking harapan. Agad na tumibok ang puso ko ng sobrang bilis dahil sa takot. Nasa harapan ko ang isang halimaw na aking kamuka. Bigla ako nitong hinawakan sa bewang ng mahigpit.
"Bitawan mo ako!! " malakas na sigaw ko pero di ako nito binitawan.
Bigla nitong inilapit ang kanyang mukha sa aking leeg. Agad na bumilis lalo ang tibok ng dib dib ko ng may naramdaman akong matalas na bagay sa leeg ko.
ito na ba?? katapusan ko na ba??? hanggang dito na lang ba ako?? At ako pa ba ang papatay sa sarili ko??
Napapakit na lamang akong mariin at hinihintay ang susunod na mangyayari.
Nang biglang....
"WAKE UP!!! " may narinig akong tinig ng isang tao mula sa aking isipan.
************************
Thanks po sa pagbabasa :)sorry po kung bitin ^___^'
Next na po ba??? :)
BINABASA MO ANG
The VAMPIRE PRINCE and I [COMPLETED]
Vampireⓗⓘⓖⓗⓔⓢⓣ ⓡⓐⓝⓚ #67 The story starts to an innocent girl who met accidentally a vampire who change her simple life into mind blowing one. She choose to live with that vampire, now her life is in danger. She always meet creatures that...