CHAPTER#27-HINDI..

400 46 0
                                    

CHAPTER#27- HINDI..




*ADELINE'S POV*






"Duane.. anong ginawa mo?.. " nakatulalang sabi ko..






"Oww~~ pano ba yan lover boy mukang di siya makapaniwala.. " mapangasar na sabi nito.







hindi ko siya pinansin. Tanging nakatulala lang ako sa kawalan. Ramdam ko ang mga luha kong tumutulo mula sa aking mga mata.







"Ako na ang tatapos.. "  Bigla akong natakot ng nagbago ang boses ng taong iyon.. mula sa mapaglarong boses nagbago ito na tila naging malaki at nakakatakot..




"Duane... come here.. " agad naman akong kinabahan ng bigla siyang nagsalita..





hindi ako nagdalawang isip pa at lumingon agad ako sa kanya. Bigla akong naningas sa kinatatayuan ko ng makita kong lumapit sa kanya si Duane..




ano na naman ba ito??!! 





nakita ko ang paglapat ng mga labi ni Duane sa mga labi ni Rion.





Gusto kong Pumikit pero di ko kaya.. Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan habang nakatingin sa kanilang dalawa na mukang masaya sa halik na pinagsasaluhan nila.






parang sinaksak ang dib dib ko ng milyong beses. Hindi ko mautusan ang sarili ko na wag tumingin. Pero wala akong nagawa dahil may kusa ang katawan ko.





Nung nakita kong yumakap na si Duane, hindi ko na napigilan ipinikit ko ang mga mata ko upang hindi masaksihan kung ano man ang ginagawa nila.





"Haha seriously?? " narinig kong sabi ni Rion




Agad akong bumalik ng tingin ng naranig ko nagsalita si Rion..




"Uggh! " narinig kong daing ni Duane..






biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang kumikinang na bagay sa dib dib ni Duane..




"DUANE!!!!!! " Agad akong tumakbo papunta kay Duane.




Nakita ko kung paano unti unting bumabagsak si Duane mula sa kinatatayuan niya..





Ano na naman bang parusa to?? 






Agad kong nasalo si Duane.. Nakita ko ang dugong lumalabas mula sa kanyang dib dib.





hindi ko alam at bigla na lamang akong humagulgol ng sobrang lakas sa harap ni Duane..





"Duane.. Duane...Duane!!! " pilit ko siyang ginigising.





biglang binuksan ni Duane ang mga mata niya.. At kitang kita ko ang pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata..




mula sa natural na kulay nito nagbago ito at nagiging kulay asul...





bigla niyang itinaas ang kanyang kamay na agad kong hinawakan. Sana.... Sana wag siyang sumuko... hindi ko alam kung anong mangyayari kung mawawala siya sa tabi ko... hindi ko alam...




hinawakan niya ang aking muka at bakas ang paghihirap sa kanyang mga mata..



Duane...




"Duane... wag... wag.. wag kang Pumikit.. pakiusap.." umiiyak na sabi ko..





"Adeline.... " malambing na sabi nito..




"Duane... please... no.. " hindi ko na napigilan at napayakap ako sa kanya..




"Duane... wag please  ..please... "




"Duane..???  Duane...???? " agad akong kumalas sa pagkakayakap.





nakita ko kung paano na lang bumagsak ang kamay nito sa lupa na naging dahilan upang natulala at nanigas sa kinauupuan ko .




Duane...???




hindi... hindi.. hindi ako iiwan ni Duane diba??  ...Hindi diba??!!!  hindi!!!! 





Hindi ako mapakali at gumawa ako ng paraan para lang magising si Duane.. Pero hindi man lang siya gumalaw..




bigla akong bumagsak sa lupa ng may naramdaman akong sakit mula sa ulo ko. .






bakit??  bakit ang sakit??!!!!






"Ahhhh!!!!!! " namimilipit na sigaw ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.






"It's the time.. " biglang rinig ko kay Rion..






nakaramdam ako ng initi mula sa aking kamay na hindi ko alam kung bakit..





biglang may lumabas na dugo mula sa aking bibig na siyang kinagulat ko..





katapusan ko na ba...




wala na akong pagasa...





mukang hanggang dito na lang ako..






dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata..







pero agad akong nabigla ng biglang kumilos ang katawan ko na hindi ko naman alam..






bigla akong tumayo sa aking kinahihigaan..





hindi ko makontrol ang aking ginagawa.. Bigla kong hinala ang gintong kutsilyong nakabaon sa dib dib ni Duane..





hinawakan ko ang talim nito ng madiin na naging dahilan upang magdugo ang aking kamay..





nakita ko kung paano umaagos ang dugo mula sa aking kamay..






"hahaha!!  ito na nga iyon!! " masayang sabi ni Rion





bigla humaba ang kutsilyo at tinaas ko ito na dahil upang masinagan ng buwan..





nakita ko ang sarili ko sa talim ng espadang ito.. gusto kong bitawan ang espada pero di ko talaga makontrol ang katawan ko...





nakita ko ang sarili ko sa talim...




isang taong...





walang emosyon at may mga nakakatakot na mga mata na kasing pula ng dugo..





hindi ako ito....





Hindi ako ito....





Hindi...




******************************
Sorry po kung bitin.. :)  ^_^


thanks po sa pagbabasa :)


next??

The VAMPIRE PRINCE and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon