CHAPTER#17

585 55 0
                                        

⚠⚠REPLY BOX POLICY⚠⚠

CHAPTER#17- CONFUSED

*ADELINE'S POV*

dreamm...

dreammmm!!!

huhuhuhu T__T dream lang pala!! 
sayang handa na sana ako sa ANO 
hayyy nako.. -__- 

At eto pa pala, ang pinagtataka ko ay pano ako napunta dito sa kama ???

ang naaalala ko binuhat ako ni Duane at bigla na lang humapas yung hangin ng malakas sa amin sinyales na tumakbo si Duane naalala ko pa nga yung pagiging pabebe ko. -__-

yung pinikit ko ung mata ko.

tapos..

tapos.. T___T

hayyyy!!!!

>___<

*insert(piano playing)*

hmmm?? teka??? saan galing yung tunog na yun?

O_____O

ang sweet ng tunog. Parang isang bihasa ang gumagawa ng tunog. Naalala ko yung tunog na iyon. Diba sa mga movies pag ganyan yung tugtog ibig sabihin may multo pero bat parang sa akin hindi siya pang horror?
Ang sarap nitong pakinggan. Parang isang magnet yung tunog dahil bigla na lang gumalaw ng magisa ang katawan ko.

Sinundan ko lang kung saan nanggagaling yung tunog. Habang papalapit ako ng papalapit ay parang bumibigat ang dibdib ko. Hindi ko alam pero bakit parang nae-excite ako sa kung anong meron sa tunog na iyon. Hanggang sa nadala ako nito sa isang malaking pinto. Halata sa pinto ang pagkaluma nito dahil halos buong katawan ng pinto ay sira sira.

Bigla muling tumunog ang piano. Dahan dahan Kong idinikit ang tainga ko sa pinto. Tama ako, dito nga galing yung tunog.

Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Ang sabi nga nila, curiosity kills the cat kaya napagpasyahan kong bukasan na ang pinto. Dahan dahan kong binuksan ng kaunti ang pinto at sumilip.

Aba malay ko! baka multo yung nagpapaino diba? 
pero 'malay' lang naman yun. Deep inside, gusto ko paring alamin. Hindi ko alam pero nacu-curious ako.

Mula sa maliit na bukana ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaking nakaupo sa harap ng piano at tinutugtog ito.

Hindi ko alam na mas maganda pa pala ang tunog nito sa malapitan. Dahil sa magandang tunog na iyon ay mas lalo akong lumapit.

Biglang tumigil ang musika. Biglang hininto ni Duane ang pagtugtog dahil siguro alam na niya nanandito ako.

Lumingon sa akin si Duane na may nanlilisik na mata. 

nagalit siguro siya??? Bakit ko nga ba sya inistorbo? ehhh?? Ang ganda kaya ng tunog. 

"ahh ehhh kasi ano... hehehe sorry hehe peace in earth??" kinakabahang tanong ko kay Duane.

wahhh!!!!! T____T

Muka na naman akong tanga sa harap ni Duane!! Kailan ba ako magbabago?! T__T Dahil sa kaba ay bigla na lamang akong napakagat sa labi. 

"ouch!!"

Napalakas ang kagat ko sa aking labi. Nakalimutan kong may sugat pala ako doon. Bigla akong nakalasa na parang bakal. Hinawakan ko yung labi ko. Nang tinignan ko ang aking daliri, nakita ko ang dugo mula doon. 

"what happen??" Mapagalalang sabi ni Duane. Papalapit na sana sa akin si Duane ngunit bigla siyang natigilan.

Anong problema niya?

The VAMPIRE PRINCE and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon