CHAPTER#31- ADELINE!!!

372 48 0
                                    

CHARTER#31- ADELINE!!!!





*3RD PERSON'S POV*




"Gusto mo ba talagang mamatay?? " sarkastikong sabi nga Nathan pero halata parin ang galit nito sa kanyang mga mata.






tumayo si Rion sa kanyang pagkakaupo. Dahan dahan itong umtras na may ngiting nakakatakot.Unti unting nawawala sa si Rion at unti unti siyang nilalamon ng dilim.






"Hello.. wag kang matakot sa akin.. hindi ako masamang tao.. " May narinig silang nagsalita sa kung saan.







At hindi sila nagkakamaling si Adeline iyon. Agad silang naging alerto. Baka pati sila ay maipasok sa isang panaginip.






Samantalang si Duane ay tanging nakatayo lamang at walang ginagawa. Tinignan nito ang tubig na kinalalagyan ni Adeline. Sinusubukan ni Duane na makapasok muli sa panaginip ni Adeline.






Agad na tumingin si Nathan kay Duane. Agad niyang binantayan ang paligid at naging alerto sa tabi ni Duane. Nakita at nalaman niya agad na tinutulungan ni Duane si Adeline mula sa panaginip.






"Tamira! bantayan mo ang paligid. Kailangang hindi makalapit ang taong iyon kay Duane. " Sigaw ni Nathan jau Tamira.






Agad na lumingon ang dalaga at nakita nito ang kulay gintong mga mata ni Duane. Naging alerto na din ito sa paligid. Humanda ang dalawa sa pwedeng mangyari.






"Ikaw pala ang may gawa.. " may narinig muli silang boses ngunit hindi ito galing kay Adeline.






"Kaya niyo ba..?? " parang demonyong bumubulong si Rion mula sa dilim.






"anong kaya..?? " Agad na sagot ni Tamira.





Bigla siyang hinawakan ni Nathan sa kamay ng mariin. Tinignan ni Nathan si Tamira ng napakaseryoso.





"Tamira.. wag na wag kang papaapekto.. " seryosong sabi ni Nathan.






"Anong magpapa apekto?" tamang tanong ni Tamira.





"anak... " may sa kung saan ang dalawa.






Biglang lumingon si Tamira sa kanyang likuran. Nanluha bigla ang mga mata ng Dalaga ng makita niya ang isang napakagandang babae sa kanyang harapan. Humakbang papalapit si Tamira sa babae na ikinagulat ni Nathan.






"Tamira wag!!!! " malakas na sigaw ni Nathan pero hindi nakinig si Tamira bagkus mas lalo itong lumapit sa babae.





Nakita ni Nathan ang kanilang ina. Hindi man sila tunay na anak nito, itinurin parin silang mga tunay na anak. Agad siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang dib dib ng maalala niya ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang ina.







ipinikit na lamang ni Nathan ang kanyang mga mata. Habang si Tamira ay paunti unting napapaluhod sa sahig. Umiiyak ng sobra si Tamira dahil kanyang nakikita ang pagkamatay ng kanyang ina sa panaginip. Unti unting nagiging malamig ang kanyang katawan at unti unting natutuyo ang kanyang labi.






"Tamira... " malungkot na sabi ni Nathan.





SAMANTALANG si Duane ay nakapasok muli sa isipan ni Adeline.







"WAKE UP!!!! " sigaw nito kay Adeline.





'Huh? saan galing ang boses na iyon' narinig ni Duane si Adeline sa kanyang isipan.





The VAMPIRE PRINCE and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon