CHAPTER#29- ADELINE..
*3RD PERSON'S POV*
"ADELINE!!!!! " malakas na sigaw ni Tamira..
lahat sila ay natataranta kung ano ang gagawin.
Nakatingin na may pag-aalala si Duane kay Adeline. Iniisip na nito kung ano ang kanyang dapat gawin dahil nasa peligro ang buhay nito. Nasa pagitan ng kamatayan si Adeline.
Nasa loob ito ng kanyang panaginip at hindi makalabas. Umupong naluluha si Tamira sa tabi ni Adeline, kahit papaano ay malapit na sila sa isa't isa at parang kapatid na ang turing nito sa dalaga. Samantalang si Nathan ay napapakagat labi dahil nasa peligro ang buhay ng taong mahalaga sa kanya. Malungkot na lamang tinignan ni Tamira si Adeline na parang isang bangkay na lamang.
Nakahiga ito sa higaan at kasing lamig ng yelo ang katawan. Nakabukas ang mga mata ng dalaga at ito ay punong puno ng takot. Makikita mo din ang labi nito na sobrang putla at parang bato.
"Duane!!! Gumawa ka ng paraan!! baka mamatay si Adeline!! ano ba!!! " umiiyak na sigaw ni Tamira.
Hindi man lang nilingon ng binata si Tamira, nanatili parin itong nakatingin kay Adeline na parang may hinihintay ito na mangyari.
"Duane!!! ano ba!!! GANYAN KA NA LANG BA?!!!! HAHAYAAN MO NA LANG NA MAGKAGANITO SI ADELINE!!! " hindi na napigilan ni Tamira ang galit nito. Lumiwanag ang kanyang magandang buhok. Akmang tatayo na sana si Tamira upang lumapit kay Duane ngunit pinigilan ito ni Nathan.
"Tamira...wag kang lumapit sa kanya...hindi pa tapos kailangan niya itong gawin." seryosong sabi ni Nathan kay Tamira .
"Bakit??! matutulungan niya ba si Adeline sa pagtingin lang??!! " nanggagalaiting sabi ni Tamira.
"Tignan mo siyang maigi sa mata..." sabi ni Nathan.
Agad namang tumingin ng maiigi si Tamira sa mga mata ni Duane. Agad napatakip ng bibig si Tamira ng makita niya ang mga mata ni Duane, kulay ginto ang mga ito at seryosong nakatingin kay Adeline.
"Tinutulungan niya si Adeline kaya wag mo siyang guguluhin.." seryosong sabi ni Nathan.
Kinokontrol ni Duane ang panaginip ni Adeline Gamit lamang ang mga mata nito. Hindi naiigalaw ni Adeline ang katawan niya sa loob ng panaginip dahil si Duane ang komokontrol nito .Si Duane ang pumatay sa mga tao at siya ang sumaksak kay Rion gamit ang katawan ni Adeline..
Biglang napapikit si Duane ng biglang nahulog si Adeline sa isang bilogang tubig. Sa pagkakataong ito hindi niya na makontrol si Adeline dahil biglang isinara ni Adeline ang kanyang isip na bihira lamang sa mga tao. Walang taong kayang isara ang isip nito at ito ay kinagulat ni Duane. Dahil sa hindi na makontrol ni Duane ang katawan ni Adeline sa panaginip ay pwedeng magwakas ng buhay dalaga.
"Duane.. Alam mo na ba??.. " seryosong sabi ni Nathan kay Duane..
imbis na sumagot si Duane dumeretso itong labas ng pinto. Agad na napatingin si Tamira kay Nathan tumango na lamang ang binata at sinundan si Duane sa labas at ganon din si Tamira.
Paglabas ng Mansion ay biglang huminto si Duane. Kanyang inalala ang nangyari kanina. Sumugod ang isang bampira sa kanila at may kakaibang nagawa si Adeline. Sigurado si Duane na planado ang lahat ng isang tao. Sigurado siyang isang strogoi ang gumawa nito.
May gustong pumatay kay Adeline dahil may nakaalam na ito ang kahinaan ni Duane at ang pinili nito. Planado na ito mula nung gabing muntik na mamatay si Tamira at Adeline. Pati na rin ngayon ,ang pagkakakulong ni Adeline sa panaginip.
biglang nagblanko ang mga mata ni Duane mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya agad kung nasaan ang may utak ng lahat.
Sa isang kisap mata nawala na agad si Duane. Agad namang naganyong lobo si Nathan.
"Tamira.. " sabi nito sa dalaga
"oo... " sagot ng dalaga.
umakyat sa likod ni Nathan si Tamira. Agad silang nawala sa mansion at sinundan si Duane.
NARATING ni Duane ang kinalalagyan ng may kasalanan ng lahat. Nasa harapan si Duane ng isang malaking abandonadong mansyon .Hindi na nagdalawang isip si Duane agad siyang pumasok dito at lumantad sa kanya ang isang madilim na lugar at walang ibang ilaw kundi sa mga kandila.
Nakaupo si Rion sa gitna ng isang bilog na napapalibutan ng kandila. Nanlilisik ang mga mata nito at may saksak sa Dib dib na sa pagkakaalam nila ay saksak mula kay Adeline.
Agad na dumating sila Tamira at Nathan. Nakita ng dalawa ang may kasalanan ng lahat. Lalapit na sana si Tamira na may galit sa mga mata, ngunit pinigilan ito ni Nathan dahil padalos dalos masyado si Tamira.
"sinong nagutos sayo? " kitang kita ang galit ni Duane sa kanyang mga mata.
"at sa tingin mo naman ay sasabihin ko?? " nakangising sabi ni Rion ngunit halata na sa kanyang muka ang panghihina.
"Sabihin mo!! kung gusto mo ako ang papatay sayo!!! " galit na galit na sabi ni Tamira kay Rion.
"huh... kung kaya mo... " sabi nito at parang hindi natatakot sa dalaga.
"mamatay na siya.. " nakangising sabi ni Rion habang nakatingin sa lumulutang na tubig na nakahugis na bilog.
biglang may lumabas sa katawan ni Rion. Kulay itim ito at tila gumagapang sa buong katawan ni Rion .
"huli na kayo... "
**********************************
info: si Rion (ri-yon) po ay isang Strogoi. Ang strogoi ay isang bampirang may kakaibang kakayahan at dahil sa katangian nila ay nababaliw sila sa kapangyarihan .isa silang mga bampirang baliw na baliw sa dugo ng tao . Mas pinili nila ang pagiging storgoi upang mas mahigitan ang royal blood ngunit sa huli ay hindi parin nila maabot ang antas na lakas ng mga royal blood.
thanks po sa pagbabasa :)
Next???
![](https://img.wattpad.com/cover/104953138-288-k696283.jpg)
BINABASA MO ANG
The VAMPIRE PRINCE and I [COMPLETED]
Vampireⓗⓘⓖⓗⓔⓢⓣ ⓡⓐⓝⓚ #67 The story starts to an innocent girl who met accidentally a vampire who change her simple life into mind blowing one. She choose to live with that vampire, now her life is in danger. She always meet creatures that...